Chapter 22

5K 128 13
                                    

Chapter 22 || Christmas Ball

Nang matapos kami sa mga school works ay nagfocus na ang lahat sa nalalapit na Christmas Ball. Ang section namin ang naassign sa pagaayos ng stage kaya nandito kami ngayon nila Dennice at abala sa pagkakabit ng mga decorations. Dahil busy ang iba kong kaklaseng lalaki sa pagbubuhat ng kung anu-ano, ako na ang nagprisenta na magkabit ng decoration sa kurtina ng stage. Gumamit ako ng hagdan dahil sa mataas ito at hindi ko abot.

Nakarecover na naman ako pero may sugat pa sa hita. Kaya nga sabi ni Mommy magsusuot na lang ako ng long gown for Christmas Ball dahil pangit pa tingnan. Susukatan ako mamaya pagkauwi ko at papipiliin na rin ng design. Mas excited pa sa akin si Mommy kaya nakakatuwa.

Mabuti nga at may ganitong event dahil hindi na nila inintindi si Sasha. She's just suspended at hindi pwedeng pumunta sa Christmas Ball. Hindi pa kami ulit nagkakausap at wala pa akong balak na kausapin siya. I actually hate her. Inggit? Dahilan ba talaga 'yan para makapanakit ng kapwa? I forgave Dennice bacause she said sorry pero si Sasha mukhang walang balak... Akala ko pa naman ay kaibigan ko siya pero nagkamali ako. Maybe I should really try to be cautious when it comes to trusting anyone.

"Focus! Baka malaglag ka!" Nagulat ako sa boses ni Seth at nagtagpo ang tingin namin. Siya pala ang nakahawak sa tinutungtungan ko. Kanina lang ay isa siya sa mga nagbubuhat at hindi ko alam kung paano siya napunta rito.

Hindi gaya ng dati ay palagi na siyang pumapasok. He's already complying with all the school works kahit na gahol sa oras. I don't know what's got into him.

Iniiwas ko agad ang tingin ko. Nakilala na rin siya ng parents ko dahil sa nasaktuhan siya sa loob ng kwarto ko. Nagpasalamat si Mommy at Daddy sa kanya at si Seth naman, marunong palang gumalang. He respected my parents kaya napangiti ako.

Ginawa ko na lang ang dapat kong gawin at nang matapos ay dahan-dahang bumaba. Hindi sinasadya ay nasagi ko ang tuhod ko sa hagdan kaya na out of balance ako. Napapikit ako ng mariin, expecting I'd probably feel pain, pero hindi ako tumama sa sahig. Nang idilat ko ang mga mata ko, malapit ang mukha ko sa mukha ni Seth! He caught me! "I'll never let you get hurt again." Nakita ko na naman ang dimple niya. Binaba niya ako tapos siya 'yung hindi na naman makatingin sa akin.

Ganito ang nangyari sa amin sa mga sumunod na araw. Hindi ko maintindihan bakit mayroong ilangan sa amin. Ako kasi naiilang ako dahil sa paulit-ulit na lang niyang sinasabi na hindi niya ako hahayaang masaktan at ang rason? BASTA. Ang gandang rason 'yun full of meaning. Tss.

Nagkausap na rin pala kami ni Lawrence. Humingi ako ng tawad sa kanya dahil sa pinagisipan ko siya ng masama at siya man humingi ng tawad dahil naduwag siyang tulungan ako noon. Ngayon ay casual na lang kami. Nagbabatian kapag nagkikita na hindi naman madalas. Busy kasi siya dahil sa training nila for basketball.

Dumating ang araw kung saan Christmas Ball na talaga namin. Si Micko ang naglakas loob na maging partner ko. Siya ang naunang magaya kaya pumayag naman ako. Buong year level naman ay kasali. This is really a formal event lalo na at pinagsuot pa kami ng maskara.

"You're gorgeous!"

"Just like me honey.."

Nakatitig sa akin si Mommy at Daddy. Naiiyak pa sila kaya inakap ko agad sila. I really love how I look this evening. Si Mommy ang mismong nagayos sa akin. She made me look elegant without making me look old. Hindi ganuon kakapal ang makeup ko. Hinayaan din nilang nakalugay ang mahaba kong buhok at kinulot lang ang dulo. She let me wear her diamond necklace, earrings and bracelet. I wore high heels na bagay lang sa suot kong sleeveless floor length open back dress na kulay navy blue.

Sumakay na ako sa kotse at si Mang Antonio pa rin ang maghahatid sa akin. Sa school na kami magkikita ni Micko.

Pinuri rin ni Mang Antonio ang itsura ko kaya naman mas naging confident ako. Bago ako bumaba ay sinuot ko muna ang half face black mask ko. Huminga ako ng malalim at pinagbuksan na ng pinto.

An Angel's Plea to a Demon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon