Chapter 60

3.1K 69 5
                                    

Chapter 60 || Just Friends

I had a dream.

Nakita ko si Seth na masaya kasama ang ibang babae. Sobrang sweet din nila sa isa't isa na tipong 'yung mga ginagawa namin noon ni Seth, sila ang gumagawa. Nang makita ko 'yon ay nakita ko ang sarili kong umiiyak. Nilapitan ko siya tapos sabi ko... ayos na ako at pwede na kaming magpakasal pero wala pa rin. Parang wala lang sa kanya at hindi niya ako pinansin. Para akong isang salamin na nabasag at nadurog.

Sinabi niya na huli na raw ang lahat at may mahal na siyang iba. Iyon 'yung babaeng kasama niya na hindi ko naman malinaw sa panaginip ko.

Akala ko nga totoo na e. Kaya nang magising, umiiyak ako.

Panaginip pa lang iyon, paano kung totoo na? Masasaktan ba talaga ako ng sobra-sobra?

Pero seryoso... para akong binabaon ng panaginip ko sa sobrang sakit. Para akong pinagpipira-piraso.

Tandang-tanda ko 'yung tingin sa akin ni Seth doon, malamig ito gaya ng unang tingin na ipinukol niya sa akin sa una naming pagkikita sa hallway ng school noon.

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Bituin habang naguumagahan kami. Paalis sila ngayon ni Amihan para magtrabaho. Kailangan nilang gawin ito para sa pamilya nila.

"Oo okay lang ako. Ingat kayo hmm?" sabi ko at ngumiti sila. Umalis na sila at ganun din ako. Sinabi kong gusto ko ng sariwang hangin kaya maglalakad-lakad ako.

Mabuti na nga lang at nakahiram ako ng charger kagabi para sa cellphone ko dahil nalowbat na ako. Kaya ito at gulat na gulat ako sa pagdasa ng mga text.

May isang text galing kay Mommy na nagpakunot ng noo ko:

Wag ka nang magalit kay Seth, kami ng Daddy ang naglayo sa kanya mula sa 'yo... pero ginawa namin iyon para magtino siya. For him to deserve you. Go home please. We miss and love you baby...

Iniwan ko ang cellphone ko bago lumabas. Dumiretso ako sa tabing ilog na palagi kong pinupuntahan noon kapag gusto kong makapagisip-isip.

Nakita kong hindi pa rin ito nagbabago. Mabuti at naalagaan ng mga taga rito... Hinubad ko ang suot kong tsinelas at hinayaan ko ang mga paa ko na malayang nakababad sa tubig. Pumikit ako at pinakinggan ko maigi ang mga huni ng ibon.

Biglang pumasok sa isip ko ang unang araw ko bilang Liana. Sobrang mahiyain ako noon. 'Ni hindi nga ako makapagsalita ng maayos kasi kinakabahan ako. Sa tuwing tinatawag ang pangalan ko, hindi ako lumilingon kasi nga hindi ako sanay. Nene ang tawag sa akin ng mga taga rito at hanggang ngayon ay malimit ko pa rin iyong marinig.

Ang dami na ngang nangyari 'no? Nang maging si Liana ako, 'yung normal na buhay ko parang nagkaroon ng kulay. Iba-iba. Hindi ko inakala na darating sa buhay ko si Seth at ang iba pang tao na naging parte ng pagkatao ko ngayon. Hindi ko rin inakala na kung gaano nila ako mapapasaya, ganun din nila ako masasaktan.

Alam kong tama si Father Mon.

Pero sana magawa kong maiayos ang sarili ko rito para sa pagbabalik ko sa Maynila, ako na ulit ang Liana na kilala nila. Sa totoo lang kasi nakakapagod na. Nakakapagod maging kung sino ako ngayon. 'Yung tipong palaging extreme ang nararamdaman ko.

"Liana!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Mikoy pala.

Hindi ko alam na nandito na siya. Hindi ko na nga matandaan kung kailan kami nagkaroon ng maayos na paguusap simula nang mawala si Seth.

Tumayo ako at naging magkaharap na kami. "Bumalik ka na pala rito?"

"Oo. Kailangan ako ng pamilya at ng business namin dito. Baka hindi na rin ako bumalik sa Maynila. Well, it's just okay since wala na rin naman 'yung dahilan ng pagpunta ko roon. Nakuha na ng iba e." Nakangising sabi niya sa akin na alam ko namang ako rin ang kanyang tinutukoy. Pero iba na ito kumpara noon. Parang tanggap na niya na pagkakaibigan lamang ang kaya kong ibigay sa kanya.

An Angel's Plea to a Demon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon