Chapter 17

5.2K 133 6
                                    

Chapter 17 || Stay

Nanahimik ako sa nangyari kay Dennice gaya ng gusto ni Seth. Sa unang pagkakataon ay hindi ko ipinilit na tulungan ang isang tao. Masyadong malaki ang kasalanan niya e. Mahalaga ang buhay pero muntikan na siyang makapatay. She needs to learn her lesson.. iyon ang sabi ni Seth.

Pero kahit na ganun ay tingin ko dapat na magkausap kami ni Dennice. Nang lumabas siya ng classroom pagkatapos magpaalam sa mga kaibigan niya ay sinundan ko siya. Nang magkaharap kami ay panay ang pagagos ng luha sa pisngi niya kaya pati ang itim niyang salamin medyo basa na rin. Nakakapukaw ng damdamin. "I-I'm-" Sinampal niya ako at lalagpasan na sana nang maipagpatuloy ko na ang sasabihin ko. "I'm sorry kasi you have to leave. Sana kung saan ka man magpunta, be fair. Wag ka nang pangungunahan ng emosyon mo. You just have to work hard, do your best at alam kong magtatagumpay ka. You have a beautiful life ahead Dennice and I'm sorry for causing you all this trouble." sabi ko at hindi ko akalaing haharapin pa niya ako. Nakita ko ang pagdating ni Seth at nasa likod siya ni Dennice. Nanunuod na sa amin.

Insip ko na lang na wala siya at si Dennice lang ang nakikita ko ngayon.

"B-Bakit ka nags-sorry ha?!" inis na tanong niya pero lumapit ako at inakap ko siya ng mahigpit. Hindi niya ako itinulak at nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko.

"I know you have a reason to be this way towards me. At aaminin ko nagalit ako sa 'yo kaso naisip ko na that shouldn't last. I forgive you. But please be your true self. I know that you are a good person." sabi ko at humagulgol na siya bago kami naghiwalay.

"Nasanay ako na laging first honor and I admit na I'm jealous dahil sa atensyon na binibigay ni Seth sa 'yo. I have a crush on him... I'm sorry sa mga ginawa ko." Ngayon ay alam ko na ang rason niya. Tinalikuran na niya akong muli.

Nahinto sa paglalakad si Dennice nang makitang kaharap na niya si Seth.

Narinig ko ang tanong ni Seth sa kanya. "Galit ka ngayon 'diba? Kasi iniisip mo na sana masama na lang si Liana para hindi ka maguilty sa ginawa mo." Seth still looks evil but what he said next proved me that he's no Demon. "Stay. Para pagbayaran mo lahat ng ginawa mo sa kanya."

I didn't expect him to let her stay! Alam kong bitterness na lang niya ang mga sunod niyang sinabi but I'm really glad na hindi na niya paaalisin si Dennice. Tumakbo ako palapit sa kanya at agad siyang niyakap.

"Thank you Seth!" sigaw ko tapos tinulak ulit niya ako palayo.

"Tss. Stupid." sabi niya tapos tinalikuran na niya kami. Tumingin naman ako kay Dennice. Todo pa rin ang ngiti.

"I'm really sorry Liana and thank you..." narinig kong bulong niya at wala na akong sinabi. Nawala na lahat ng hinanakit ko sa kanya dahil tingin ko ay natuto na siya sa nagawa niyang pagkakamali.

Kinabukasan nang pumasok ako sa classroom ay si Seth pa lang ang nakita ko. May band-aid pa ang mukha niya at mayroon din sa braso. Ngiting-ngiti akong tumingin sa kanya bago naupo.

"Ganyan ka kasaya?" malamig na tanong niya.

"Yup! Kasi okay na ang lahat! Hehe." sagot ko naman at humarap ako sa kanya. Nakita kong parang nagbago ang kulay ng mukha niya. "Okay ka lang ba? Bakit namumula ka? Masama pa ba pakiramdam mo?" Hihipuin ko sana ang noo niya kaso tumayo siya bigla.

"F*ck." sabi niya tapos mabilis na naglakad palabas ng classroom.

Hindi kaya back to normal na kami? 'Yung gaya ng dati na hindi kami nagpapansinan? Nalungkot naman ako sa ideya na 'yon. Akala ko magiging okay na kami sa wakas.

Lumabas na rin muna ako ng classroom dala ang isang libro kaso may nabangga ako kaya muntikan na akong mapaupo. Buti tinulungan niya ako. "Sorry!" sabi ko nang makatayo na ng maayos at nakita ko si Nickolai Samaniego. Siya 'yung pinsan ni Seth at Lawrence hindi ba?

An Angel's Plea to a Demon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon