Chapter 25

4.4K 117 3
                                    

Chapter 25 || Cousins

Gaya ng gusto ng mga pinsan ko ay sa amin sila pumunta imbes na sa mga sarili nilang bahay. Pumayag naman ang mga parents namin at natuwa pa. They'll be with us for one week at excited na akong makabonding sila. Ngayon ay mas naramdaman kong may pamilya na akong totoo.

Kumuha kami ng mga pagkain sa ref at sa kwarto ko kami nagpunta. Pinagpaalam ko naman kina Mommy at Daddy na kakain kami sa kwarto at masaya naman silang pumayag. Dito sa kwarto ko matutulog si Ate Ysha at Ate Bea samantalang sa guestroom naman sina Kuya Imman, Kuya Dex at Kuya Ken. Manunuod daw muna kami ng movie kaya sa kwarto ko kami lahat.

"So takot ka ba sa mga ganito? Horror movies?" tanong sa akin ni Kuya Imman at agad akong umiling. Hindi ako takot! Mas gusto ko nga manuod ng horror movies kaysa 'yung mga romantic movies na gusto ng karamihan sa mga babae. Gusto ko kasi talaga 'yung may thrill!

"Wow! So nasa lahi ba natin 'yan or what?" manghang tanong ni Ate Bea. Natawa sila.

"Lahat kasi tayo hilig manuod ng mga horror movies." Nalinawan naman ako dahil sa sinabi ni Ate Ysha.

Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano at mas nakilala namin ang isa't isa. Ako pala talaga ang pinakabata sa amin dahil magsi-sixteen pa lang ako sa January 27 samantalang sila ay nakapageighteen na at mahigit ang edad.

Nang maayos na ang DVD player ay nanuod na kami sa flatscreen TV dito sa kwarto ko. Kami nila Ate Ysha at Ate Bea ay nasa kama habang nasa carpet naman sina Kuya Imman, Kuya Dex at Kuya Ken.

"Ang girly mo naman Liana!" komento bigla ni Ate Ysha habang yakap-yakap ang pinakamalaking pink bear sa kama ko. Tumawa na lang ako dahil dito. Babaeng-babae talaga ang kwarto ko at okay lang naman sa akin. Hindi naman ako pihikan sa disenyo. Ang mahalaga ay may natutulugan ako.

Sa mga parteng nakakatakot talaga ay sumigaw naman kami lalo na at nakakagulat pero natatawa ako dahil sabi nila hindi sila takot e nakita kong hindi na sila makatingin sa screen at parang aatakihin na sa puso!

Mga dalawang oras ang tinagal ng panunuod namin at sobrang nagenjoy ako. Hindi lang dahil sa maganda 'yung movie kundi dahil masarap kasama ang mga pinsan ko. Kaso may sunod pang movie ito kaya aantayin pa namin magshowing. Tinulungan na nila akong magligpit ng pinagkainan bago pumunta ang mga boys sa guestroom.

Paggising kinabukasan ay naabutan kong tulog na tulog pa rin ang mga pinsan ko. Nauna na ako sa CR at pagkatapos ko ay saktong paggising nila. "Baba na kayo para magbreakfast." sabi ko habang nagiinat sila bago lumabas ng kwarto. Nakasuot ako ng white T-shirt at black leggings imbes na magpambahay lang dahil nga sa nandito ang mga pinsan ko.

Ang aga ng mga boys dahil nasa dining room na sila at kumakain. "Nakita niyo sina Mommy at Daddy?" tanong ko at lumapit ako sa may ref para kumuha ng tubig.

"Umalis na sila kanina pa. Nagpaalam din pala kami na isasama ka namin sa gym." sabi ni Kuya Imman sabay subo ng tinapay na hawak niya.

"Gym?" Napakamot ako ng ulo.

"Hindi ka pa ba nakakapunta sa gym?" tanong ni Ate Bea na pababa na ng hagdanan.

"Uhmm hindi pa e. Pumayag sina Mommy?"

"Yup. Ihahatid ka na lang namin dito mamaya. Igagala ka namin ngayong araw." excited na sinabi ni Kuya Ken.

"Wooh! Let's hunt girls-aw!" Nabato ng tinapay si Kuya Dex na sapul sa mukha. Nagpigil ako ng tawa kasi naman sumibangot ito. "Ano ba Ken?" Naiinis na siya pero hindi naman nakakatakot. Kasi 'yung labi niya parang laging nakangiti. Mas matanda si Kuya Ken sa kanilang tatlo at si Dex ang pinakabata. Si Kuya Ken ay third year college student na sa pasukan habang second year naman si Ate Bea at Kuya Dex. Mas maaga kasing nag-aral si Kuya Dex kay Ate Bea kaya naman nagkasabay sila.

"Nandito si Liana tapos ganyan ka magsalita. Tss. Ayokong maging bad influence tayo sa kanya." inis na sinabi ni Kuya Ken.

Nalungkot naman ako. Syempre maganda 'yung intensyon nila pero gusto kong makilala 'yung totoong sila. "Okay lang sa 'kin. Mas masaya kung kumilos o magsalita lang kayo ng normal." sabi ko agad. Hindi na nagsalita si Kuya Ken.

"Pasensya ka na kay Kennedy at Dexter Liana. Topakin talaga sila at magkaiba ang ugali." Napakamot sa ulo si Kuya Imman at ngumiti lang ako.

Gaya ng gusto nila ay nagpunta nga kami ng Gym. May kanya-kanya silang gagawin kaya nagpaiwan na lang ako sa tinatawag nilang threadmill pagkawarm-up namin. Mabagal lang ang takbo ko dahil medyo natatakot akong hindi makatakbo. Tinuruan naman nila ako ng dapat pindutin pag gusto ko ng tumigil.

Tumingin-tingin ako sa paligid habang tumatakbo. Pawis na agad ako dahil madali naman talaga akong pagpawisan dati pa. Sadyang ganito lang ang katawan ko. Hindi mapayat at hindi rin naman mataba.

Nahinto ang mga mata ko sa isang pamilyar na lalaki 'di kalayuan sa akin. Gumagamit din siya ng threadmill at may suot na earphones. "Seth?" Nandito rin siya? Nagji-gym siya? Hindi naman siguro ako dapat magulat dahil sa pangangatawan niya halata naman. Napalunok ako dahil sa napatitig ako sa katawan niya. Sleeveless ang suot niya kaya naman kitang-kita ko ang muscles niya sa braso. Tagaktak na rin ang pawis niya pero hindi siya mukhang mabaho.

Ang init sa gym! Sobra!

"Hala." Nasabi ko nang iiwas ko ang tingin ko. Nakita niya akong nakatingin sa kanya! Baka anong isipin niya sa akin. Isipin na naman niya may gusto ako sa kanya. Tss.

Nanahimik na lang ako habang tumatakbo pero bigla itong nahinto. Akala ko nasira ko pero hindi dahil hininto pala ni... Seth. "Bakit ka nandito?" masama na naman ang tingin niya sa akin.

"Kasama ko ang mga pinsan ko." sabi ko tapos bumaba na para makaharap siya. Wala naman akong ginawa para matakot sa kanya. Sadyang nakakaintimidate lang ang tingin niya. Kung makatingin kasi siya ay parang kinakabisa niya bawat parte ng mukha ko.

"Ang tanong ko, 'bakit ka nandito?' hindi 'sino ang kasama mo?'"

"Ehh sinamahan ko mga pinsan ko." Siya na tama ako na mali sige.

"Maraming lalaki rito." Nagtaka ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa mga ibang tao at tama siya. Medyo weird dahil nakatingin sila sa direksyon ko. Oo nga at maraming lalaki rito. Anong gagawin ko? "They're staring at you." Nagsalubong ang kanyang kilay.

Pinasadahan niya ako ng tingin. Nakasuot ako ng cropped tee, leggings at sneakers. May masama ba sa pinasuot sa akin ng mga pinsan ko? Kasi pati si Kuya Ken ayaw pero wala rin siyang nagawa dahil kay Ate Ysha at Ate Bea. Kinilabutan nga lang ako sa kung paano ako tingnan ni Seth. Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa harapan ko.

"Ikaw man nakatitig e. Bakit ba?" Nakakailang siya! "P-Pinagnanasaan mo ba ako?" Oh no! Ano ba naman ang lumabas sa bibig ko! Letche huhu.

"Ang lawak ng imahinasyon mo. Tss." sabi niya tapos may pinuntahan siyang upuan at nakita kong may kinuha siyang jacket. 'Yung itim na jacket na pinahiram niya sa akin noon. Nagulat ako nang iabot niya iyon sa 'kin.

"Wear it." Pawis ako at ayaw kong bumaho jacket niya. Mainit din kasi at may dala naman akong sariling jacket. Ayokong magsuot ng jacket ngayon! Umiling ako tapos mas pinanlisikan niya ako ng mata. "Wear it yourself or I'll make you wear it?" Nagtaas siya ng kilay. Ngumuso ako.

"Something wrong here cuz?" May umakbay sa akin at nakita kong si Kuya Imman 'yun. Kasama niya si Kuya Dex na nakangisi at kumaway sa akin.

"Ginugulo ka ba niya?" tanong ni Kuya Dex. "Aba nice catch cuz-aw!" binatukan siya ni Kuya Ken. Napatingin naman ako kay Seth na parang inis na inis na.

"Wala. Uhmm.. Kaklase ko. Si Seth." Pakilala ko na lang tapos imbes na antayin pa niya ang sasabihin ng mga pinsan ko, umalis na siya. Rude!

"Aba ang angas niya a!" sigaw ni Kuya Ken na parang balak niyang habulin si Seth humarang ako.

"Bad mood lang." dahilan ko. Sinuot ko na lang ang jacket ko kahit hindi ko alam kung bakit gusto kong sundin si Seth. It's like it's my obligation to follow him.

An Angel's Plea to a Demon (Complete)Место, где живут истории. Откройте их для себя