Chapter 50

3.2K 75 6
                                    

Chapter 50 || He's Back

Seryoso?

"Payag na nga ako basta kasama ako."

Gusto kong sampalin ang mukha ko kasi baka nananaginip lang ako sa mga oras na 'to.

Pero hinampas ko na lang si Yno dahil sa sinabi niya. May date ba na may kasama akong bantay? I mean balak niya kasi na nakasunod talaga sa akin hindi 'yung gaya ng kay Mang Antonio na nagiintay lang sa kotse. Balak niya na katabi ko siya palagi!

"Fine. Basta wag kang magsasalita. Wag ka ring kikilos. Kunwari aso ko lang." sabi ko. I don't feel bad at all kasi nakakainis naman si Yno talaga. Akala ko pa naman kay bait bait nung una kong makilala. May lahi atang detective, agent o police 'to sa totoo lang. Ang galing magbantay sa akin! Kulang na lang sa loob pa ng CR. Alam ko namang wala na akong ibang choice kundi hayaan siya para makasama ko lang si Seth.

Nung tumakas pala ako sa kanya. Naabutan ko siya sa labas ng bahay paguwi ko galing kay Seth. Inintay niya talaga ako para sabay kami sa pagpasok sa bahay. Hindi nalaman ng parents ko na nagkita kami ni Seth thanks to him. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinulungan pero nagpasalamat na lang ako sa kanya. May kabaitan naman siya kahit papaano.

"Sure. Kaysa tumatakas ka ng ganun. Delikado kasi 'yung ginawa mo." Medyo nagbago ang awra niya pagkasabi nun. Hindi ko naman mawari kung ano ang dahilan ng pagbabago na 'yon.

Papasok na siguro si Seth ngayon. Isang linggo na rin ang nakalipas at monday na. Palagay ko naman magaling na siya. Hindi ko na siya napuntahan ulit kasi pinagbawalan ako ni Yno. Napakaterritorial niya kahit hindi niya ako pagaari. Puro text at tawag na lang tuloy kami ni Seth. Kaso bawal 'yon kapag nasa klase ako. Napakaraming restrictions!

Katatapos lang ng klase namin at dadaan lang ako sa library para magsauli ng librong hiniram ko nung isang araw para sa isang subject namin. Syempre kasama ko pa rin si Yno. Nagchange siya ng sched para masabayan talaga ako sa halos lahat ng mga klase ko. Kung hindi naman kami magkasama sa klase dahil major niya at major ko ay mayroon siyang kaklase ko na inuutusan para bantayan ko. Grabe lang talaga.

"Bilisan mo gutom na ako." sabi ni Yno bago ako makapunta sa librarian.

"Edi mauna ka na." sabi ko naman bilang paghahamon.

Sumingkit 'yung mga mata niya tapos humalukipkip siya. "I'll never leave you. I'll wait." seryosong sabi niya kaya inirapan ko na lang siya at tumuloy na sa paglalakad.

Mabilis naman akong natapos at dumiretso na kami sa canteen. Gaya ng nakagawian ay si Yno na ang bumili ng pagkain. Ayaw niyang bayaran ko kaya di na ako nagprotesta. Nakahanap naman kami ng bakanteng mesa.

"Mukhang bantay sarado ka ata a." sabi ni Mikoy at umupo siya sa lamesa namin ni Yno. Tsk. Itong dalawa na 'to ang mga gumugulo sa akin habang wala si Seth. Pero hinahayaan ko na rin. Sobrang miss ko na si Seth at sila nagdadivert ng atensyon ko.

"Oo. Sino ka?" sabi ni Yno. Tahimik lang ako habang tinitingnan silang dalawa. Nakaupo kami sa apatang lamesa at nasa harapan ko sila pareho. Sa tabi ko nakalagay 'yung bag ko para walang maupo. Ayoko kasi ng katabi. Kasalukuyan akong kumakain ng burger. Break kasi namin as of now kaya may oras kami para kumain. Mamaya may klase na ulit at sana pumasok na si Seth. Ayoko nang makasama ang mga 'to...

Dahil nga sa kasama ko lagi si Yno, iniisip ng ilan na kami na. Na niloko ko si Seth. Pero pinaintindi ko naman kay Seth ang sitwasyon kaya alam niya 'to. Wala naman akong magagawa at ganun din siya dahil ito ang gusto ng parents ko. Kaysa naman ilayo pa nila ako. Kami rin naman ang may kasalanan so we must accept the consequences of our action.

"Mikoy pre. Ikaw? Bakit para kang asong nakabuntot kay Liana nitong nakakaraang araw? Iba naman ang course mo ah. Type mo ba siya? Hindi mo ba alam na may boyfriend na siya?" maangas na sabi ni Mikoy na para bang alam niya ang buong storya. I just rolled my eyes. Come on, tumigil na sila.

"Yno. Her parents asked for my help and so I'm here. I don't care about her boyfriend. I just care about bringing her home safe." walang emosyong sabi ni Yno. Hindi ko alam pero parang nagkakainitan na sila. Wala naman silang dapat pagawayan dahil kahit isa sa kanila hindi ko gustong makasama ngayon.

Natahimik kami bigla na medyo nagpailang sa akin. Wala na siguro silang mapagusapan. Napatingin naman ako sa biglang umupo sa tabi ko at dapat sana magpoprotesta. 'Yung bag ko muntik pang bumagsak pero nasapo nito at inabot sa akin-

"SETH!" sigaw ko nang makita ko kung sino ito. Napatalon pa ako payakap sa kanya! Namiss ko siya ng sobra...

"Easy babe." natatawang sabi niya pero mas hinigpitan ko lang ang pagyakap ko. Ang bango ata niya ngayon ah. It's not his usual smoke scent.

Nang mahimasmasan ako e tyaka ako nahiya sa dami ng mga mata na nakatuon sa amin. Pagkahiwalay ko ay naisip ko kung ano ang iniisip nila sa akin.

May kasama lang naman akong tatllong lalaki sa lamesa ko and that is so embarassing! I look like a b*tch! or some sort of a slut.

Ngumiti ako kay Seth at ganun din siya sabay pisil ng ilong ko. Agad namang nagbago ang awra niya pagtingin sa harap ng mesa.

"Let's go." masama ang titig ni Seth sa dalawa nang sabihin niya 'to sa akin. Tumayo na lang ako at binitbit lahat ng gamit ko. Tumayo na rin si Seth bitbit sa isang balikat ang bag niya na parang walang laman. Susunod na sana ako pero may kamay na pumatong sa balikat ko dahilan para tumigil ako at lumingon sa taong nagpatigil sa paglalakad ko.

Si Yno pala at tinaasan niya ako ng kilay. Binigyan niya ako ng YOU-CAN'T-JUST-WALK-AWAY-WITHOUT-ME look. At napanguso ako sabay sabing YES-I-KNOW look. Ugh. Wala talaga akong kawala sa lalaki na 'to.

What if kasal na kaya ako? Nandun din siya sa kwarto ko? Tapos manunuod siya sa amin?! Pano kapag may spg kaming gagawin huhu. Omg! No way!

Teka futuristic ko naman.

Bumilog ang mga mata ko nang palisin ni Seth ang kamay ni Yno at pumagitna siya sa amin. "Make sure she's safe but don't you ever dare touch her. She's mine. Only mine." And honestly, with all those eyes here in the canteen staring at us, I think I just died.


An Angel's Plea to a Demon (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora