Chapter 39

3.3K 100 3
                                    

Chapter 39 || Open Forum

Akala ko hahayaan na lang niya ako... I thought he'll ignore me like what he did since yesterday pero mali ako dahil naabutan niya ako. Hinigit niya ako sa braso. Napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang labis na pagaalala. Wala na akong nagawa nang dalhin niya ako papasok sa loob ng kotse niya. I feel so much hatred than I can ever imagine... maybe because I expected too much. I hate to expect but I did it... lalo na kay Seth. I thought he'll always be there for me... but that's only what I thought.

Wala akong sinabi na kahit na ano sa kanya. Hindi na rin ako nagabalang magtanong kung saan niya ako balak dalhin dahil wala naman akong magagawa sa gusto niya. Kumbaga ay parang hindi ako nageexist sa loob ng kotse niya kaya tahimik lang kami pareho.

Ilang minuto ang nakalipas na para bang sobrang tagal nang huminto kami. Hindi ko naman inasahan na dadalhin niya ako sa eskwelahan namin nung highschool. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pinababa. Seryoso lang siya. Malamig ang tingin niya sa akin nang hawakan niya ang kamay ko at maglakad kami papunta sa elevator. Bumuhos sa akin ang mga alaala namin dito nang makasakay kami. We're really not friends back then... nakakabigla talagang malaman na in love siya sa akin.

Nang bumukas ang elevator ay agad kaming pumasok sa loob ng bahay niya (tingin ko) at pinaupo niya ako sa may sala. Humalukipkip ako at nagiwas ng tingin kahit magkaharap na kami ngayon. Nasa kabilang upuan siya kasi at nakatitig sa akin.

"Anong nangyari sa 'yo?" narinig kong tanong niya at tiningnan ko siya bago nagsalita.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa 'yo niyan?" Nagtaas ako ng kilay. Siya ang nawala e. Ako dapat ang magtanong kung ano ang nangyari sa kanya.

"Nevermind about me-"

"No! Anong nevermind? Ayan ka e. Masikreto. Kung gusto mo talagang manligaw, hindi ka dapat ganyan. Dapat magkakilalang-magkakilala tayo! Dapat kilalang-kilala kita!" Tumayo ako at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko para pigilan. Para akong nakuryente dahil sa ginawa niya.

"Please don't leave..." Natigilan na talaga ako dahil sa pagsasalita niya. Hindi ko naman talaga balak umalis e... I just want to push him to his limits.

"Then let's have an open forum here." sabi ko at bumalik sa pagkakaupo. Tinabihan naman nya ako this time. "Bakit ka umalis kahapon? Saan ka nagpunta? Bakit hindi kita macontact?" sunod-sunod na bato ko ng tanong.

"Naiwan ko ang phone ko rito. Nagpunta ako sa fraternity para putulin na ang koneksyon ko sa kanila." Napatakip ako ng bibig. "And I heard you'll have a date with that Michael. It was too hard for me to bear kaya hindi ako nakapasok kanina."

Ngayon ay nakaramdam naman ako ng guilt. Maybe sensitive nga talaga ang inasikaso niyang bagay kaya hindi ko siya nacontact... and I even agreed on having a date with another guy. Sinong manliligaw ang hindi masasaktan dun?

"Pero suitor din kasi siya e..." paliwanag ko.

"Yeah... I know..." matabang na sagot niya. "Now tell me what happened to you?"

Binigyan niya ako ng nakakapasong tingin. Bumalik sa alaala ko ang nakakakilabot na nangyari kanina sa akin. "Sina Laisie at mga kaibigan niya, kinulong nila ako sa CR ng boys, tinapunan ng ihi. Hindi ako makawala o makahingi ng tulong kasi tinalian nila ang mga kamay ko at bibig. Tinulungan lang ako ng janitor at janitress ng school kaya nakaalis ako at nakapasok pa sa klase." Nagsalubong ang kilay niya at umigting ang kanyang panga the whole time na nabanggit ko pa lang si Laisie. Para siyang sasabog. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya.

"Pero sina Mommy at Daddy na ang bahala sa kanila... pwede ba akong magtanong tungkol sa bracelet na binigay mo?" pagiiba ko ng usapan dahil pakiramdam ko anytime ay mawawala na siya sa kanyang sarili.

"Sure." bumuntong-hininga siya na parang may pinakawalang sama ng loob.

"Mahilig ka ba talagang magdesign?" I asked out of the blue.

"Well... I love drawing." Nang sabihin niya 'yon ay tumayo siya tapos ngumiti. It was a shy smile though pero sapat na para lumitaw ang dimple niya. Hinawakan niya ang kamay ko na kagaya pa rin kanina ang epekto sa akin at hinila ako papunta sa isang kwarto. Kinabahan pa nga ako e kaso naalala ko na hindi iyon 'yung kwarto na pinasukan namin noon. It was a different one lalo na nang buksan niya ang pinto. Tumambad sa akin ang iba't ibang drawing at painting. My jaw dropped instantly!

May mga lugar, sunset, mountains, at iba pang painting at drawing pero ang nagpatigil sa akin ay ang isang anghel na ginuhit niya. Kahawig ko ito! 

"That's you." 

Nilapitan ko pa ito lalo dahil sa kanyang sinabi. Malaki ang drawing na 'to kaya namangha ako. May talento pala siya sa pagguhit dahil ang ganda-ganda nito, parang professional and now I know it! May alam na ako tungkol sa kanya kahit papaano. He loves art! Painting!

"Wow... Ang ganda..." komento ko at pagtingin ko sa kanya ay namumula ang kanyang ilong. 

"Salamat." nahihiya niyang sinabi. I can't help but smile because of him.

"Dito ba kayo nakatira nila Sir Dominguez?" Napansin ko ang pagbabago ng ekspresyon niya nang mabanggit ko ang tatay niya.

"Nope. Akin lang 'to. I'm staying here."

"Pero nasaan ang pamilya mo?"

"Sa bahay nila. I have my own life." He clenched his jaw. 

Gusto kong itanong kung bakit. Pero baka isipin niya sumusobra na ako. Binalik ko na lang ang tingin sa anghel na drawing na ako raw. Black ang karaniwang kulay dito sa tinitirhan niya at agaw pansin talaga ang ginuhit niyang 'to dahil puti at nakakataba ng puso kapag tiningnan.

Bakit kaya itim? Bakit kaya hindi sila ayos ng pamilya niya? Gusto kong itanong ang mga 'to pero nabura sa isip ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa may baywang ko. Nakayakap siya sa akin mula sa likod. Katabi na ng mukha ko ang mukha niya dahil sa nasa balikat ko na ang kanya. Parang may boltahe ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.

"Pwede bang wag ka nang magpaligaw sa iba?" Sa bilis ng pintig ng puso ko ay hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tanggihan. Tama ba ako? In love na ba ako kay Seth? 

"Ah..."

"Can I be your only one?" may diin ang paghiling niyang 'yon. Parang hindi na nga patanong e. Parang pautos na.

Tumango ako...

Kasi mahirap ipagkaila ang nararamdaman ko. In love ako kay Seth. Oo... Sa unang pagkakataon nain love ako. Parang mabilis... parang mapanganib... but it isn't love without taking risk.

And if he loves me, I know he's willing to do my plea...

An angel's plea to a demon.


An Angel's Plea to a Demon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon