Chapter 43

3.1K 95 0
                                    

Chapter 43 || His Mom

Imbes na umuwi kami ni Seth kaagad tuwing uwian, tumatakas kami at namamasyal. Ginawa namin ito ng ilang ulit at sinasabi ko na lang lagi na may project kami sa parents at driver ko. Wala naman kaming masamang ginagawa ni Seth e. Nasa getting to know stage lang kami. At hindi ba mahalaga iyon? Na mas makilala namin ang isa't isa?

Dadalhin pala niya ako sa bahay nila ngayon. Ilang beses ko rin siyang kinulit para gawin 'yon at sa wakas ay pumayag na siya. Kahit sandali lang naman kasi sabi ko. Pakiramdam ko kasi hindi ko pa rin siya ganun kakilala unless na makita ko ang pamilya niya at kung saan siya lumaki.

Ganito ang tanda kong paguusap namin:

"Punta tayo sa inyo please? Hmm?" pangungulit ko na parang bata. Nakahawak ako sa braso niya at hindi ko ito pinakakawalan.

"No. I'm living alone and I don't want to see them." matigas na sagot niya.

"Bakit ba kasi?" pagmamaktol ko.

"Kasi..." He stopped and looked at me. "I can't say it." Nakita ko na natigilan lang siya sa balak niyang sabihin. Mas ginusto ko tuloy malaman kung ano iyon.

"Please Seth. You can trust me." I assured him. He can really trust me and that's for a fact.

Bumuntong hininga siya. Inakap ko siya mula sa likod. "Wag kang matakot ipakita sa akin ang sarili mo. I will still accept you no matter what."

Bumuntong hininga ulit siya. Mas malalim kaysa sa una.

"Pumunta tayo sa bahay mamaya."

And that's the end of our conversation. Alam kong ang inappropriate dahil ako pa talaga may gusto na pumunta sa kanila. Pero sinabi ko naman sa kanyang sabihin niya na kaibigan lang niya ako. Ayoko namang ipakilala bilang nililigawan kaagad.

Nalaman ko pala na wala na siya sa fraternity at ngayon ay kagaya ko, nagaaral na siya ng mabuti. Good influence ako! Yey! Natutuwa naman ako dahil sa nakikita kong inaayos niya ang buhay niya. Syempre gusto ko na magkaroon siya ng magandang future.

Mabilis na umusad ang araw at narinig ko ang bell. Sa may likod kami ng school nagusap na magkikita pero unexpectedly, nandoon si Laisie. Hindi ko naman inasahan na makikita ko siya dahil nung huling nagtagpo ang landas namin ay hindi naging maganda ang pangyayari.

"Ohh look who's here. Ang anghel!" She said sarcastically. Napaubo ako dahil sa hawak niyang sigarilyo. Nang makita niya 'yon ay pinausukan pa niya ako lalo. Naubo pa ako. Ang sama talaga ng babae na 'to.

I hate Seth doing this. Kaya nga nagkaroon kami ng mahabang diskurso noong isang araw. Sabi niya kasi ititigil na niya pero hindi ba hindi naman niya ginawa? Nakita kong nagsisigarilyo pa rin siya. Actually, hindi rin naman para sa akin talaga ang mga bagay na hinihiling ko sa kanya. Para rin sa sarili niya 'yon. Ayokong magkasakit siya dahil sa pagsisigarilyo niya kaya mabuti na lang at nangako siya sa akin na hindi na niya gagawin iyon. May tiwala ako sa kanya kaya naman pinaniwalaan ko 'yon.

"Daydreaming? Aba't sino ang katagpo mo rito? Your demon?" She flipped her hair and looked at me like she just caught me doing something inappropriate.

"Wala ka nang pake dun." sabi ko at aalis na lang sana nang magsalita pa siya.

"Do you think going out with a demon can make him turn into an angel?" she laughed. "He will only turn you like him Liana. I swear." At doon nawala ang boses niya. Pagtingin ko ay nakita ko ang paglalakad niya paalis.

Anong ibig sabihin ng sinabi niya?

Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon mag-isip dahil sa pagdating ni Seth. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad palabas ng campus. May mga sinasabi siya na hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa iniisip ko pa rin ang sinabi ni Laisie sa akin. Sinabi lang ba niya 'yon para guluhin kami ni Seth o may laman iyon?

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Seth. Mukhang napansin niya nag paglipad ng isip ko. Tumango ako at pinilit na maging normal lang ang takbo ng isip. Sumakay kami ng kotse niya na nagaabang sa labas ng campus. Nagpatugtog ako imbes na punuin ng katahimikan ang kotse niya. Kahit na hindi ako inaantok ay pumikit ako. Sinabi kong matutulog ako...

Kahit na hindi naman.

Maybe white lies make lying a habit for me.

Hindi ko rin napansin ang oras. Parang ilang sandali lang kasi ay nasa kanila na kami. Namangha ako pagkababa ko. Mayaman din pala sila. Parang magkapareho ang bahay namin. Simple lang pero elegante. White house ito, ibang-iba sa hilig ni Seth na kulay itim.

"Let's go inside." sabi ni Seth at hahawakan na sana ako pero nagsalita ako.

"Alam ba nila na pupunta tayo?"

"Nope." sabi niya at ngumiti. Sira talaga 'to. Balak pang gulatin ang mga tao sa kanila.

Syempre wala na akong nagawa kundi sumunod papasok sa bahay nila. Alangan namang sabihan pa namin sila ngayong nandito na nga kami sa labas ng gate.

Pinagbuksan kami ng gate ng guard nila at kinakabahan akong tumuloy sa loob ng bahay nila.

Walang tao sa garden kaya sa loob kami ng bahay dumiretso. Napangiti ako nang makita ko si Lawrence sa may sala. May katulong ding naparaan kagaya sa amin.

Hindi na ako nakakaramdam ng pagkailang kay Lawrence at mukhang ganun din naman siya. Natawa na lang tuloy ako nang itago ako ni Seth sa likod niya pagkakita sa kanyang kapatid. Parang aagawin lang ganun?

"Bakit kayo napapunta rito?" tanong ni Lawrence kay Seth.

"Si Daddy?" tanong ni Seth imbes na sagutin ang tanong ni Lawrence. Mukhang sanay na ang kapatid niya kaya sumagot na lang ito.

"Nasa dining room kasama si Mommy." Hindi ko alam pero nakita ko ang pagigting ng panga ni Seth dahil sa naging sagot ni Lawrence. Ano naman ang masama kung magkasama ang Mommy at Daddy niya sa may dining room? Napakamot na lang ako ng ulo.

Gusto ko sana siyang kulitin kaso wala na akong nagawa nung hilahin niya ako pupunta sa isang pintuan sa taas. Pinapasok niya ako roon at doon kami nanatili. Mukhang kwarto niya ito pero pansin ko na wala masyadong gamit.

"So eto ang kwarto mo rito?" tanong ko at tumango lang si Seth. Naupo kami pareho sa may paanan ng kama niya. Pinagmasdan ko ang buong kwarto niya. Hindi ito kulay itim tulad nung sa school na tinitirhan niya. Kulay puti kasi rito. Mas maaliwalas siguro dahil na rin walang gamit masyado.

"Liana..." nang tawagin niya ako ay agad akong napatingin sa kanya. Medyo nagulat ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa. "Ikaw ang unang babae na hinayaan kong makapasok sa buhay ko and I can't lose you." Ramdam ko ang takot sa boses niya pero bakit? Ano naman ang nakakatakot? Wala naman akong ginagawa para matakot siya ng ganito.

"When I'm finally ready, you can ask me to be yours." sabi ko dahil hindi pa naman kami at hindi pa pwede. I need to know him. He needs to know me. He needs to be more responsible. He needs to change for him to be better.

"Kailan ka pa ba magiging handa?" tanong niya at basang-basa ko sa mga mata niya 'yung kagustuhan na makuha ang oo ko.

Hindi ko pa masabi na mahal ko siya kaya naman sa kilos ko pinakita. I pressed my lips on his as softly as I could and when I was about to break the kiss, naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko. It's not so tough but enough to stop the separation of our lips. He kissed me back like it's not going to end.

"Alam kong may ginawa akong mali noon pero matagal ko nang pinagsisihan 'yon! And he should know it. Dapat maintindihan niya ako. Nanay niya pa rin ako kahit na anong gawin niya!"

"Veronica, alam mo naman na sensitive ang anak mong si Seth. He caught you cheating! Kaya-"

I want to hear more pero hinila ako ni Seth palabas ng kwarto niya. Tuloy-tuloy kami hanggang makalabas ng bahay nila at isinakay niya akong muli sa kanyang kotse. Mabilis ang ginawa niyang pagmamaneho.

Did I just open his wound?

His mom cheated.

An Angel's Plea to a Demon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon