Chapter 38

3.4K 98 2
                                    

Chapter 38 || No Savior

Kadalasan naman nakakatanggap ako ng text mula kay Seth lalo na kung hindi kami magkasama pero bakit hanggang ngayon wala akong text na nakikita sa phone ko galing sa kanya? Ano na kayang nangyari dun at hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko? Nakapatay lang ang phone niya e. Nang umalis siya kahapon ay hindi na siya muling bumalik kaya naman absent na siya sa mga sunod na klase niya. 

Ngayon din ay wala siya. Wala rin si Maxynne e... wala tuloy akong makakasama ngayon gaya kahapon. Wala pa naman ang professor namin kaya tatlong oras ang vacant time. Dapat pala hindi muna ako pumasok kaso hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari syempre kaya paano ko 'yun magagawa.

Naiisip ko tuloy minsan na sana may Time Machine para alam ko na agad ang mangyayari sa future o di kaya makakabalik ako sa past. Kaso naisip ko rin na wala nang thrill o excitement ang buhay kung mayroong ganun.

Nakaupo ako ngayon dito sa classroom namin. Mag-isa lang kasi nagsialisan na ang mga kaklase ko para gumala o ano mang gusto nilang gawin. Yuyukyok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng room.

"So nasaan na ang knight in shining armor mo at ang malandin mong friend?" mataray na tanong ni Laisie. Kasama niya ang dalawa niyang kaibigan na si Natasha at Heart. Nakapameywang sila at masama ang tingin sa akin. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa sitwasyon na 'to. I think something is going to happen. 

"Ayoko ng gulo... Maxynne isn't like that." sabi ko at babalik na sana sa gagawin nang mabilis siyang lumapit sa akin. Naramdaman ko na lang na hinihila na ni Laisie ang buhok ko at hawak na nung dalawa ang magkabilang braso ko para hindi ako makapalag. Hindi ko naman sila balak saktan e, gusto ko lang pigilan sila sa kanilang ginagawa o balak pang gawin sa akin...

"Pinahiya mo akong babae ka! Kala mo naman kung sino ka!" sigaw ni Laisie.

"I'm sorry okay? Hindi ko naman intensyon na ipahiya ka... gusto ko lang mabalik ang bracelet ko!" pasigaw na ang pagsasalita ko dahil sa sakit ng ginagawa ni Laisie. Mas hinila pa niya kaya napasigaw ako ng malakas. Ito ang unang beses na nasabunutan ako. Pero syempre malala pa rin ang pagbato ng itlog sa akin nung highschool... 

She laughed. 'Yung nakakatakot at nakakakilabot. "Sumama ka sa amin. You'll pay for what you've done!" Wala akong nagawa nang pilit nila akong pinatayo pagkatapos takpan ng panyo ang bibig ko at hinila palabas ng room. Hindi ako makasigaw dahil sa panyo na nakatali sa may bibig ko. Tinalian na rin nila Heart at Natasha ang kamay ko sa likod. Ang malas ko yata dahil sa may klase at walang dumaraan dito sa hallway. Ipinasok nila ako sa restroom ng boys na may nakalagay na out of order sign. Hindi ako makasigaw at makahingi ng tulong! Naiiyak na talaga ako! I feel so helpless and miserable gaya noong pinadukot ako ni Sasha.

Ipinasok nila ako sa pinakadulong cubicle at pinaupo sa maruming toilet bowl. "Tingnan natin kung hindi ka mabulok dito." malamig na sinabi ni Laisie at akala ko roon na matatapos ang lahat pero may ibinuhos sila sa akin. Hindi ito basta tubig dahil sa mapanghe... ihi... ihi ito. Mahinang tawa ang narinig ko mula sa kanila bago ko narinig ang pagkalabog ng pintuan. 

Naalala ko sa sitwasyon ko ngayon ang nangyari sa akin noon sa highschool... kung paano ako walang awang binato ng itlog. Bakit ba ganito? Bakit ang dali kong mabully...? Am I too kind? Dapat ba gaya nila ako? Na maging masama ako para hindi ako away-awayin ng kahit na sino?

Iyak ako ng iyak kahit na walang tunog. Sinubukan ko namang alisin ang mga nakatali sa akin pero masyadong mahigpit ang pagkakatali. Sinisipa ko na ang pinto ng cubicle para gumawa ng ingay at mapalabas ako rito.  Mukhang maganda nga talaga na may Time Machine. Edi nalaman ko na may ganito pa lang mangyayari... nakaiwas ako o di kaya hindi ko hinayaan na mawala sa tabi ko si Maxynne at si....

Seth.

Ilang oras kong ginawa ang pagsipa sa pinto hanggang sa bumukas na ito ng tuluyan sa tulong ng isang janitor na mukhang maglilinis ata rito. Akala ko pa sobrang lakas ko kaya iyon bumukas.

Nagulat 'yung janitor nang makita ako pero tumulong din naman sa akin. I'm so glad lalo na nung tumawag siya ng babaeng kasamahan niya para tulungan ako. Kumuha ito ng pamalit at hinayaan naman ako nung janitor na maligo sa CR ng boys. Sa sink na ako kumuha ng tubig.

Binuhusan ko ang buong katawan ko tapos naghilamos ako ng naghilamos. May kumatok at nang tingnan ko ay 'yung janitress na iyon kaya kinuha ko 'yung twalya at pamalit na dala nito. PE uniform 'yung binigay sa akin at okay lang naman. Useless na itong white blouse ko dahil sa madilaw na ito. 

Nagpalit ako ng damit at tinali ko ang buhok ko. Kahit na binuhusan ko na ay amoy ihi pa rin ako... Wala na akong choice kundi dumiretso sa klase ko kahit na ganito ako dahil ayoko namang umabsent. Nagpasalamat ako sa mga tumulong sa akin bago ako umalis. Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa nilang pagtulong dahil kundi dahil sa kanila ay baka hindi na ako nakalabas sa CR.

Nanghihina pa rin ako nang makarating ako sa classroom namin. Nakasupot ang mabaho kong uniporme. 

Nandun na 'yung professor at kasalukuyang nagche-check ng attendance. Mabuti at hindi pa ako natatawag. Naupo ako sa pinakadulo para hindi agaw pansin. Wala rin akong katabi na mababahuan sa akin.

Napatingin sa akin si Laisie at mga kasama niya. Tumatawa rin sila ng mahina. I rolled my eyes. 

I guess kindness doesn't always work for everyone.

Nang matapos ang klase at papunta na kami sa susunod ay tinawagan ko na si Mommy. I told her about what happened and she was in rage. Pinakausap pa niya ako kay Daddy. I asked them what I should do after narrating what happened to me tapos wala raw. Sila na raw ang bahala kaya naman hinayaan ko na. They know what to do best I think.

Sa bawat klase na pinuntahan ko ngayong araw ay tahimik lang ako. Naiisip ko lang si Maxynne... lalo na si Seth. Na kung sana kasama ko siya gaya noon ay hindi ako magaganito nila Laisie. Ang bigat lang sa loob... na ganito at mag-isa ako. 

I miss both of them.

I miss him okay?

I hate it... but I miss him so much.

Kasalanan niya dahil sinanay niya akong lagi siyang nakabuntot sa akin.

Nang matapos ang huling subject ay tumayo agad ako at mauuna sanang lumabas kung hindi biglang bumukas ang pinto at bumungad si Seth sa akin. He looked so tired as he stared at me from head to foot.

Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Pinagdikit ko ng mariin ang labi ko. Nagising ng buong-buo ang diwa ko. 

Imbes na pansinin siya o kausapin ay tumakbo ako papuntang front door at doon lumabas. Patakbo akong naglakad palabas ng campus para hindi niya maabutan... I hate him... I hate him for leaving me alone!

I hate myself of missing him so much because I think I'm already in love!

An Angel's Plea to a Demon (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon