𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗

17.3K 502 19
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗
❛ ━━━━━━≛・━━━━━━ ❜


"Chandrea, why did you left without telling me?!" napatakip ako sa tenga ko, ng marinig ko ang pagsigaw ni Grace pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa opisina ko.

Nakapa-meywang siyang tumayo sa harapan ko, nakataas ang isang kilay. Nagtataray na naman siya.

Umayos ako sa pagkakaupo. Inayos ko ang eyeglasses ko. Nagsusuot ako ng eyeglasses, ngunit minsan ay hindi gumagamit lang ako ng contact lenses pero kadalasan talaga ay nagsusuot ako malabo kasi ang mga mata ko.

"I have to go kasi may emergency sa bahay." I lied.

Sorry po, Lord, kung nag-lie ako.

Kailamgan kong magsinungaling, alangan naman na sabihin ko sa kanyang dahil iyon sa tatay niyang gurang kaya ako umuwi ng maaga, baka awayin niya pa ako.

"Talaga?" mahabang ngusong tanong niya nawala na rin ang mataray na aura nito, napalitan iyon ng pag-aalala.

"Yes." nakangiting tugon ko.

"Okay para na forgive kita, sabay ka mag-lunch sa—"

"Okay." Pagputol ko sasabihin niya. Para matapos lang ang tampo niya, iba pa naman si Grace paulit-ulit niyang babanggitin ang pagtatampo niya na para bang wala ng katapusan titigil lang siya kapag sinabi mong babawi ka.

"Really? Okay, puntahan kita later kapag dumating na si Daddy." Excited na aniya pumalapak pa siya.

"Wait!? Ano namang kinalaman ng daddy mo sa lunch natin?!" nagtatakang tanong ko, bahagya pang tumaas ang boses ko.

"Siya kasama natin mag-lunch." nakangiting sabi niya bago lumabas ng opisina ko.

Naiwan naman akong nakanganga.

"Ano daw?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

Makikita ko na naman ang mukha ng gurang na iyon?! OMG! Magkakasala na naman ako, kasi I'm sure puro inis na naman ang mararamdaman ko mamaya. Baka imbes na mabusog ako ay malipasan pa ako ng gutom! Gusto kong bawiin ang pagpayag ko, kaso baka magtampo si Grace at baka kung ano ang isipin niya. What if mag sinungaling ako na pinapauwi ako ni mommy? Pero ayaw ko na magsinungaling, kutang-kuta na ako sa pagsisinungaling noong sabado pa, magagalit na talaga sa akin si Lord, sabi pa naman ni mommy bawal magsinungaling kasi bad iyon.

Tumayo ako at nagtungo sa pantry, kumuha ako ng water at ininom iyon kailangan ko ng pakalmahin ang sarili ko. Isipin ko pa lang na makikita ko na naman ang gurang na 'yon ay naiinis na ako.

Nawala ang cellphone ko dahil sa kanya, hindi ko na nakita pa noong balikan namin nang taxi, baka may nakapulot na. 

Pagkatapos uminom ay bumalik ako sa table ko pero hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko kaya sinubsob ko na lang ang mukha ko sa lamesa. 

"Oh god! Nakaka stress!" Lumipas ang mga oras bigla na namang pumasok si Grace, ngiting-ngiti siyang umupo sa visitors chair.

"Let's go?"

"Yeah." Tugon ko, siguro ignore ko na lang si Gurang later, pwede naman siguro iyon. Sabay na kaming lumabas ni Grace ng office, sumakay kami ng elevator, pagkalapag namin sa ground floor ay nagtungo na kami sa lobby ng building.

"Dad!" tawag ni Grace sa tatay niya, nakatayo ang lalaki sa may reception area. Tumingin siya sa amin at malawak na ngumisi.

Ayan na naman ang nakakainis niyang ngisi.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon