𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

14.9K 452 15
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Napilit ko si Ashton na bumili ng cake at wine na lang. Ang plano pa nga niya ay bumili ng apat na cake. Baka kasi daw kulangin. Sinamaan ko na lang siya ng tingin kanina sa counter para isang cake lang ang bilhin niya. Tapos gusto niya pang bilhan ang pamilya ko ng regalo. Hinila ko na lang siya palabas ng mall kasi papasok pa sana siya sa gift shop.

"Baby."

"Don't worry, Ashton, my family won't bite you, you don't have to be afraid." SSa ko sa kanya halata kasing na te-tense siya habang nag mamaneho.

"What if your parents will against our relationship because I'm older than you?!"

"Age doesn't matter, Ashton once you're in love. . . And don't think negative I'm sure naman magugustohan ka ng family ko mababait naman sila." Pagpapagaan ko sa loob niya pero hindi effective dahil tense na tense pa rin siya.

Nang makarating kami sa bahay ay mas lalo pang na tense si Ashton.

"Halika ka na." Pag-aya ko sa kanya pero hindi siya gumalaw. "Ashton." Tawag ko sa kanya.

"Love, huwag na lang kaya tayong pumasok sa loob? Magtanan na lang kaya tayo? Kaya naman kitang buhay—" Tinawanan ko siya. Inirapan naman niya ako. "Baby!"

Siya naman ngayon ang tinatawanan ko. Ngumuso siyang nakatingin sa akin. Pinagpapawisan na ang nuo niya. I held his hands, nanlalamig iyon.

God! How can this old man act like a baby? He's so cute while pouting. I want to kiss him. Pero naisip ko baka kapag hinalikan ko siya ay hindi na niya bitawan ang labi ko. Tapos mamaga na naman. Baka kapag nakita ni Daddy ay mag-react siya ng sobra. Oa pa naman 'yon.

"Love, it's okay." pagpapagaan ko na ngayon sa loob niya hindi ko na siya tinawanan pero mas lalo lang siyang ngumuso kaya naman hindi ko na mapigilang ang sarili kong dampian siya ng halik sa labi.

"I think I need more kisses, baby." He said while pouting. Natawa ako at marahang pinalo ang balikat niya.

"Kapag naghalikan tayo ngayon baka mamaga na naman ang labi ko baka maging dragon si Daddy kapag nakita niya." Natatawang sabi ko, bumuntong hininga siya ng ilang ulit.

Tinanggal niya ang seatbelt niya gano'n rin ako.

Tuloyan na kami ng lumabas ng kotse niya, sa labas lang ng bahay pinark ni Ashton ang sasakyan niya kahit na sinabi kong sa loob na lang, ang sabi niya mas mabuti na daw iyong sa labas para kapag humadlang daw si daddy ay mas mabilis daw kaming makatakas, puro talaga siya kalokohan pero kung mangyayari man na humadlang si daddy sa relasyon namin ni Ashton at hindi ko siya mapaki-usapan siguro nga makikipagtanan na lang ako kay Ashton pero sana huwag namang mangyari.

Pinagbuksan kami ng guard ng gate.

Pagkapasok namin ay nagtaka ako nang biglang na alarma ang mga guard pati na rin ang mga tauhan ni daddy na nakakita pagpasok namin. Lahat sila ay nakatingin ng masama kay Ashton. Iniangat ko ang mata ko kay Ashton. Wala naman siyang imik diretso lang ang tingin niya sa mga tauhan ni dad, binalik ko sa mga tauhan ang tingin ko.

"He's with me po." magalang na sabi ko sa kanila, hindi pa rin sila umayos nakahawak sila sa mga baril na nasa tagiliran nila na tila ba ano mang sandali ay babarilin nila si Ashton.

"Hey, he's with me!" ulit ko sa sinabi ko. Sa pagkakataong ito ay umayos sila. Sabay-sabay silang yumuko at humingi ng sorry sa akin.

Tumuloy na kami sa loob ng bahay. Naabotan namin silang lahat sa sala.
Iniabot ni Ashton ang cake at wine sa katulong namin dinala naman agad iyon ng maid sa kusina. Unang nakapansin sa akin si Chandlym. Ngumisi siya. Sinundan naman ng tingin ni Dad ang tiningnan ni Chandlyn at nang dumako ang tingin niya sa amin ay bigla siyang napatayo at akma siyang hahakbang palapit sa akin pero nang dumako kay Ashton ang mata niya ay natigil siya sa paghakbang nag-igting ang panga niya, masama niyang tiningnan si Gurang.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon