𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍

15.1K 401 9
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Hindi ako mapakali kanina pa nag-uusap si Daddy at Ashton sa library kanina ko pa sila gustong puntahan. Pero man to man talk iyon. Tinuro sa amin ni mommy. Pag may nag-uusap, hindi pwedeng sumabat o makialam kung wala naman kaming kinalaman.

Pero mag-iisang oras na silang nag-uusap. Kanina pa kaming lahat tapos kumain naka-ubos na nga ako nang dalawang tasa ng kape habang hinihintay silang lumabas sa library.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako. Akmang hahakbang na ako pa punta sa library nang harangin ako ni Chandlyn.

May ngisi sa mga labi niya.

"Are you kinakabahan that daddy will hurt your nobyo?" aniya."Don't worry, if he hurt your nobyo, he deserves it." dagdag niya. Kinunotan ko siya ng nuo.

"What are you talking?!" marahang singhal ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako humakbang siya papalapit sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko.

"Oh my dearest, twin sister. . . you know nothing. By the way, good luck and goodnight," Aniya. She grinned and winked at me before she turned her back at me.

May alam ba siyang hindi ko alam?

Imbes na pagtuonan ng pansin ang sinabi ni Chandlyn ay nagpatuloy ako sa paghakbang patungo sa library.

Im about to knock. Pero bukas ang pintuan ng library.

Dahan-dahan akong sumilip. Pero halos maitulak ko ng malakas ang pintuan nang pagsilip koy bumungad sa akin ang pagsuntok at pagkwelyo ni Daddy kay Ashton! Nagmadali akong pumasok.

"Daddy!" I shouted. Pumagitna ako sa kanila. Ang akmang pagsuntok uli ni Daddy kay Ashton ay nabitin sa ere.

"Get of the way, Chandrea!" malakas na sigaw ni Daddy galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin, this is the first time I saw daddy like this.

"No! Why are you hurting my boyfriend, dad?! Sinabi mong makikipag-usap ka lang sa kanya!" I shouted back kahit na takot na takot ako ngayon sa kanya dahil sa galit na galit na mukha niya.

Nanlisik pa lalo ang mata ni Daddy dahil sa pagsagot ko sa kanya ito rin ang unang pagkakataon na sumagot ako sa kanya.

"Are you shouting back at me, Chandrea Raima Francos?!" sigaw niya sa akin mas lalo siyang nagalit. Napalunok ako dahil sa takot dahil sa pagtawag niya sa buo kong pangalan, pero hinarap ko pa rin siya.

"Yes, Daddy! Because you are hurting my boyfriend!" I shouted I burst into tears.

Hindi nakasagot si Daddy I saw disappointment in his eyes. Naikuyom niya ang kamao niya.

Naramdaman ko ang bahagyang paghila sa akin ni Ashton. Nilinga ko siya, gano'n na lang ang mas lalong pagtulo ng mga luha ko nang makita ang mukha niya. May pasa na ang isang mata niya dumudugo din ang gilid ng bibig niya.

"Shhh. . . don't cry." mahinang bulong niya. Hinila niya ako at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Baby, I'm alright." bulong niya.

"Chandler!" pareho kaming lumingon sa pintuan nang sumigaw si mommy. "What have you done?!" Patanong na sigaw niya nang makita ang mukha ni Ashton.

Hindi tumugon si Daddy bagkos ay lumabas siya at nilamapasan si mommy.

Umiiyak pa rin ako habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Ashton. Tumango si mom sa amin, bago niya sinundan si Daddy.

Kumawala ako sa pagkakasubsob kay Ashton tiningala ko siya.

"Stop crying, baby." nahihirapang bulong niya. Namamaga na ang mukha niya mas lalo naman akong napaiyak.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon