𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

16.7K 531 20
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Hindi ko siya tinugon, humakbang ako palampas sa kanya, pero hindi pa nga ako nakakailang hakbang ng hawakan niya ako sa braso at iharap sa kanya.

Parang na kukuryente naman akong kumawala sa hawak niya. "Don't touch me p-po." sabi ko. Nabitawan naman niya ako agad.

Natigilan siya saglit. "I'm sorry, gusto ko lang itanong kung iniiwasan mo ba ako? Napansin ko lang nitong nakaraan sa tuwing hinahatid at sinusundo ko si Grace ay umiiwas ka, nakikita kitang nag-iiba ng daan, dahil ba ito doon sa pagtabi mo—"

"Shut up po! Don't talk, please! Stop!" I exclaimed. Bakit niya pa pinaalala!? Nakalimutan ko na iyon e! At isa pa ano naman sa kanya kung iniiwasan ko nga siya? Pakialam naman niya e ayaw ko siyang makita e!

Nagsisimula na namang mamula ang mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin kahit pulang-pula na ang mukha ko.

Ngumisi lang siya at humakbang papalapit sa akin. Umatras naman ako, pero sa bawat pag-atras ko ay humahakbang din siya paabante.

"Alam mo bang ang cute mo kapag sinasamaan mo ako ng tingin, para kang cute na tigre." Nangingislap ang mga mata niya nang sabihin iyon.

"I'm not cute! And I'm not a tiger!" mataray na saad ko at inirapan siya habang umaatras ako. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng pader sa likod ko. Napatingin ako gilid ng kinakasandalan ko. Patagilid pala ang pag atras ko kaya agad akong na sandal sa pader.

He chuckled at what I said.

"So, you are really avoiding me, ha?" he smirked. Ang mga mata niya ay nagniningning na para bang aliw na aliw siya sa akin.

He cornered me. Inilagay niya ang isang kamay niya sa bandang ulo ko. Napasinghap naman agad ako, agad kong ibinaling sa gilid ang paningin ko.

Ang lakas ng kabog ng puso ko.
Bakit ka ba kasi nagwawala heart!? Si gurang lang naman ito! Hindi naman siya si Brad Pitt para kabahan ka ng ganyan.

"Umatras po kayo, t-tito." mahinang bulong ko dahil kunting space na lang ang namamagitan sa aming dalawa. Nawala ang pagiging mataray ko kanina.Naamoy ko na ang mabangong hininga niya.

"Tito, ha?" nakangisi na naman siya, and I really hate it the way he grinned.

It's annoying.

Not that hindi bagay sa kanya honestly speaking he looks younger when he does that, and honestly speaking again guma-gwapo siya sa paningin ko kapag ngumingisi siya.

That's why I hated it! Because I don't want to feel that! It's confusing! Because I never felt this way before. "P-please po, tito, I really need to go home masyado na po akong late." pakiusap ko sa kanya.

"Fine, I'll drive you home."

"I h-have a driver po." umatras siya ng kunti bago ako titigan. Hindi siya kumibo. Tumitig lang siya sa akin ng diretso. Hindi ko naman alam kung saan ko ibabaling ang paningin ko. Iyong kaba ko at pamumula ng mukha ko ay mas lalo pang lumala.

What is happening to me ba!?

"You can't look at me, why?" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko, pagkatapos niyang itanong iyon.

"Of course not po!" I denied, kasi naman e! Obvious naman na hindi ako makatingin sa kanya bakit niya pa itatanong! Nakita na ngang nasa ibang direksyon ang mukha ko tinatanong pa.

I heard him chuckled again. "You're so cute, Chandy."

"Don't call me that po!" I said.

"Okay, I'll call you honey pie."

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon