𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐎𝐍𝐄

12.6K 338 3
                                    

CHAPTER THIRTY  ONE
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Aika, pakihatid mo muna itong food ni Daddy." utos ni Grace sa katulong nila lumapit naman agad ang kasambahay pero ako na ang kumuha nang tray bago paman iyon makuha ng katulong, nginitian ko si Aika.

"Ako na." Nakangiting sabi ko kay Aika nahihiya naman niya akong ginantihan ng ngiti pero sinenyasan ko siyang okay lang pagkatapos ay nilingon ko si Grace.

"Ako na ang magdadala 'di ba nga ito iyong magiging trabaho ko," sabi ko sa kanya. Marahan siyang napakamot sa ulo niya.

"Oo nga pala. Sorry, nawala sa isip ko.  Iyong room nga pala ni Dad ay iyong pang huling kwarto sa kaliwa katok ka lang pagbubuksan ka non." sabi ni Grace tumango ako.

"Balik ka agad mag-breakfast tayo, tsaka nga pala iyong meds niya nandyan na, ni ready ko na para after niyang kumain ay iinumin na lang niya."

"Sige," tugon ko bago lumabas ng kusina.

Maingat akong naglakad paakyat bitbit ang tray na may lamang pagkain at may lamang mango juice.

Naglakad ako pakaliwala pagtapat ko sa pang huling kwarto ay kumatok ako at naghintay ng ilang saglit pero walang nagbukas ng pinto kaya kumatok uli ako pero gano'n pa rin walang nagbubukas.

Ibinaba ko ang tray na naglalaman ng pagkain at marahang binuksan ang kwarto ni Ashton, sumilip ako sa loob pero walang tao binuksan ko ng mas malaki ang kwarto bago kinuha ang nilapag kong tray, pumasok ako at pinatong sa mesa sa gilid ng kama ang tray.

Naririnig ko ang paglagaslas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo ni Ashton.

Nasa loob siya ng banyo halatang  naliligo siya kaya I decided to leave the food sa table and I decided to go out na. But when I'm about to step outside the room ay nahagip ng tingin ko ang mga paintings sa gilid ng kwarto. Imbes na lumabas ay humakbang ako palapit sa mga painting at pinagmasdan ko sila. Pero halos mabulunan ako ng sariling laway ko nang makitang pamilyar ang mga nakaguhit sa painting.

Sa isang dalampasigan ay may malaking guhit na puso at sa dulo ng guhit na puso ay may dalawang taong nagyayakapan. Isang babae at isang lalaki.

Napatakip ako sa bibig ko.

Ang isang painting naman ay dalawang tao pa rin magkaharap na naupo sa mesa at may mga pagkain sa harapan nila hindi makita ang mukha nang babae dahil may nakaharang sa mukha nito isang baso at may suot din itong eyeglasses, umiinom ang babae sa painting kaya natatakpan ang mukha nito. Habang ang lalaki naman ay likod lang ang nakikita.

May isang painting rin ng babaeng nasa gitna ng kama at may hawak-hawak na cellphone may suot itong Eyeglasses ang buong kwarto nito'y napapalibutan ng Doraemon design.

At ang isang painting ay larawan ng nakasalampak na babae sa sahig habang umiiyak nasa loob iyon ng restaurant may lalaking yumakap dito at may isa pang lalaki at babaeng nakatayo sa labas ng restaurant habang nakatingin sa babae at lalaking nasa loob.

Hindi ko namalayang umaagos na ang mga luha ko. Lahat ng nasa painting ay mga pangyayari sa buhay ko sa buhay namin ni Ashton. Ang hindi ko lang sigurado ay ang nasa pang huling painting kung bakit may babae at lalaking nasa labas ng restaurant.

Possible kayang may naala—

Napapitlag ako nang marinig ko ang pag-click ng pintuan ng banyo palatandaang magbubukas na iyon at lalabas na si Ashton nagmadali akong punasan ang pisngi ko akmang lalabas na sana ako ng kwarto pero pagpihit ko para sana humakbang palabas ay siyang pagbukas din ng pintuan ng banyo.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon