𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍

13.1K 400 31
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Nagkunwari siyang nagulat sa tanong ko maypatakip-takip pa siya sa bibig niya. Ngali-ngaling baliin ko ang mga kamay niya sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko ngayon.

"Oh, did you hear that? Sorry, sweetie, you shouldn't hear that, it's one of Ashton's secrets." She act innocently na animo'y parang pinaglalaruan lang niya ako.

Tumingin ako kay Ashton. "T-totoo ba?"

Please tell me she's only lying, Ashton.

Himdi siya nagsalita nakatingin lang siya sa akin. Walang emosyon. Ang dating laging nakangisi niyang mukha ay wala na ngayon. Ang laging may matamis na ngiti sa tuwing tumitingin sa akin ay walang emosyon na ngayong nakatitig sa akin.

"Tell me? Totoo bang ginagamit mo lang ako, Ashton!?" pa-singhal na tanong ko sa kanya pero wala pa rin siyang imik. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paghakbang papalapit ni Rio sa akin nilingon ko siya at tiningnan. Ayaw ko siyang palapitin sa akin mukhang naintindihan naman niya ako dahil tumigil siya sa paghakbang. May mga iilang costumer ang nakatingin sa amin pero wala akong pakialam sa kanila ngayon.

Ibinalik ko kay gurang ang aking atensyon. Nakatitig lang siya sa akin.Walang ngiti. Walang ngisi. Napakalamig ng titig niya sa akin.

Anong nangyari? Bakit biglang naging ganito? Parang kailan lang ang saya naming dalawa bakit biglang naging ganito? Nasaan ang Ashton na laging may ngisi sa mukha kapag nakikita ako? Nasaan ang Ashton na laging nakahalik sa akin? Nasaan na ang gurang ko?

"W-why don't you answer me?!" basag na boses na tanong ko.

"Oh, dear, it's true. "sabat ni Kara. Nilingon ko siya, I glared at her. Kung nakakamatay lang ang titig ko sa kanya ay baka kanina pa siya bumulagta!

"Shut up! I'm not talking to you!"Singhal  ko sa kanya bahagyang nanlaki ang mata niya pero agad din iyong nawala.

"Oopps sorry!" natatawang aniya , lumingon siya kay Ashton. "Babe, I'll be waiting for you outside, okay? Finish this mess." tumayo siya at pakimbot-kimbot na umalis. Masama ang tingin ko siyang sinundan.

Naupo ako sa inalisan ni Kara at muling hinarap si Gurang, pinipigil ko ang luha ko. Naikuyom ko ang mga kamao ko. "Bakit ayaw mong magsalita? Totoo ba? Anong kasalanan ng Daddy ko sa 'yo? Anong iginaganti mo? Why don't you talk?!" Mariing tanong ko, gusto kong sumigaw, gusto ko siyang sigawan. Pero miss ko na siya baka mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Kara o baka mali ang pagkakaintindi ko?

Gusto kong kay Ashton mismo manggaling ang lahat, dahil kahit nasasaktan na ako ngayon gusto kong si Ashton ang paniwalaan ko. Dahil sa mukha pa lang ni Kara ay mukhang hindi na siya nagsasabi ng totoo.

Sabihin lang ni Ashton na mali ang pagkaka-intindi ko paniniwalaan ko siya gano'n ko siya kamahal. Siya lang ang paniniwalaan ko.

"G-urang, please tell me." tawag ko sa kanya. Baka sakaling lumapit siya sa akin at tulad noon ay hahalikan niya ako kapag tinawag ko siyang gurang.

Mas lalo lang pumait ang narandaman ko nang hindi man lang siya tuminag sa kinauupoan niya.

Nakatingin lang siya sa akin gamit pa rin ang malalamig niyang titig.

"Did you even love me?" I asked him. Iniiwas niya sa akin ang mga mata niya. Natawa ako ng mapakla. "So hindi mo ako minahal?" Mapait kong dagdag na tanong. "Anong kasalanan ng Daddy ko sa 'yo?" Hindi pa rin siya tumugon. Para akong nakikipag-usap sa multo.

Ano ito? Na ghost ba ako? Gusto kong matawa sa naisip ko, pero hindi nga pala ito comedy.

"Kaya ba hindi ka tumutugon sa tuwing nagsasabi ako sa 'yo ng mahal kita ay dahil hindi mo ako minahal?" I asked again kahit na para na akong hindi makahinga dahil sa bara na nasa lalamunan ko.Bakit ba ayaw niyang sumagot? "Ashton, ano ba? Sagutin mo ako!"

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon