𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

13K 370 13
                                    

CHAPTER THIRTY THREE
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Kinabukasan ay hindi ako pinansin ni Ashton. Lagi niya akong iniirapan sa tuwing nagkakatagpo ang mga mata namin, noong una ay natutuwa pa ako kalaunan ay naiinis na ako dahil sa tuwing maghahatid ako ng pagkain niya ay hindi niya kinakain at hindi niya iniinom ang gamot niya at noong sinabi ko kay Grace ang nangyari tinanong niya lang ako kung bakit naging gano'n and I told her about last time then she just laughed like crazy.

Tuwang-tuwa pa ata siya sa nangyari. Mag-ama nga sila pareho silang may saltik.

Bitbit ang ginawa kong merienda para kay Ashton ay umakyat ako. Egg sandwich iyon na may maraming cheese, grace said it was Ashton's favourite. Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay inilapag ko baba ang tray at kumatok ako ng ilang ulit.

"Ashton, andito na ang merienda mo." tawag ko kay Ashton.

"Just leave it there." tugon niya mula sa loob.

"Pero manlalamig na ito. Take it now."

"Kukunin ko iyan may tinatapos lang ako." tugon niya.

Napairap ako kahit hindi niya ako nakikita. Kinuha ko ang tray at nilipat iyon ng kunti, naupo ako sa tapat ng pintuan ni Ashton pagkatapos ay sumandal ako.

Carpeted ang floor kaya hindi siya malamig sa pwet. Sinandal ko ang aking ulo sa likod ng pintuan at tumingala ako sa kisame.

"Alam mo bang noong una ay naiinis ako sa ama ng anak ko—" sabi ko. Hindi ko alam pero gusto kong magkwento ngayon. Siguro makakatulong din ito para may maalala siya."Nakakainis kasi ang mukha niya sa tuwing ngingisi siya." natawa pa ako ng bahagya ng sabihin ko iyon.

"Pero alam mo bang dahil sa ngisi niya kaya ko siya minahal? Nakakatawa 'di ba? Iyong kinakainisan kong ngisi niya ang dahilan kaya ko siya minahal. Noong una nga ay sobrang naiinis ako sa tuwing nagkakatagpo kami, dumating pa talaga sa puntong nagtatago at umiiwas na ako at nag-iibana ako ng daan para lang maiwasan siya, nagiging awkward na kasi ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siya, naging laman na siya ng isip ko sa araw-araw, pati sa panaginip ko ay naging laman na siya, hindi ako palaaway na tao buong buhay ko ay hindi pa ako nakaramdam ng inis sa isang tao pero sa kanya inis na inis ako, nawawala ang temper ko kapag siya ang kaharap ko pero kalaunan nga ang inis na iyon ay naging pagmamahal lahat ng ginagawa niya ay nagiging mahalaga sa akin, expression ng mukha niya ay nagiging cute na sa paningin ko, ang tawa niya tila na musika sa pandinig ko." huminga ako saglit dahil pakiramdam ko'y nanunuyo na ang lalamonan ko sa haba ng sinabi ko. Unti-unti na ring nababasag ang boses ko alam ko ano mang oras ay maiiyak na ako pero, nagpatuloy ako sa pagsasalita

"Hindi ko alam o kung kailan nagsimula pero minahal ko siya ng sobra higit pa sa inaakala ko. P-pero, ang s-sakit lang d-dahil m-minahal ko siya ng t-totoo pero ginamit lang pala niya ako para gantihan ang ama ko, m-mahal na mahal ko siya na w-willing akong t-tanggapin siya ng paulit-ulit kahit na n-nasasaktan na a-ako... s-sobrang m-mahal na m-mahal ko siya na paghumingi siya sa akin ng isa pang pagkakataon ay ta-tanggapin ko siya ng walang pag-aatubili—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at dahil nakasandal ako ay natumba ako hinintay ko lumagapak ang ulo ko sa sahig pero hindi iyon nangyari dahil nasalo ni Ashton ang ulo ko bago paman iyon dumapo sa sahig.

Marahan niyang inayos ang pagkakaupo ko.

Tiningnan niya ako. Iniluhod niya ang isang paa siya habang ang isa ay hindi, sinapo niya ang pisngi ko at marahan niya iyong pinunasan gamit ang dalawang kamay niya.

"Don't cry, Chandy." Malumanay na aniya.

Chandy? Iyan iyong unang tawag niya sa akin na kinakainisan ko pero bakit ang sarap na ngayon sa pandinig ko?

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon