𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐈𝐅𝐓𝐄𝐄𝐍

15.2K 427 19
                                    

CHAPTER FIFTEEN
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

WARNING!
This story may contain themes, languages and sexual intercourses that are not suitable for young and sensitive minds.


"Ashton! Ano bang pinagsasabi mo?!" hindi ko mapigilang bulalas. Nasa dulo pa rin kami ng ginuhit naming puso. "Para ka namang na mama-alam, e!" dagdag ko na maiiyak na.

Hinapit niya ako pagkatapos ay nginisihan niya. "Baka kasi magka-Alzheimer's ako tapos makalimutan kita. Ang sabi mo nga ay gurang ako hindi ba?" natatawang aniya pinahid ko ang kunting luha na namuo sa mata ko, inirapan ko si Ashton, hinapit naman niya ako lalo hanggang sa mapatingala ako sa kanya, napanguso ako.

Marahan ko siyang tinulak dahil hindi naman mahigpit ang pagkakahapit niya sa akin kaya mabilis lang akong napa-distansya ng kunti sa kanya. Itinaas ko ang cellphone ko na kanina ko pa hawak-hawak. Sasabayan ko ang trip niya.

"Kung gano'n dapat pala rin i-record natin ang mga oras na magkasama tayo." pagsabay ko sa biro niya. Pinindot ko ang camera at inilagay iyon sa video. Natawa ako nang makita ang mukha niya sa video. "Kahit itong pamamaga ng mukha mo ay kunan natin ng video, para kapag nagka-Alzheimer's ka, maipaalala ko sa 'yo paano ka binugbog ng daddy ko." natatawang sabi ko, kumawala na ako ng tuloyan sa paghapit niya at tumakbo palayo sa kanya habang naka-video.

"Ah gano'n!" natatawang aniya habang hinahabol ako. Itinutok ko sa kanya ang cellphone ko tawa ako nang tawa habang tumatakbo.

"Gurang, pati ang pangingitim ng mukha mo dahil sa suntok ni Daddy ay dapat maipa-alala ko sa 'yo hindi ba!?" natatawang sigaw ko. Tumigil ako sa pagtakbo hinihingal na sumalampak ako sa dalamapasigan.

"Kahit ito ay ipaalala mo." saad ni Ashton ng makalapit siya sa akin. Lumuhod siya sa harapan ko, kinuha niya ang cellphone ko at siya na ang humawak, itinaas niya iyon sa anggulo na kung saan kuha ang mukha naming dalawa. Inanggulo niya ng kunti ang mukha ko gamit ang isang kamay niya at pinaglapat ang aming mga labi, kuhang-kuha ng video paano ako napapikit nang dumampi ang mga labi naming dalawa.

Sobrang saya ng puso ko. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganito kasaya. Ang kaninang lungkot na naramdaman ko dahil sa sinabi niya ay biglang naglaho sa isang halik lang. Isang halik na nagparamdam ng libo-libong paru-paro sa loob ng tiyan ko.

"Mahal kita, Ashton." bulong ko sa kanya sa pagitan ng halikan namin. Hindi siya tumugon bagkos ay mas pinalaliman niya ang halikan namin. Napakapit naman ako sa leeg niya bumaba ang labi ni Ashton sa mukha ko, pababa pa sa leeg ko. Napatingala ako, kagat-kagat ko ang pang ibabang labi ko nang tuloyan ng dumampi ang labi niya sa leeg ko, bumaba ang kamay ko sa balikat niya mariing kong naikapit iyon doon.

Napansin kong nahulog ni Ashton ang hawak niyang cellphone ko pero hindi ko na iyon binigyan pa ng pansin, masyado na akong nadadala sa kakaibang init na nararadaman ko.

"Uhmh. . . A-Ashton." Tawag ko sa pangalan niya, tawag nga ba or ungol hindi na ako sigurado.

Ibinalik ni Ashton sa labi ko ang paghalik niya wala sa sarili kong nakagat ang dila niya nang maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos ng paulit-ulit sa hita ko, malapit sa aking pagkababae. But he didn't move forward. He just remained caressing the same spot again and again making me feel giddy for him to touch something that needs the attention of his warm hand. I don't know what I was thinking. . . but I want Ashton to move his hands more. . .

Pero, pinutol ni Ashton ang aming halikan. He rested his forehead on mine and took a deep breath. Hawak ng kanang kamay niya bewang ko habang sapo naman ng kaliwang kamay niya ang pisngi kong humahaplos sa hita ko kanina. Mapupungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin, na para bang nahihirapan siya.

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon