𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐅𝐎𝐔𝐑

13.8K 377 15
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜


Nandito na ako sa mall ngayon kailangan kong bumili ng cake para kay gurang sa naalala ko kasi ngayon ang birthday niya. Ito iyong unang beses na bibilhan ko siya ng cake paano ba naman kasi hindi man lang kami umabot sa birthday niya iniwan na niya ako at pinagpalit kay Kara tapos may pa revenge-revenge pa siyang nalalaman. Tapos ngayon may amnesia pa siya.

Buhay nga naman ang hirap ipaglaban ang daming komplekasyon hindi na lang maging peaceful para happy lahat ng tao. Pero kung happy naman lahat sino pa ang iiyak 'di ba? Baka boring naman ang buhay kapag gano'n. Ahhh basta! Nakakainis kasi si gurang e! Kahapon niya pa ako hindi pinapainsin akala ko okay na kami kasi may payakap-yakap pa siya sa akin noong isang araw 'tapos pagkatapos non hindi na siya lumabas sa room niya 'tapos kahapon lumabas nga siya pero ayaw niya akong pansinin kay Anika na siya nagpapadala ng food.

Kainis may saltik talaga.

Kaya ito ako ngayon mag-i-effort bumili ng birthday cake at regalo para sa kanya. Baka sakaling pansinin niya ako.

Nang makarating ako sa harapan ng bake shop ay may napansin akong pamilyar na babae. Medyo may kalakihan ang tiyan niya pero sobrang ganda niya pa rin ang suot niyang itim na bistedang pang buntis ay bagay na bagay sa kanya at lalong pinatingkad nito ang mala-porcelanang balat nito.  Ang natural na mapupulang labi nito ay bahagyang nakanguso ang medyo may kasingkitang mata nito ay makikitaan ng pagka bagot.

Siya ang tinaguriang dyosa noong high school kami. Kaklase ko siya hindi kami gano'n ka-close pero may mga times na ngakaka-usap kami kasi friendly naman siya lahat ata pinapansin niya pwera na lang sa mga taong hindi tatawag sa kanyang Dyosa ang mga iyon ang kinakainisan niya. Huling nakita ko siya ay last 7 years pa sa boutique na pagmamay-ari niya kasabay niya noon si Drake Montreal kaibigan naman ni Drake si Rio mas bata nga lang si Rio nakilala ko siya noong minsang umatend ako ng birthday party ni Rio pero hindi naman ako nagtagal sa party dahil hindi ako mahilig sa mga gano'n.

"Angelie!" tawag ko sa kanya. Nagpalinga-linga siya at hinanap ang tumawag sa kanya at ng makita niya ako'y tinaasan niya ako ng kilay.

May katayaran pa rin pala to.

"Sino ka naman? Hindi ka naman siguro 'yong malditang si Chandlyn?" taas kilay na tanong niya. Napatawa ako nakalimutan ko tuloy na badtrip ako.

"No it's me Chandrea. Buntis ka pala."

"Ay girl hindi ako buntis imagination mo lang 'to! Hindi ba obvious?"

Natawa ako kahit kailan talaga. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Kumusta ka na?"

"As usual Dyosa pa rin.  Ikaw kumusta? Sa pagkaka-alala ko apat ang mata mo ah bakit ngayon dalawa na lang?"

"Contact lenses na suot ko mahirap mag-eyeglasses kapag maraming anak." sabi ko.

Tumaas ang isang kilay tapos tumaas baba ang tingin niya sa akin.

"Hindi halatang may anak ka na ang sexy at ang ganda mo pa rin."

"Salamat ikaw din."

"Huwag mo nga akong binubula pero thanks matagal ko namang alam iyon." anito pagkatapos ay ngumisi. "Huwag na nga tayong mag tsismisan dito maupo tayo—ay teka nagmamadali ka ba?" tanong niya sa akin tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok ng cafe nang makaupo na kami ay saka ko pa lang siya sinagot.

"Hindi naman bibili lang naman ako ng cake." tugon  ko.

"Talaga? Ako rin e teka may naalala lang ako. Sinabi mong maraming kang anak?"

𝐀𝐆𝐄 𝐈𝐒 𝐉𝐔𝐒𝐓 𝐀 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑 (𝐎𝐍𝐄) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon