INITIUM

186K 5.1K 2.3K
                                    

Kapag na-comatose ang isang tao, nasaan ang kaluluwa nito habang nakaratay ito?


Nasa tabi ba ito ng sariling katawan o naglalakbay sa lugar na ito lamang ang tanging nakakaalam?


Kapag nagising naman ito, hindi ba nito maaalala kung saan ito nagpunta? Sino-sino ang mga nakasalamuha nito at maging ano ang mga narinig nito?


May narinig ako na kuwento, na kapag matagal nang walang malay ang tao, posible raw na ibang kaluluwa na ang pumalit sa katawan nito. Gayunman, hindi ko pinaniniwalaan.


Bagaman hindi ako matalino sa paaralan, hindi rin naman ako uto-uto na naniniwala sa mga kuwentong gawa-gawa.


May mga tanong lamang ako sa mga bagay kung saan ako'y naguguluhan. Katulad ng lahat ba ng nako-coma nang matagal ay unti-unting tila halamang nalalanta ang katawan?


Ang aking mga nakita na na-coma, mula sa tiyahin ko, lolo at lola na naratay sa ospital, bumabagsak ang mga katawan. Nakita ko rin na nalagas ang kanilang buhok, nangitim ang mga kuko, at nanilaw ang mga balat...


Subalit bakit SIYA na isang taon mahigit nang walang malay sa ospital ay tila natutulog lang?


Walang nagbago sa katawan at maging sa maamong mukha niya mula noong maratay siya.


At nang magising, kamanga-mangha na hindi man lamang daw siya nakaranas ng ni kaunti na panghihina. Maliban sa matinding pagkauhaw, wala na siyang iba pang naramdaman.


Siya nga pala si Gabriel Juan T. Salgado na crush ko mula noong Grade 9.


Sikat na estudyante si Gabriel at hindi lang ako ang may gusto sa kanya. Nahinto siya ng isang taon sa pag-aaral dahil naaksidente at na-coma.


Mabilis na naka-recover si Gabriel at nagbalik eskwela na sa eskwelahan na hindi na lamang pangangalanan, basta sa may Pangasinan. Tawagin munang Sto. Cristo.


Naabutan ko pa si Gabriel ngayong Grade 12. Kaklase ko siya sa isang section. Dahil kilala na matalino at ahead lahat sa amin ng isang taon, siya ang hinirang na class president sa classroom.


Kaya lamang ay iba na siya ngayon. Nagbago na mula nang magising sa coma. Hindi na siya ang dating masayahin, palangiti at palakaibigan. Naging seryoso na at tahimik na tao.


Ganoon nga raw karamihan sa nako-coma, kapag nagising ay nagbabago ang ugali. O baka si Gabriel lang.


May isa pang nagbago sa kanya... ang paraan ng pagtitig niya.


Mahirap ipaliwanag ngunit para bang may kung ano kay Gabriel. Gaano man kaamo ang kanyang mukha at kakalmado ang boses niya, meron kang takot na madadama.


Walang napanatag kapag nasa paligid siya. Kapag nandiyan siya, imposibleng wala kang mararamdaman na kakaiba.


Lahat kami sa room ay nangingilag sa kanya. Maski ang mga teachers na noon ay gustong-gusto siya, umiiwas na sa kanya.


...Kahit pa nga mismo ako na dating may crush sa kanya.


Subalit malas ako... Sapagkat sa dinami-dami naming magkakaklase.... Ako si Kena, ang nataon na naging katabi sa upuan ni Gabriel Juan T. Salgado.


>>>>>>>>



BEWARE OF THE CLASS PRESIDENT by Jamille Fumah ( @jfstories )

•Completed last: 10-20-2017
•Start date on Wattpad: 8-15-22
•End date:


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Beware of the Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon