CAPITULO 30 - Taken Over

35.5K 1.9K 1.2K
                                    

CAPITULO 30


WHERE DID YOU LEAVE YOUR SOUL?


Ang maamong mukha ay bagaman kalmado ay seryoso. Seryoso na nakatingin sa mga mata ko. "Kena, didn't I tell you not to lost it?"


Ano iyong naiwala ko? Importante ba iyon? 


"I told you that many are waiting for your destruction. And I reminded you not to give in." Mahinahon ang boses niya subalit may diin.


So kaya niya pala ang ganito? Ano pa kaya kapag galit na galit na siya?


Sinalubong ko ang kanyang mga mata at nginitian siya. "Alam mo ba, El? Para kang bagong silang na sanggol. Iyong walang muwang. Hindi malaman kung paano ie-express ang sarili. At iyong mga gusto mong sabihin, hindi mo masabi. Paano ko maiintindihan kung ganyan, ' di ba?"


Napabuga siya ng hangin, pagkuwa'y ang mahahaba niyang daliri ay naihaplos niya sa kanyang buhok. "Okay, then. I'll try to tell you, and hopefully you can still understand a thing."


Dapat pumintig ang sentido ko sa inis, pero katulad noong inililibing na sa lupa ang kabaong ni Mama, wala akong kahit anong nadama. Gusto kong marinig ang sasabihin niya. Dahil naaaliw ako sa tensyon na nakikita ngayon sa madalas na kalmado niyang mga mata.


"Kena, you have an unusual ability that is both a blessing and a curse. There are some strange things in this world that you shouldn't see or feel, yet you do."


Iyong tinutukoy niya ay iyong mga nilalang na hindi ko pa rin maintindihan kung bakit alam niyang nakikita ko at nararamdaman.


"You are the type who is easily approached by such things since you can see and feel them. In short, you are an easy target."


"Ipinasara na noong bata pa ako. Nakakaramdam pa rin pero hindi na gaano. Ang kaso nitong nakaraan ay bigla na lang..."


"It suddenly opened again," dugtong niya sa aking dapat sasabihin.


Kumiling sa kanya ang ulo ko. "Ganoon nga. Sa tingin mo, El? Bakit kaya?"


"What about the possibility of touching something you shouldn't have touched? At ang bagay na iyon pala ang naka-trigger sa pagbukas ulit ng ipinasara na. Dapat iniwasan mo simula pa lang. Pero ikaw mismo ang lumalapit, Kena."


Pinakatitigan ko na naman siya. "At ano ang bagay na iyan na nadikitan ko kahit dapat ay iwasan pala? May ideya ka ba kung ano iyan?"


Ang mga mata ni El ay dumilim nang kung may anong makita sa mga mata ko. 


Umusod naman ako lalo palapit sa kanya. "Ano nga iyon, El? Ano... o baka ang dapat kong tanong ay sino?"


Muli siyang napahagod ng mga daliri sa kanyang buhok. "Ah, damn it. You are not the one I want to talk to." Tumayo na siya at lumakad paalis. Madilim ang ekspresyon na dati'y palaging kalmado.

Beware of the Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon