CAPITULO 23 - Imminent

37.7K 2.3K 1K
                                    

CAPITULO 23


BABAGSAK ANG BATA KAY KIT!


Bigla akong nanakbo at tumalon. Bago pa bumagsak ang bata kay Kit, nauna na ako na lumapat sa ibabaw niya. Subsob ako sa kanyang dibdib. Nang mag-angat ako ng paningin ay nanlalaki ang mga mata ni Kit sa akin. "K-Kena, okay ka lang ba?"


Ako ang nauna na dumikit sa kanya. Ligtas siya. At ang bata naman ay may humiklas mula sa likod ko. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na si El iyon.


Hinaplos ni Kit ang pisngi ko. "Kena, may masakit ba sa 'yo? Hindi mo dapat ginawa ito, kasi okay lang naman ako. Buhay pa ako, but I am touched that you are worried about me to the point that you jumped just to hug me."


May humawak sa suot kong backpack mula sa likod at basta hinila iyon. Nahila rin tuloy ako. Binitbit ako palayo kay Kit na parang tela. Nang lingunin ko ay si El na madilim ang ekspresyon.


Gustong-gusto kong singhalansi El, kaya lang ay naalala ko ang bata. Hiniklas nga pala ito ni El sa kwelyo kanina at basta inihagis sa kung saan. Nasaan na ito? Hinanap ito agad ng paningin ko. Nasa gilid ng terrace ngayon ang bata at susukot-sukot na tila ba takot.


Bakit ito takot? At paanong nagagawa ni El na tratuhin ito nang ganoon nang walang pag-aalala na baka mapaano siya? Basta nga lang niyang tinadyakan kanina!


Gusto kong lingunin ulit si El para tanungin, kaya lang ang hirap lumingon dahil ang taas ng pagkakahawak niya sa aking bag. Sinubukan ko na hubarin na lang ang suot na bag, pero hindi ko magawa sa aking sitwasyon. Ang higpit ng bag sa aking kili-kili dahil nga nakatingkayad na halos ako.


Parang nagmistulang hanger ang bag ko at ako naman ay ang damit na nakasabit. Pilit ko na inaabot si El para itulak pero ayaw niya talagang bitiwan ang aking bag. Ano ba? Nakakabuwiset na, ah!


Si Kit naman ay tumayo na mula sa sahig. Nanlilisik ang mga mata niya kay El. "Fuck you, Salgado! Nasa loob pala talaga ang kulo mo! Bitiwan mo ang baby ko!"


Wala namang reaksyon si El. Hawak pa rin ako at mukhang wala talaga akong balak bitiwan. Noong lapitan ako ni Kit ay inilagay ako ni El sa kaliwa niya. Nang sundan ako ni Kit ay inilipat naman ako ni El sa kanan niya. Para akong manika rito na basta-basta na lang iwinawasiwas ni El at hinahabol naman ng abot ni Kit!


Pulang-pula na sa asar ang mukha ni Kit. Akma niyang susuntukin si El nang iharang naman ako ng lalaki. Muntik ng ako iyong masuntok!


Namilog naman ang mga mata ni Kit. "Sorry, Kena!"


Iwinasiwas ulit ako ni El papunta sa gilid niya na parang walang nangyari. Pikon na pikon na ako. Alam ko na hindi ito matatapos hanggang hindi nawawala ang isa sa kanila. Tiningnan ko si Kit. "Kit, umalis ka na muna."


"Ha?" Bagsak ang balikat niya at para siyang sinentensiyahan na bawal siyang kumain sa loob ng isang buwan. "Kena, galit ka ba? Hindi naman ikaw ang susuntukin ko, maniwala ka!"


"Umalis ka na, Kit. Please." Utang na loob, ako ang napapagod sa kanilang dalawa.


Beware of the Class PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon