CHAPTER FIVE ----- TwoGether at Last

21 2 0
                                    

Gusto nyang mapag- isa sa  lumang Mansion . Maaliwalas  ang panahon. .muli  ay binabagtas  ni  Maureen ang  kahabaan  ng North Luzon  Express  way , Sa bawat  pagliko  ng sasakyan ,  habang papalapit  sya  ng papalapit  sa  lugar  na 'yon  ay  naroon  ang pananabik.  At  matapos ang  halos apat na oras ay  narating na nya ang Nueva  Ecija.
"Welcome  to Nueva Ecija" ..  bahagyang napatanaw  si  Maureen sa  Arkong yon.. .napabuntong hininga   ng malalim ..malapit na sya sa  Cabanatuan  City.
Binilisan  muli ni Maureen  ang pagmamaneho  at ilang sandali pa ay natatanaw na  nya ang Mansion , bahagya  syang bumusina ,  bumukas ang  malapad  na  gate , tuloy -tuloy sya sa drive way  papuntang  garahe.
Napansin  nya  ang SUV na  kulay  SilverGray katabi  non  ang  kulay Maroon  na Pick Up. Kahit  hindi nya tanungin  si Manang Minda  ay alam nyang kay  Jun  ang  SilverGray na   sasakyan  , ngunit ang  kulay Maroon na Pick  Up? Marahil ay may  bisita sya. Lumabas  ito  ng sasakyan  at nakangiting bumati  kay Manang Minda.. masayang - masaya  naman itong yumakap  sa kanya ( si Manang Minda ay hindi na iba sa pamilya Valderama , parang kamag anak na ang turing  nila, at sya rin ang nag alaga kay Jun at Jasmine  mula pagka bata ) . " Iha, mabuti at napadalaw  ka ulit, nandito sila Jun at Jasmine kagabi pa "
" Napa- aga nga po ang dating ko , sana this weekend, kaya lang namin- miss ko na itong lugar 'nato..."
" Meron silang ka - meeting na Architect at Engineer, para sa Renovation nitong Mansion " sabi ni Manang Minda " Ah , sa kanila pala yung Pick Up " , tugon ni Maureen habang  paakyat  sila ..
Pag - bungad ng pintuan ay dagling tumayo si Jun pagka kita sa kanya, naroon sila sa maluwang  na  salas, sabay  na  napalingon din  ang dalawang bisita.

" Oh,  Hi... ang aga mo , ikaw  lang  mag-isa  ang nag  byahe? " Halata ang excitement  sa mga mata nito .
" Yup,  kaya ko naman , sabay  ang masiglang  ngiti. Pagkuwa'y pinukol ng tanaw  ang  dalawang bisita  kanina pa nakatingin  sa  kanila .
" Ah,   siyanga  pala .. I would  like you to meet Arch. Belinda  Gomez , my  high school  friend and  now a very well- known  Architect  in town... Remember her ? "
" Yeah... Of  course "
Pinag  selosan ko pa nga sya  noon , dahil palagi mong  ka  partner sa lahat  ng  Events sa school ,  escort sya ni Belinda  noong J S. Prom,
naging  muse  ng Basketball  team nila ar sya  pa rin ang escort..... Waring  nagseselos na bulong  niya  sa sarili.
" Hello ,  nice  to see you"
kunwa'y   hindi nagseselos  na bati nya.
," And  this is Engrneer Joel   Madrigal ,   her business  partner "
"Hi  ..nice  to meet  you "
"Hello  .." tugon ni Maureen  with a charming  smile ." And Guys ,  this is Maureen  .my ever gorgeaus  cousin, " bahagyangn kinurot ni Maureen  si Jun sa beywang  sabay  ng pamumula   ng  mga pisngi.. . " Actually He's joking "  sambot nya na
waring   nahiya .
" No ,   you are really beautiful   and  gorgeaus " sabay  tugon ni Eng.Joel.
Pinukol sya ng tanaw ni Jun   na  waring nagseselos   at nayayabangan sa kanya.
Naramdamann  ni Maureen   ang  tensyon , kilalan  nya  si  Jun  sa pagiging  seloso  nito kaya't   dagli  itong nagpaalam   sa  tatlo.

" Uhmmm ,  Excuse me .. maiwan  ko muna ang meeting  nyo .. " punta muna  ako dito " sabay turo ng kamay sa Dining room. .at  lumakad na patungo    doon ....maya- maya   muli ay  pumihit ang mga paa nito , sabay lingon  muli kay Jun ,  "Nasaan   pala si Jasmine ,kala ko kasama mo sya ?
  " Ah, kasama ni  Cindy ..anak ni Manang  Minda .  May binili  lang sila sa Supermarket."  dagling sagot  ni Jun Tumango si Maureen  at napatanaw sya  kay Engr.Joel , na napansin  nyang may kakaibang  tingin  sa kanya ,  Pagkuwa'y,  dumeretso  na sya sa Dining  room.

"Maupo  ka muna habang  inihahanda ko ang  iyong almusal. "
Naka  ngiti  si  Manang Minda  habang abala sa pag  a- asikaso sa kanya

" Thank you Manang , pero  kumain na po ako. .just coffee nlang , please " natatawang sabi nya  habang tinatanaw nyang  paroo't parito sa komedor  at kusina.
" Sus !  Nagluto pa naman  ako ng paborito mo , Longganisa  at sunny  side-up eggs ,  Ito lagi  ang Breakfast nyo ni  Jun  pag  andito ka....naalala ko,  " sabay tawa ,   Sumungaw ang masayang  ngiti  sa mga labi  ni  Maureen sabay higop ng  kape .
Umupo sa  tabi nya si Manang Minda  marahang hinawakan ang kanyang kamay  ..." Sana kayo ni Jun  ang nagkatuluyan  ...alam mo  bang sobrang na- depressed  yan mula ng mabalitaan  na dinala ka  na ng Mommy mo sa
Australia.
"Sobrang  nag alala sayo at  sa  pagda- dalangtao mo ,  hindi  nya matanggap  ang pagkawala  ng sana ay magiging  "anak"  nyo."
Sa  pagkakataong yon nabahiran  ng lungkot ang mukha ni Maureen .
Marami  pa

sanang  gustong  sabihin si  Maureen  pero pinipigilan  nya  ang sarili... hindi  ito  ang tamang  panahon .." bulong  nya sa sarili.
" Beep....beep " marahang  busina ang dagling pumutol ng pag -uusap nila "

"O , nandito na pala sila Jasmine  at  Cindy " sabay silang napalingon.
Tuloy  - tuloy na umakyat  ng bahay si Jasmine  deretso sa Dining room  , kasunod si Cindy.  .na may  bitbit na  Grocery  items.
" Hi ,  kanina ka pa , waring  nanabik sabay yakap  kay  Maureen ... "tumawag   sa  akin si Jun ,  nandito ka nga daw. "   Umusog   ng bahagya  si  Maureen upang  bigyan ng space si  Jasmine  makaupo sa tabi  nya. "Kakarating ko
lang ,  akala ko nga hindi  na ako matutuloy pumunta  dito. " Uhmm , bakit ?  tanong  nya kay Maureen  sabay  kuha ng tasa sa  harapan nya at  nag  timpla ng kape..
" Nilagnat  si Alexa kagabi,  its a good thing , nag  okay na  sya kaninang  madaling araw."
" Bakit  nga  ba napaluwas  ka . .. It's  a coincidence  nandito tayong  tatlo."   sabay inom  sa  kape . " Well, I
love  coming back here , you  know... memories " matipid  na ngiti ang sumilay  sa  kanyang malungkot  na mukha.. Alam  mo naman, "nature lover"  ako ..  I love  seeing  rivers, waterfalls ,  the ricefields , mountainviews... "  muli itong  humigop ng kape.
Sabay  silang  nagka tinginan  ni  Jasmine , hindi  man nila isa- tinig
ay  alam nila ang isa pang  dahilan . Pagkuwa'y   pinalitan ni Jasmine  ang  topic.
" Napa  kilala na ba sayo ni  Jun  si  Architect  Belinda at  Engineer  Contractor ,   She's now my  partner in Designing  , He's  planning  to remodel  and  renovate this  Mansion  ."
" Yeah..
" Do  you  remember    Belinda  Gomez. ?
" Yeah."
" Puro ka naman , Yeah.. wala  bang kwento ?
Napatawa  lang  si Maureen ..Actually ayaw na  nyang  maalala pa ang  mga simpleng away at  selosan  nila  ni  Jun noon...dahil kay Belinda.

" Mga  two weeks siguro mag  stay  dito si Jun." How about you?...  Kelan ang balik mo sa New York ? "  sa malumanay na  tinig  ni  Jasmine
" Two  months  ang nakuha  kong bakasyon , marami  akong aasikasuhin  travel documents  ni  Daddy , balak  ko  syang  isama pagbalik  ko  sa  New York."
" And stay there for good ..?"  nalulungkot na tanong   ni  Jasmine.
" Hopefully ,  alam  mo naman  ang  Daddy mainipin ,  tourist muna siguro...  hindi  rin  nya kasi  maiwan  si  Tita Emma ."
Maya- maya ay narinig nilang   may  mahinang hakbang  papalapit  sa kanila.
" Oppps,  Excuse me.. maputol ko lang ang
inyong  kwentuhan , why  don't you join us here... share  your opinion  regarding  the design  of  the  house " Jun  said excitedly...
"W ell ... Maureen , what do you think ? " sabad ni Jasmine  habang nakalagay  ang  kamay sa  kanyang  baba... Matamang  tumingin si Jun  kay  Maureen , waring  inaarok ang damdamin  nito .
" Whatever  you  decide , Whatever  in  your mind...I would definitely
like it... You  know I love
surprises "  sabay  tingin
kay  Jasmine .  " It's for you  nalang  for  the design   Jasmine,  afterall ,   you  are   an Interior  Designer.." bahagyang katahimikan sa  kanilang tatlo , nabahiran  ng  lungkot ang  mukha ni Maureen, Pagkuwa'y
"I  think,   I need some rest...  Tuloy muna ako sa kwarto ..."  patuloy nyang  paliwanag  kay Jun  at  Jasmine... sabay hawak  at pisil sa kamay ni  Jasmine ,  tumango lang  ito.  At tuloy- tuloy na  syang  lumakad palayo.

Actually.,  para  kay Maureen ,  wala  sya  sa posisyon para magbigay
ng  opinyon  para  sa Design  ng  bahay... Meron  asawa  si  Jun. Although ,  hindi  rin nakikialam  si  Alyssa
when  it  comes  to that matter...  still  She  is the wife.  And  she  want  to respect  that  !   Maybe Jun  and  Jasmine  read her mind...

           ***********

Marahang  katok  sa kanyang  kwarto ang pumukaw  sa mahimbing   na pagkakatulog  ni Maureen .
"Comi'n ,   bukas ang pinto,". .. mahina nyang boses  na  waring nag-aagaw  antok...
" Wanna  take  your lunch ? "
Dagling  napadilat  ang mga  mata  nya .... boses yon  ' ni  Jun ,  balikwas ito  sabay  tungo  sa pintuan ,  sumungaw sya.
" Baka  gusto mo nang mag  - lunch , alas - dos na ng hapon " masayang ngiti  ni  Jun .. waring nang  -aakit  na  mga tingin.

" Ah ,  napasarap  pala ang  tulog ko , nasaan na ang  mga bisita mo ? "
tanong  ni  Maureen habang  naglalakad  sila patungong  dining room .
" Kanina  pa umalis afterlunch ,  Hindi ka na namin  ginising ,  alam kong pagod ka sa byahe.
" O ,  bakit  pang dalawa ang  nakahain  na plato?".
" Hindi  pa  rin  ako kumakain,  para  may kasalo ka   . ..Napatingin sya  kay  Jun ...  medyo kinilig. ,  pero  syempre hindi  sya  nagpahalata.
" Wow  huh!  caring ? " anyong  nagbibiro  si Maureen . .. at sabay silang  napatawa  ng malakas .
" Si  Jasmine  pala , nakauwi  na  ba ?"
" Ah ,  hindi pa ..naliligo yata,  papauwi na rin sya  ng  Talavera .
" Hmmm ,  patango - tango  si  Maureen habang  masaya nilang
pinag  sasaluhan ang masaganang pananghalian.

on Vows and Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon