CHAPTER 13 ---- Stranger That We Are 🎩👒

13 2 0
                                    

( Maureen 💔Joel )

Madaling nagka palagayang - loob sila Maureen at Engr.Joel.
Sa dalawang araw na pananatili nya doon ay nadama nya na mabait at palabiro pala ito , madaling pakisamahan , matalinong kausap .
" Kumusta ka na dyan " malakas na boses ni Joel ,habang papalapit sya kay Maureen ... Matagal na nakatitig si Maureen sa gawi ng hagdanan ng Mansion waring hindi namamalayan ang papalapit na si Joel , " Hey! Are you alright ? "waring nababahalang tanong nito ... dama nya ang lungkot sa mukha ni Maureen . " Well , masyado na kasing luma ang Mansion na ito , kailangan ng baguhin ang structure at design ... I ' m sure maraming Unforgettable
Memories ang pamilya nyo dito ? " patuloy ni Engr. Joel . Matamang nakatingin lang sa kanya si Maureen , tumango - tango lang na waring sumasagi sa kanyang isipan ang mga panahon ng kabataan nila ni Jun ...
" Hey! " Joel chuckles
" Huh ..! " dagling napukaw ang pagbabalik tanaw ni Maureen sa dagliang pag pitik ni Joel ng mga daliri na waring ginising sya sa malalim na pag iisip .
" Oh , I 'm sorry ...I' m just.. you know .. captivating my memories , the good old days we had.... With my family..." At muli silang nagka tawanan .
Suddenly her cellphone rings , " Excuse me Joel , it's Jasmine calling ". at sumenyas itong palayo kay Joel .
" Hello Maureen ..sorry ha , ngayon lang ako naka tawag sayo, sobra akong stressed "
" Yeah , I know ... Don't worry , okay lang ako dito , I know how you feel , Mommy rin ako ..kumusta na si Iyah.
" Eto kakalabas lang namin ng Hospital , She's getting better but need more rest and medications. Tomorrow punta ako dyan sasamahan naman kita , but can I ask another favor ?" seryosong boses ni Jasmine.
" Uhmmm. ..okay ,sige ano yon ?" sa malumanay na boses ni Maureen .
" Pwede bang i-extend natin ang stay mo dyan for another one more week ... Kailangan pa rin kasi ni Iyah ng follow-up sa doctor for two days , then after that , ako na ang mag supervised dyan ...Please " anyong naglalambing na tinig ni Jasmine .
" May magagawa ba ako , pwede ba akong tumanggi sayo ? " nagbibiro at nakatawang boses ni Maureen .
" Oh , thank you ...I'm so grateful ..". at nagtawanan silang dalawa . " Tomorrow , andyan ako ,. Promise , samahan .muna kita kahit one day lang , ,Bye see you.." masayang boses ni Jasmine , nangingiti namang binaba ni Maureen ang kanyang phone .
**********
Kinabukasan ay maagang dumating si Jasmine sa tinutuluyang Hotel ni Maureen .
Sabay silang nag breakfast sa loob ng hotel restaurant . At ilang saglit pa , at nag da - drive na si Maureen patungo sa ginagawang renovation ng Mansion .
Masaya silang nag kwe - kwentuhan habang daan. Magkasundong - magkasundo silang dalawa , walang lihiman sa isa't - isa ( maliban kay Alexa na hindi nya masabi ang totoo kay Jasmine ,,) kaya alam din nito ang pinagdadaanan LQ nila ni Jun .
" Si Jun tumatawag ba sya sayo ?" tanong ni Maureen
"Yeah , pero minsan lang , tinatanong lang kung kelan daw ba ako makakapunta sa Job site... nag- aalala na daw sya kung ano na ang developement ng Project , ganon lang ."
" Uhmm . Just like that ?
" Ano ba ang ine ,- expect mo... Na mi - miss mo rin noh? "
" Nope ! Sabay irap kay Jasmine, bumawi si Jasmine ng mahinang kurot sa beywang ni Maureen , anyong nakiliti ito..
'" Oppss.. ano ba Jas... nag da - drive ako !,"
Sabay silang tumawa ng malakas.
" Seriously , what' s going on with you lately .. ikaw naman ang umiiwas kay Jun ? "
Matagal na hindi kumibo si Maureen .. pagkuwa' y lumingon kay Jasmine .. " Honestly , nahihirapan akong mag desisyon ... So many things to consider. . I might as well go back to New York and sort things out.."
" Like what ? " waring meron nararamdaman si Jasmine na may gustong sabihin sa kanya si Maureen .
Binagalan ni Maureen ang pagmamaneho.... sabay lingon kay Jasmine..humugot muna ito ng malalim na paghinga...
" I have been thinking this... so many times , Si Tita Olivia lang ang nakaka - alam nito.. but this time gusto ko rin malaman mo..," Maureen sighs.
Naka tingin sa kanya si Jasmine na waring sabik na naghihintay ng susunod nyang sasabihin.
" Anak namin ni Jun si Alexa !"
" Whattt...? Oh my gosh!.. seryoso ka.. .pero bakit ngayon lang... ngayon mo lang sinabi ? namimilog ang mga mata ni Jasmine, halos hindi sya makapaniwala .."
" That's why , kaya hindi ako makapag desisyon .. meron ng pamilya si Jun.. Ayoko nang guluhin pa ang buhay nila... "
Katahimikan sa pagitan nila ni Jasmine ...Binilisan ni Maureen ang pag mamaneho...
Maya - maya pa ay nasa tapat na sila ng ginagawang Mansion .
Sinalubong sila ng masayang ngiti ni Engr Joel .. sabay na bumaba ng sasakyan sila Maureen at Jasmine .,nakalagay ang mga kamay ni Jasmine sa kanyang beywang at tumayo ng matuwid at tiningnan ang kabuoan ng Mansion , hinagod ito ng tingin sa di kalayuan , " Nice , great job , ang ganda ng design "
" C'mon , pasok tayo sa loob ... In four months time matatapos natin yan ," waring pagmamalaki ni Engr .Joel kay Jasmine. Pagkuwa'y pareho silang napatingin kay Maureen na matamang nakatitig din sa Mansion .
" Kaya lang , pag natapos na ito baka nasa New York na si Maureen " malungkot na sambot ni Joel habang naglalakad sila papasok sa loob ng Mansion .
" Well , pwede ko naman i-extend ang aking bakasyon , just to see this Mansion finished , " naka ngiting sabi nito .
" Kaya lang , sila Tita Olivia baka hindi na nila mahintay yon' , babalik na sila ng Australia by next week ," patuloy ni Maureen
" Uhmm , mas gusto naman ni Tita Olivia na ma- visualized sa memory nya ang "Old Ancestral House " kesa sa New Mansion , you know that , di ba sabi nya sa atin ?" sabay silang napa ngiti .. Gumuhit ang malungkot na ngiti kay Maureen , ganoon din kasi ang pakiramdam nya , kagaya kay Tita Olivia nya , ayaw nyang mawala ang masayang ala- ala ng nakaraan sa Mansion na ito .

********************
Gabi na ng lisanin nila Jasmine at Maureen ang job site , nagpa overtime work si Engr. Joel .
Maaliwalas ... Malaki.. ang kwarto sa tinutuluyang Hotel ni Maureen .
" Jas, dito ka na magpalipas ng gabi , mag night life naman tayo... merong Resto Bar dyan sa ibaba ng Hotel .
" Okay , game ako ... but first , let's have Dinner , I'm starving.. " Jasmine smiling
" Next week ako naman dito , hindi na masyadong busy ang schedule ko .... So , pwede ka munang umuwi ng Manila ."
" Sure , miss ko na nga si Alexa , on Saturday uwi na ako "
" Thank you Maureen ... You're so supportive " sa malambing na tinig ni Jasmine .
" Ano ka ba , okay lang yon , saka masaya naman kasama si Engr. Joel , nalilibang ako "
masaya nilang kwentuhan habang kumakain sa isang cozy
Japanese Restaurant .
" Sounds good , pero mag- iingat ka dyan kay Engr. Joel... Womanizer yan , " habang marahang iniinom ang Iced Tea , Iba - iba ang mga girlfriend nyan , parang nagpapalit lang ng damit " patuloy na kwento ni Jasmine.
" Bakit , wala ba syang asawa ? " kunwang tanong ni Maureen , hindi naman talaga sya interesado sa buhay ni Joel , gusto lang nyang kilalanin ang pagka tao nito .
" Merong anak... Dalawa , magka - iba ng Nanay ... So beware and be careful " sa nagbabantang tinig ni Jasmine, sabay chopsticks ng Noodles .
Napa " Owws " si Maureen ,sabay tanong ,
" How do you know ? ,mukang mabait naman yung tao , saka hindi pa naman nagpaparamdam ng ka preskuhan , maliban lang sa palaging nakatitig sa akin ."
" Well , Arch. Belinda is my friend at cousin nya si Engr.Joel , that's why I know him ."
" Umm .. . Don't worry , He's not my type .... You know me ." at sabay silang tumawa.
After that sumptous Dinner , dumetso sila sa isang Bar di kalayuan sa kanilang Hotel . They approach the seat near the Bar counter.. Umorder si Maureen ng Vodka and Gin tonic .. Beer lang ako ..sambot ni Jasmine . Nakaka anim na order na sila ng drinks .. medyo tipsy na si Maureen .. "Jasmine , favor lang , about Alexa.. don't tell Jun about this .. please , Paalis naman kami papuntang New York kasama si Daddy and we'll stay there for good... Ayoko ng maka gulo pa ..I just want to have a peaceful life.. for both of us..." sabay inom ng vodka..
" What about Alexa... Hindi ba sya nagtatanong king sino ang Daddy nya..? Don"t you think you are being unfair... wala ka bang balak sabihin sa kanya ang totoo ? "
Matamang nag isip si Maureen hinagod ang mahabang buhok .. .. In time, siguro... If the right time comes .. sasabihin ko din... bata pa si Alexa para maintindihan nya ang mga pangyayari...
Maingay at mausok na ang Bar .. dumadami na ang customer... nag- yaya ng umuwi si Maureen . Si Jasmine na ang nag- drive pabalik ng Hotel... Maureen already drunk.

************
Maagang umalis ng Hotel si Jasmine patungong Talavera , habang si Maureen ay naiwan sa Hotel , meron pang hang -over mula sa nainom na Vodka kagabi , Beer lang ang nainom ni Jasmine kaya nitong mag drive kahit maagang bumiyahe pauwi ng Talavera , hindi na nya ginising si Maureen balak nyang i -text message nalang mamaya , sobrang lango pa ito at hindi rin naman ito gigising , laging ganoon si Maureen kapag nalalasing.

**********
After lunch na nakarating ng Job site si Maureen . Hawak ang cellphone habang binabasa ang text message ni Jasmine .
Sumalubong sa kanya ang naka ngiting si Engr. Joel " Hi , akala ko hindi ka na pupunta ngayon dito , akala ko si Jasmine na ulit ."
" Next week pa pupunta si Jasmine dito .. Saturday uuwi na ako ng Manila ."
" So , Hindi ka na babalik dito ?". malungkot na tinig ni Engr. Joel .
" Yeah.... maybe , reliever lang naman ako ni Jasmine dito. " Matagal silang nagkatinginan , sumilay ang lungkot sa mukha ni Joel .. " Akala ko hihintayin mong matapos itong Renovation... babalik ka na ba ng New York ? "
" Not really... Not until matapos ang project nato' , remember I am part of the team ? ' sumilay ang mumunting ngiti sa labi ni Maureen , alam ni Joel na nagbibiro lang si Maureen .. alam nyang hindi babalik si Maureen .
"Siyanga pala , almost finished na yung Veranda , naka - install na yung Glass Window , installed na rin yung "machuka tiles " I want to show you ."
" Okay sige, let's go.. gusto kong makita " at magka hawak kamay silang pumasok sa loob ng kabahayan . Mahigpit na hawak ni Engr. Joel ang kamay ni Maureen , waring ingat na ingat sa bawat pag hakbang ni Maureen upang hindi madapa o masugatan sa dadaanan , maraming Debris ang nagkalat paakyat ng hagdanan .
" Wow ! So beautiful , and so airy , pwede palang buksan gang' sa ibaba , sabay hawak ni Maureen sa sliding window , and the stained glass wall here .. Oh my , its so amazing ...". Pa ngiti - ngiti lang si Engr. Joel habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito. waring ayaw niyang alisin ang pagkatitig nya dito.. sobrang ma mi - miss nya si Maureen .
Nagulat pa si Engr. Joel ng mag ring ang phone nya... " Hello Sir.. Yes, almost close to finish na tayo... Sige Sir Video call tayo... " Tumingin muna si Engr. Joel kay Maureen , sumenyas na kukunan nya ng video ang newly installed Glass window and tiles .. madali naman naramdaman ni Maureen na si Jun ang nasa kabilang linya...
Bumaba sya ng Lawn Area kung saan nandoon ang luma ngunit ka akit -akit na malaking " Fountain ."
Noon , naalala nya,.dito sila nag se - celebrate ng Christmas and New Years Eve..sa garden na ito, near to this huge Fountain . it has a dancing colorful lights , this is where the whole family gathered around every holiday season .
Bahagyang napalingon si Maureen sa gawing likuran nya ng may humawak ng marahan sa kanyang braso..
Si Engr Joel .. " Sorry medyo natagalan usapan namin ni Sir Jun .. " Tumango lang si. Maureen. natuon ang pansin nila sa malaking Fountain... ,, " Parang hindi na yata gumagana ito ngayon... " Ahh , Yeah .. pero kasama ito sa aayusin namin , gusto kasi ni Sir Jun parang Victorian ang finish nito.. although its still working ..." "Uhmm. ." Tumango - tango lang si Maureen .
" Ano nga pala napag usapan nyo ni J un " dagling tanong nya kay Engr. Joel .
" Nagpa video lang ng Glass sliding window ng Veranda ... the stained glass .. the Machuka tiles.. .tomorrow umpisahan na namin sa Kitchen area ...late kasi dumating ang Shipment nung mga Cabinet , it is direct from Thailand , inorder pa ni Architect Belinda.
" Oh really ..." sa loob - loob ni Maureen , high -end talaga pumili ng style si Jun .. Everything here is lavishingly beautiful and classy.
Maya - maya ay nag paalam na sya kay Engr. Joel na maagang uuwi ng Hotel because she felt dizzy and need some rest .. matamang inihatid naman sya nito hanggang drive way... minamasdan ang kanyang sasakyan hanggang makalayo..







.

on Vows and Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon