CHAPTER TWELVE ---- Memories that fades away🏚️🌳

10 2 0
                                    


Ang nakalipas na ilang Linggo ay malungkot pa rin kay Maureen , Ang tao na inaasahan nya makakapag pasaya sa kanya ay hindi man lang sya inaalala ------ Pero naisip din nya ... "Maybe it is better this way !
I had enough of Him...Tama na yung naramdaman kong minahal nya ako "
Malakas ang ulan at sadyang nakikisama sa
lungkot na nadarama nya... bahagya syang umunat sa kanyang pagkakaupo sa gilid ng kanyang kama...muling nahiga at dumapa sa malambot na mga unan... timatamad pa syang bumangon ...its already 10:am .
Hindi na tumatawag si Jun sa kanya ..." At bakit naman sya tatawagan , hindi ba ayaw nga nya itong makausap , hindi nga nya sinasagot ang mga phone calls nito ! "
sabi nya sa sarili .
Nasa ganoon syang pagmuni - muni ng biglang nag - ring ang kanyang cellphone , kinabahan sya ... dinampot nya ito ... Oh , she sighs ... Si Jasmine ang nasa kabilang linya.
" Hello Jas..What's up ? "
nagtatakang tanong niya , halos dalawang araw palang silang nag- hihiwalay mula sa mahabang bakasyon .
" Don't tell me nami - miss mo na ako ? .
birong tanong niya .
"Hi Maureen , nasaan ka ?.
" Nandito lang ako sa bahay , why ? "
" Meron lang sana akong hihingin favor sayo " .
" Hmm..Okay , Go ahead"
" Nasa hospital ako ngayon , naka confined si Iyah ( anak ni Jasmine ) mataas ang lagnat , under observation ...baka pwede ikaw muna ang mag handle ng Renovation ng bahay sa Cabanatuan City , Please ..ikaw lang ang pwede kong maasahan "
Dagling napa isip si Maureen. , Alam kaya ito ni Jun .. Pagkuwa'y
" That's fine with me ... kaya lang baka pwedeng huwag na natin sabihin kay Jun nandyan ako... alam mo naman what's going on
between us ... Isa pa , I don't know anything about that .. pano gagawin ko. "
" You'll just supervised and make reports what is goin'n there.. magbabantay kalang .. "
" Well , sige na nga , hindi kita matanggihan
luluwas ako bukas ng umaga ."
" Thanks Maureen , ako na ang tatawag kay Jun ..
" NO ,. I mean , it's better kung huwag nalang natin sabihin na nadoon ako .. I ..I suggest "
waring natatarantang sabi ni Maureen ..
"Okay , I understand ...sige baka two to three days lang kami sa hospital .. Thanks Maureen ..I owe you one ." nangingiting sabi ni Jasmine , then she click - off the phone

****************

Malayo pa sa gate ng Mansion ay tanaw na ni Maureen si Engr. Joel Madrigal , ang Contractor ng ginagawang Renovation ng Mansion , na waring inaasahan ang pagdating nya ... Naka- tanaw ito sa papalapit na sasakyan nya .
Pagod at puyat sa mahabang byahe ... Bumaba sya , sa gilid ng daan nalang sya nag - Park .
Bumati ang nakangiting si Engr. Joel " Hi , nice to see you again " .
Ngumiti si Maureen ng matipid sabay inalis ang
suot na " shades " at inayos ang buhok sa suot nyang black cap ...
" Hello , how are you doin' ,"
At sabay na silang pumasok sa Construction site .
" Tumawag sa akin si Jasmine , ikaw daw muna ang pupunta dito."
" Yup , just for a couple of days maybe , nasa
Hospital kasi yung anak nya ..."
Mag sasalita sana si Engr.Joel ng biglang tumunog ang kanyang
cellphone ... " Hello , Ummh ...Yes we are doing fine , halos na deliver na lahat ng
materyales , Bukas nandito yung Supplier natin sa Glass Sliding
Doors ... I will call you tomorrow para makapili tayo ng mataas na Quality ang Brand name ," mahabang paliwanag ni Engr. Joel,
Napapitlag si Maureen ,
si Jun ang nasa kabilang linya ... Sumenyas sya kay Engr. Joel na huwag sasabihin nandoon sya .
Tumango lang sa kanya si Engr.Joel , at tumingin na waring nagtataka kung bakit ayaw nyang
malaman ni Jun na nandito sya .
Kagyat namang lumayo at pumasok na si Maureen sa loob ng Mansion ... habang patuloy na nag-uusap sila Jun at Engr. Joel .
-------- Makalat , maalikabok sa loob , ang ibang furnitures ay inilipat sa ibang kwarto , gayundin ang mga mamahaling Chandeliers * na minana pa sa mga ninuno ng mga Valderama .
" Sorry Maureen , napatagal ang usapan namin ni Sir Jun " habang papalapit ito kay Maureen , Hindi pala na- inform si Sir Jun na nasa hospital ang anak ni Jasmine , kaya wala pa sya dito , sya nalang daw ang tatawag kay Jasmine " patuloy na paliwanag nito kay Maureen .
Katahimikan sa pagitan nila " Ah..Umm , Maureen , I hope you don't mind If I ask you kung bakit ayaw mong malaman ni Sir Jun na nandito ka ?"
Matagal na hindi makakibo si Maureen , hindi nya inaasahan ang tanong na yon , sa loob - loob nya , Paka chismoso naman nito .
" It's okay , Sorry ...None of my business , I know curious lang ako."
waring na - realized ni Engr. Joel nakaka offend ang tanong nya .
" Yeah , it's too personal , pero simpleng tampuhan lang , ayoko lang malaman nyang nandito ako ." naka ngiting sabi ni maureen . " Supervised lang naman ako dito then .. relay ko lang developement ng Project kay Jasmine , that's it , in two days uuwi na rin ako pabalik ng Manila..
So favor lang , huwag mo ng sabihin kay Jun na nagpunta ako dito."
" Yeah , No problem " sabay ngiti kay Maureen
" What about. Arch.Belinda , hindi ba sya nagpupunta dito sa site ? " waring nwala sa loob na naitanong niya kay Engr. Joel.
" She's out of the country ... maybe next week nandito na sya .
Suddenly , Maureen 's phoneb rings ... , It's Jasmine in another line.
" Yeah , kararating ko lang an hour ago ...don't worry ., Ano ka ba , para yon lang " natatawang sabi ni Maureen , " I am happy doing this for you .. so relax lang , mas importante ang anak mo ."
" Okay , thanks ..babawi nalang ako sayo , O kumusta naman kayo ni Engr . Joel ? "
" Well , He' s nice naman ... And you know what ... . Tumawag si Jun sa kanya , sakto naman kakarating ko dito , I told Engr. Joel not to tell Jun that I am here " .
" Ah... Yes , nakalimutan ko palang tawagan si Jun para sabihin nasa hospital ako at one day lang ako mawawala sa site ."
" Well , everything is okay now . Don't worry "
" Thanks Maureen ..bye"
then She click - off the phone .

*************
Pansamantalang naka check - in si Maureen sa isang Three star hotel sa
Cabanatuan City , nai - book sya ni Jasmine for two days and two nights at sya na rin ang nagbayad ng hotel accomodation ni Maureen .
It is a nice sunny morning , She 's sipping her coffee , sandaling tumawag sya sa Manila para kumustahin si Alexa.
Ilang sandali pa ay nag da- drive na ito papunta sa Mansion .
Huminto sya sa tapat ng gate , bumaba sya ng sasakyan , sumandal sa gilid ng kotse at matamang pinagma - masdan ang Mansion ...
na unti - unting naglalaho ang Orihinal na itsura nito ... Isa - isang binabaklas ang mga lumang pundasyon
" Ayos ka lang ba ? I mean ... Hindi ka ba naiinip dito . " Boses ni Joel habang papalapit ito sa kanya , " Hindi naman , sanay naman ako sa lugar na ito .
" I' m glad you are here ,
naka ngiting sabi ni Engr. Joel , ngunit hindi nalingid kay Maureen ang kakaibang tingin nito , marahang hinagod ng tingin ni Joel ang kabuoan nito na sadyang ka akit-akit
sa suot na crop -top blouse with denim jacket at hugging denim pants , and the usual Ray-ban shades and black cap .
Ewan ba ni Maureen , ngunit hindi sya komportable sa lalaking ito! --- na kung maka- tingin ay para syang
hinuhubaran ng kasuotan . Pagkuwa'y, inilatag Ni Engr. Joel kay
Maureen ang Architectural and Structural Design Plan ng Mansion . " Eto yung Modern design ng bahay , maybe in three to four months time matatapos ito " sabay tingin kay Maureen .
" Actually , wala naman akong naiintindihan sa
Structural Plan and Architectural Design , Pwede ba tayong pumasok sa loob ng bahay para makita ko yung actual na lay - out ng Project " sa pormal na boses ni Maureen .
" Yeah.." maikling tugon ni Engr. Joel
Iniabot niya ang kanyang kamay kay Maureen upang maalalayan paakyat ng Mansion , maraming nagkalat na " Debris" at Construction materials .... Unang pinuntahan nila ang Balkonahe , ... huminga ng malalim si Maureen
Marami silang ala - ala ni Jun dito , ayaw sana nyang baguhin ang Design non' ------ Pero nakikita nya ang unti - unting pag - tangal ng mga "Baluster" ... Naka dama sya ng lungkot ,
" Ano ang magiging bagong Design nito , aalisin ba ang Balkonahe ? " Dagling tanong nya kay Engr. Joel . " Ah , hindi naman , gagawin lang Glass wall sliding window from floor to ceiling , papalitan ng Machuka" tiles ang flooring , ito pa rin ang Balkonahe ... You.
see ... over- looking the view outside " . Paliwanag ni Engr. Joel .
" Uhmm , " maikling sagot nya .. she felt a sigh of relief .. At least , nandoon pa din ang Memories ," maiiba lang ang Design , magiging moderno .....
Katulad ng nararamdamann nila ni Jun ngayon sa isa't - isa , marami ng binago ang panahon . ---------
" Mag kakaroon din ng Expansion dito .. " patuloy ni Engr. Joel , sabay turo sa gawing hagdanan , magbabawas ng "Two steps " para sa Lawn Area , " muli ay nakadama ng kurot sa puso ❤️ si Maureen .... Ito yung "hagdanan " na madalas nilang upuan ni Jun nung mga bata pa sila .... Kapag umuulan ng malakas at nagkakaroon ng munting pagbaha .... naglalaro sila ng Bangkang Papel " ..... Hinahayaan lang nila itong maanod ng tubig hanggang mawala sa kanilang paningin ...
Parang sila ni Jun ngayon -------- Hinahayaan lang nilang maanod ng Panahon ang kung damdamin meron sila sa isa't -isa .... Hindi alam kung ano ang patutunguhan .

on Vows and Promises Where stories live. Discover now