CHAPTER TEN --- Commitment and Regrets 👨‍👩‍👧‍👦💔🤱

19 2 1
                                    


Nakangiting   lumapit si Alyssa  sa  kanilang table ,  at  binati  ang Daddy nya at Tita Emma
sabay  kinuha  ang  mga
bisig  ni  Jun   at bahagyang  isinandal ang  ulo sa balikat nito..
" Honey ,   I  think  we should  go  home  now ..
It's  getting  late  at  ang mga  bata nag - aaya ng umuwi . "   Nakangiting
tumango  si  Jun .
Nararamdaman  kaya nya ang  nararamdaman ko ..  bulong ni Maureen sa  sarili ,  It's  an awkward feeling...habang nakikita
ko  silang masayang mag n-asawa ..at habang
masuyong  nakayakap si
Alyssa  sa beywang ni Jun .
Sa  loob  - loob  lng ni Maureen  ay ...  Napaka impokrita  talaga  nito ,
kanina  lang ay tinatrato
sya  ng  hindi  maganda..
at ngayon ay ipinapakita kay  Jun ang malambing
at  mabait na anyo nito..
nanatiling  walang kibo 
si  Maureen .
Pagkuwa'y  , magalang na  nag paalam na si Jun
sa  Daddy  at  Tita Emma nya   at  lumingon  kay Maureen  masuyong ngumiti  ito  , ntumingin kay  Alexa  at marahang hinalikan  sa  pisngi ..
" Good  night and see you  , "   palihim na pinisil  ang  kamay  ni Maureen ,  at nauna na itong  lumakad  patungo
sa  table  nila  Olivia  at Ysabel  upang  mag paalam  din.
Sinadya  ni  Alyssa magpahuli  ng lakad , pa- simpleng   bumulong kay
Maureen ..  " I know you were  in  a  relationship
before ,  but being nice
to you does not mean He
wants  to get  back  to you."   At ngumiti  kay Maureen  na  waring nang  uuyam , kunwang
  humalik  sa  kanya "Good night  Maureen .."
at  lumakad  na  itong palayo.
        
        *************
Lumalalim ang gabi  at isa- isa ng nag - papaalam   ang  mga bisita. Sila Jun ay umuwi na  ng Bulacan  kung saan sila nakatirang mag -asawa.
Samantalang  sila Olivia at  Ysabel  kasama ang mga  asawa at mga anak ,  gayundin  sila Maureen  at  Alexa  ay nanatili sa Resort - Hotel.
Bukas  pa  ang  check - out  nilang lahat.  Bago tutuloy  sa  Baguio City , doon kasi gusto ni Olivia
mag  bakasyon  habang nandito  sila  sa Pilipinas ,  tagaroon  din ang  pamilya ni Rommel na  asawa  ni , Olivia..

Marahang  katok  ang pumukaw  sa tahimik ng
kwarto  ni  Maureen  , Naroon  sya  sa  Terrace ng  kanyang  hotel room at  sumisimsim  ng  Red wine ...  lumakad  sya may  pintuan  at binuksan.. bahagyang
sumungaw  sa bukas  na pintuan ...  Si Olivia , nakangiti  ito  sabay yakap sa kanya . Deretso
sila  sa  Couch . Kumuha ng  alak si Maureen para sa  kanya .  " O, hindi ka pa  natutulog .. kumusta ka na ,  wala  na  akong naging  balita sayo mula ng  mag punta ka ng New  York city "  waring nasasabik  si  Olivia  sa matagal  nilang pagkakalayo  ngayon  lang  sila  nagkitang muli . " Mula ng sunduin mo  kami sa  Airport  hanggang  matapos  ang
Reunion  ngayon lang tayo  nagkaroon  ng pagkakataon  na mag usap  ng  sarilinan.
"  How' s  your  life  in New  York ? "  Olivia asked .
"  Well  ,It  is  not  easy at first...  But  I  survived  it all,   Napalaki  ko   ng maayos   si   Alexa.
Habang  nasa  Daycare School  sya.,  Nasa trabaho  naman  ako  sa Hospital...  hanggang nagkaroon  ako  ng sariling   Business , " *Homecare  for  the Elderly"   and  it's doing good  so  far..."  Maureen sighs.
"What  about  Jun ,  nag kausap  na  ba  kayo ? "
" Yes , "  tumango - tango ito ,  I can't help it Tita , sari  - saring  emosyon ang  naramdaman  ko ng  magkita  kami ulit..." malungkot  na tinig nito , sabay simsim sa hawak na kopita.
" Alam ba nya ang tungkol kay Alexa ? "
sabay silang lumingon
sa bed ni Alexa na mahimbing na natutulog. Umiling si Maureen at marahang
humilig ang mukha sa balikat ni Olivia ,  " "What's the point of telling him . Meron na syang  asawa at anak ."
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila , marahang iniangat ni  Olivia  ang mukha ni Maureen sa kanyang paningin .." But He still have a strong feeling for you , He cares about you..believed me.."  at marahang hinaplos ang mahabang buhok mi Maureen . Alam mo bang sinundan ka nya sa Australia , but it's too late , nasa New York ka na noon , at hindi ko naman alam kung saan sa New York ,wala kaming balita sayo,"
Hindi kumibo si Maureen ..  nag patuloy si Olivia,  " matagal na nyang plano na sundan ka sa Australia ,  pag nakatapos na sya ng  college  at maging successfu l .. He just waited  for the right time. .pero wala ka na sa Australia  . But I did not tell him about Alexa. . I guess  that's the right thing  to do.. Ikaw ang may  karapatan mag desisyon  tungkol sa bagay  na  yon' ."
   ------- Actually , wala naman  sa plano ni Maureen na sabihin pa kay Jun na nabuhay ang bata  sa sinapupunan nya ..,  Para ano pa ?  Ayaw  na  nyang makagawa pang muli ng gulo  sa  kanyang   pamilya ...lalo pa at may sarili  ng  pamilya  si  Jun.  Tahimik  na  ang buhay  nila sa New York
Pero  ayaw magsinungaling ng puso nya , " Mahal pa nya si Jun " Oo nga at wala na ang  Tito Ruel  at. Mommy nya... wala na ang dalawang tao pilit na  pinag lalayo sila.... but the mere fact ,  na sila ay mag pinsan ,  is such a disgrace to their
respective families .
Bagama't wala na man ng tumututol  sa kanila . Waring ang kamag anak a t pamilya  nila ay nagbibigay ng Blessings
sa muli nilang pagtatagpo  --- pero sadyang mapag biro ang
tadhana , meron ng sariling pamilya si Jun , at  kahit  pa  sabihing
" Arrange Marriage " lang ito  , at ayon sa kasunduan nila ay pwedeng ipa - annulled ang kasal sa panahong maayos na ang lahat sa kanila ni Alyssa at panahong gusto na ng isa sa kamila....   Still , makakagulo pa rin sya sa  kanila lalo na at ramdam niyang mahal na ni Alyssa si Jun .  I regret being an intruder
I don't want to make things worse and even more  complicated."
Naramdaman  ni Maureen ang banayad na pag pisil ni Olivia sa kanyang kamay .." Hindi
naman sa kinukunsinti
ko kayo ni Jun ,  pero sana ipinaglaban nyo ang   inyong pagmamahalan noon...
at least ,  wala kayong regrets  ngayon."
Hindi kumibo si Maureen , at muli itong
uminom ng red wine ,
waring nilulunod ang sarili ..
" Tulad namin ni Rommel , ipinaglaban namin ang aming pagmamahalan , ang aming karapatan , hindi namin sinukuan ang anumang pag subok... hindi namin inintindi ang sasabihin ng iba...
dahil kahit ang Mama at Papa ... they were second cousins , did you
know that ? "
Natigagal  si  Maureen ,
for all these years , hindi nya  alam na meron lihim na ganito sa kanyang pamilya !
" Kaya   ba sinuway mo
sila ?.  Hindi makapaniwalang tanong nito ....
" Yes... Ako ang pinaka -
matigas  ang ulo sa mag-
kakapatid ,  kung  ano ang  sa  palagay  ko  ay tama ,  gagawin  ko."
Humugot si Maureen ng malalim  na  hininga , dumikit ito kay Olivia at
bahagyang yumakap.  Si
Tita   Olivia  nya  ang pinaka  malapit'  sa kanya  at  itinuturing na
pangalawang  Ina .
" Naalala mo noong  panahon na mga bata pa
kayo ,   nasaksihan  ko lahat  ng kamusmusan
nyo .. kung minsan may mga bagay tayong dapat pag   pahalagahan  at ipaglaban  ... O,  kaya naman hayaan na natin tadhana  ang magtakda ng  kapalaran  ... malay natin  baka kayo pa rin ang  pinag- tagpo  sa dulo.
" O , sya matulog na tayo
lumalalim  na  ang gabi...  "Good night . "  at marahang  kinuha  ang kopita  na  hawak  ni Maureen , at inalalayan itong  makahiga sa tabi ni  Alexa , pareho nyang inayos  ang  kumot .." "   "Good  night  Tita .."
Marahan nyang ipininid ang  pintuan .
------ Madaling  -araw na
ay  hindi pa  makatulog si Maureen .  Iniisip  nya ang sinabi ng Tita Olivia nya ,  at  nasabi nya sa sarili,   "Paano  mo ipaglalaban  ang  isang bagay  na alam mong sa umpisa   palang ay hindi na   magkakaroon  ng katuparan ."  ---  napa impit ng  iyak  si Maureen at sumagi muli sa isip nya  ,   Sya  ang lumayo  kay Jun , sumuko sya kaagad , sya ang  nang iwan ....pero bakit  ngayon  feeling nya  sya  ang   talo .
Gusto   na  lang  ni Maureen   ang magpatawad   at kalimutan  lahat ng ala - ala ni  Jun -----

* It  is in Forgiving that She  will  find  Peace! *
And  then  suddenly  she glancedb  at   the  old picture...   IT  WAS SUMMER   AT  THE  RICEFIELDS  ......            Kuha yon ni Tita Olivia ,
those   sweet  innocent smiles ,   naka akbay sa kanya  si Jun  hawak ang kanyang  kamay habang waring  nahihiya  syang tumingin  sa  camera ..."

Napa ngiti si Maureen , maya- maya ay merong mga  luhang nag- uunahan   pumatak  sa kanyang   mga  pisngi .. matagal  na  nyang itinatago  ito sa kanyang wallet ,   kahit  ilang taon  pa  ang  nagdaan ,  isang  magandang  ala- ala  ng  kabataan  nila ni Jun .

            ❤️❤️❤️

on Vows and Promises Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon