SPECIAL CHAPTER 2 - THE HIDDEN CHAPTER

27 0 0
                                    

Author's Note

Hi bebs! Muntik ko nang makalimutan---I mean nakalimutan ko na sya but while I was checking and arranging things in my laptop I saw this chapter na walang check kaya na curious ako kung ano ito and hindi ko akalain na hindi ko pa pala sya napa-publish. The fist half was flashback and scene bago mangyari yung "KABANATA 1" makikita nyo naman at may tanda kaya madi-distinguish nyo naman. Anyways without further ado eto na! Enjoy reading!


\~\~\~\~\~


SPECIAL CHAPTER 2 - THE HIDDEN CHAPTER


"MOM! DAD!" tawag ng isang dalaga sakanyang mga magulang ngunit wala syang nakuhang sagot.


"MOM! DAD! I'M HOME!!!" sigaw nito at ibinaba ang mga gamit nya sa sofa. Kakauwi nya lamang galing eskwelahan at kakatapos lang din nyang gawin ang mga documents and stuff na dapat nyang tapusin sa school.


Nagmamadali naman syang umakyat sa itaas at nagtungo sa office ng kanyang magulang. Dahil kung wala ang kanyang ina sa kusina ay nasa opisina ito ng kanyang ama.


Kumatok muna sya sa pintuan bago pumasok sa loob. Pagpasok nya sa loob ay nakita nya ang parents nya na nakayuko sa table. Nilapitan nya ito at doon nya lang nakita na may tama ito ng baril sa likoran at sa ulo. Hindi nya alam kung anong gagawin nya sa kanyang nakita. Nang matauhan ay mabilis nyang nilapitan ang kanyang ina na nakayukyok sa lamesa. Nakita nyang may saksak ito ng kutsilyo sa tagiliran.


"M-Mom... hey... wa-wake up..." pangigising nito. Gumalaw naman ito at bahagyang dumilat ang mga mata nito. Nakahinga sya nang maluwag ng dumilat at gumalaw ito.


"M...My daughter... t-thank goodness y-you're safe..."


"Yes, of course... I'm safe mom... nasa school lang naman ako eh..." wika nito.


"H-Here... take this..." may ibinigay naman ang kanyang ina sakanya na isang box na maliit. Tinangap naman ito ng dalaga at inilagay sa bulsa ng kanyang itim na jaket na umaabot sa sahig dahil sa nakaupo pa sya.


"M-Mom... what happened?"


"I-I don't know ba-baby... basta... may pu-pumasok nalang dito na mga a-armadong mga tao't p-pinagbabaril ang papa mo..." paliwanag nito.


"I'll bring you to the hospit—"


"No ne-need baby... just stay safe..."


"Bu—"


"No mo-re buts... ju-just stay safe..." Napabuntong hininga na lamang ang dalaga't niyakap ang kanyang ina.


"Why?"


"I... I love you, my p-princess..." wika nito hanggang sa huling hiningang meron sya. Napaluha na lamang ang dalaga sa pangyayaring iyon.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon