KABANATA 17

331 18 3
                                    

Sorry guys if I took so long to update...

This contains the prophecy reveals of who Margaux is... and more 😜

I hope you enjoy 😘

KABANATA 17

3RD PERSON’s POV

Nagtipon ang lahat sa bulwagan sa palasyo ng Two Moons. Nang dumating ang hari ay magsisimula sana syang magsalita ngunit bugla na lamang bumukas ang pintuan ng bulawagan at pumasok ang tatlong puting mangkukulam.

“Ano’t naparito ka?” tanong ng Alpha King. Seryosong huminto ang tatlong mangkukulam sa harapan ng hari at yumuko ng kaunti bago humarap sa madla.

“Nandirito ako upang humingi ng paumanhin sa nangyari noong sabado…” natahimik naman ang lahat.

“Nandito ka lamang para humingi ng tawad?”

“Oo… nandito ako upang humingi ng tawad dahil sa kapahangasang ginawa ko noong sabado…” nalito naman sila sa sinabi ng matanda.

“Ano?”

“Ang namatay na babae ay walang koneksyon sa kahit anong propesiya… isa lamamg syang ordinaryong lobo. Hindi sya ang may hawak ng susi…”

“Nagkamali ka?”

“Oo Alpha… sapagkat nilinlang ako ng aking paningin… sa labis kong pagnanais na makita agad ang susi ay maling babae ang aking naisambit… ngayon, nagparamdam ang aklat  at ang bolang krystal. Inihayag ng bolang krystal ang anyo ng babae at itinuro ng aklat ng propesiya kung nasaan sya,”

“Ano?! Ipaliwanag mo to,” utos ng Alpha.

“Ihayag ang ipinakita sa atin,” ipinakita ng bolang krystal ang tunay na anyo ng babaeng mortal na may hawak ng susi. Hindi makapaniwala ang lahat lalo na ang hari sa kanyang nakita sapagkat — “Niloloko mo ba ako?! Paanong mapupunta sa kapatid ko ang susi kung gayon patay na ito limang daan taon na ang nakakalipas!” galit na sigaw ng hari ngunit hindi sya pinakingan ng mangkukulam.

“Ang babaeng ito ay matatagpuan sa mundo ng mga mortal. Ang tadhana na mismo ang gumabay sa dalawang kaluluwa na nahiwalay halos limang daan taon na ang nakakalipas. Sya, ang asawa ng lobong ito ay tunay na may hawak na susi. Sya, na nasa katawan ng isang mortal ay muling binuhay upang magkasama muli ang dalawang pusong pinaghiwalay. Ngunit sya rin na nasa katawan ng mortal ay ipagpapatuloy kung ano man ang sinimulan at tataposin ang relasyong namamagitan sa kanila ng umibig sakanya,” nagulat ang lahat sa narinig.

“Buhay ang kapatid ko?” hindi makapaniwalang wika ni Mitsuo sa mangkukulam.

“Hindi ko alam kung sya ba’y tunay na nabuhay, Mahal na Alpha… waalng sinabi ang propesiya…”

“Isulat ang mga sinabi ng propesiya at ang picture ay ibigay sakin… may gagawin ako doon,” sumunod naman ang mga tauhan ng Alpha King.

“Maaari bang mabuhay muli ang aking anak?” Tanong ng dating Alpha.

“Maaari aking mahal kung ito ay may patnubay ng dyosa Helfrina…” wika ng ina nila Alpga Mitsuo.

“Matagal nang wala ang dyosa kaya imposibleng mabuhay sya…” reklamo ni Miyasaki na sinang ayunan ng marami.

Nagulat ang lahat ng magliwanang ang bolang krystal at ito’y nabasag at inihayag nito ang itsura ng babaeng may hawak ng susi. Nagulat ang lahat lalo na ang malalapit na kamaganak at kaibigan sa nasaksihan. Tila isang panaginip na muli nilang makita ang kanilang kapatid at kaibigan na gumagalaw.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now