KANANATA 18

286 16 4
                                    

Natutuwa ako na may nagaabang ng update ko at may nagbabasa nito... Sonra akong natutwa...

KABANATA 18

3RD PERSON’s POV

Bigla nalang may kakaibang naramdaman si Emelda ang pinakamatandang puting mangkukulam sa palasyo. May kung anong mainit na enerhiya ang kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Agad nyang pinagutos sa mga kasama nyang mabgkukulam ang hanapin ang isang babae na may simbolo ng liwanag at dilim. Nagtataka man ay sinunod ng mga mangkukulam ito. Nagmamadali syang pumunta sa palasyo upang ipagalam ang nangngyari.

Agad namang nagsikilos ang mga kawal lalong lalo na si Mitsuo kasama si Delvin upang matignan ang kagubatan na parte ng palasyo. Bigla silang naging aleto ng may maramdaman silang pamiyar na prisensya ngunit hindi nila matukoy kung masama ba ito o mabuti. Malayo pa naman ito sakanila ngunit mas maganda nang maunahan nila ito upang maprotektahan ang mga mamamayan ng Two Moons.

Mabilis ang naging pagkilos nila at nang malapit na sila ay biglang nakilala ni Delvin ang amoy. Mabilis pa sa alas kwatro sya lumabas sya sa pinagtataguan at laking gulat nya ng makita nya si Tristan na payapang natutulog (kung sya nga’y tunay na natutulog).

“Hyung!” bati ni Delvin at binuksan naman ni Tristan ang kanyang mata at nakita nya si Delvin pero para sakanya isa itong kalaban na baka kunin ang asawa nya o sa isip nya ngayon ay ang amo nya. Para bang naging isang aso sya na ang kanya lamang sinusunod ay (ang kanyang minamahal) ang kanyang amo. Para bang nawaka ang pagiging tao nya sa mga oras na ito at hindi man lang nya nakilala si Delvin. Galit na umangil si Tristan na ikinatras ni Delvin at ganoon din ang iba pang kawal.

“Delvin, totoo bang si Tristan yan?”

“Hindi ako pwedeng magkamali… si Hyung talaga yan… amoy palang nya eh,”

“Eh bakit parang galit sya?” lalo pang umangil at lumabas na ang mga ngipit ni Tristan ng humakbang si Delvin papalapit na ikinahinto naman ng huli.

Magsasalita na sana si Delvin nang makarinig sila ng pagubo’t pagungot sa hindi nila alam kung saan nangaling. Napatayo naman si Tristan at nakita nya si Margaux na gumagalaw galaw na agad nyang dinilaan ang mukha upang magising na ito ng tuluyan. Nagulat naman ang mga nakakita sa paligid. Alam na agad nila ang ikinagagalit ng kaibigan dahil baka saktan or kunin nila yung babae mula sakanya na hindi naman nila gagawin dahil hindi nila alam na meron palang tao doon.

“O-Okay… sto-stop…” wika ni Margaux na ikinatigil ni Tristan. Para namang nabato si Mitsuo sa kinatatayuan nya ng marinig nya ang tinig ng babae pati narin ang pagkakahawig nito sa kanyang kapatid.

Hindi na nagtaka pa si Margaux kung nasa gubat sila dahil gubat naman yung huli nyang nakita bago sya mawalan ng malay. Ang ikinagulat nya lang ay umaga ang sikat ng araw at may mga tao sa paligid na kakaiba ang dating para sakanya. Dahan dahan naman syang umupo at umupo rin si Tristan sa harapan nya na para bang mabuti syang pinagmamasdan sa bawat kilos na gawin nya. Napaangat naman ang tingin nya sa lalaking nakasuot ng magarang kasuotan. Para kasing napunta sya sa ibang bansa sa mga suotang nakikita nya. Para syang nakakita ng hari at prinsipe sa harapan nya at yung mga kawal naman ay nakasuot lang ng gulagulanit na pantaloon ngunit kung titignan ay parang nagmomodel lang ang mga ito sa isang Men’s Magazine. Napakunot pa ang noo ni Margaux ng medyo mamukhaan nya si Delvin para kasing nakita nya na ang lalaki noon hindi nya lang talaga matandaan kung saan.

“Sino ka?” tanong ni Mitsuo sakanya. May kung anong humaplos sa puso ni Mitsuo ng magkatinginan sila sa mata na para bang lagi nyang tinitignan ang mata nito na ngayon lang naman nangyari. Hindi na nagsalita pa si Delvin at pinanonood lang sila. Iniisip nya kasi si Tristan kung bakit hindi pa ito bumabalik sa pagiging tao at sa kakaibang kinikilos nito.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now