KABANATA 10

341 13 0
                                    

KABANATA 10

3RD PERSON's POV

Nakatulala lang si Tristan sa terrace ng kwarto ng dalaga. Ayaw naman nyang lumabas dahil ayaw nyang maistorbo ang dalawa dahil mukhang napaka seryoso ng paguusapan nila. Biglang pumasok sa isip nya yung sinabi ng lalaki noong nasa parking lot sila ng mall.

"Huwag na huwag mong hahawakan ang girlfriend ko!" mahinang bulong ni Tristan sa kanyang sarili. Napabuntong hininga nalang sya't tumayo at naglean sa fence. Walang emosyon nyang pinagmamasdan ang mga gusali't mga sasakyang dumaraan.

"Girlfriend... huh..." mahinang bulong nya at pumikit habang ninanamnam ang malamig na hangin.

Nagtataka naman si Margaux kung nasaan naglalagi si Tristan. Hindi na nya ito makita pati rin ang aso nya. Umakyat nalang sya sa kwarto nya upang makapagayos na ng sarili dahil may pasok pa sya.

Pagpasok nya sa loob ay napansin nya agad ang aso nyang nasa terrace ng kwarto nya habang nakatingala na parang may tinititigan. Dahil sa pagtataka'y nilapitan nya ito at balak na sana nyang tawagin ng mapansin nya ang lalaki na nakatalikod sakanya.

Hindi nya alam kung anong magiging reaksyon nya dahil nasa loob ng kwarto nya ang lalaki at nasa terrace pa at kapansin pansin na wala itong suot na pangitaas at tanging ang puting towel lang ang nakatakip sa pangibaba nito.

Bigla naman syang napatalikod at maglalakad na sana paalis ng biglang kumahol yung aso kaya napaharap sya na dapat hindi na nya ginawa dahil nagtama ang paningin nila ni Tristan. Mabilis nyang iniwas ang kanyang paningin at mabilis na nagtungo sa walk in closet nya sabay lock. Tsaka lang narealize ni Margaux kung gaano nyang kapigil ang hininga nya.

"Argh!" frustrated nyang daing habang hinilamos ang kamay sa mukha. Huhubarin na nya sana ang damit nya ng maalala nyang wala pang suot na damit ang bisita nya. Mabilis syang naghalungkat ng malalaki nyang T-shirt at pati narin yung boxer at yung sweaty pants na galing pa sa pinsan nya.

Kakatok na sana si Tristan ng biglang bumukas yug pinto kaya napaiwas agad sya ng tingin sa dalaga at ganoon din si Margaux sakanya.

"Here... were this..." nahihiyang sabi ng dalaga habang namumula ang pisngi nito. Inabot naman yun ni Tristan habang kakamot kamot sa batok nya at namumula ang buong mukha. Nang nasakamay na ng binata ang damit ay mabilis na isinarado ni Margaux ang pinto na nagpagulat pa kay Tristan.

"Naks naman Master!" panunukso ng aso na nakahiga sa kama ng amo nito. Hindi namalayan ni Tristan na nakangiti na pala sya ngunit biglang nagbago ang awra nito ng mapagtanto na panlalaki ang damit na binigay ng dalaga.

"Don't tell me... sa lalaki na yun yung damit na to?" referring to Adrian. Napahagikgik naman si Fyn sabay iling.

"Nako Master maling mali ka jan!" natatawang sabi ni Fyn kay Tristan. Sinuot naman ni Tristan yung T-shirt na kasyang kasya lang sakanya.

"Yang damit na suot mo ay kay Lady Margaux at yung shorts na hawak mo Master ay sa pi—" hindi na natapos pa ang sasabihin ni Fyn ng may biglang tumawag sa telepono na nakalagay sa study table ng dalaga. Nagkatinginan pa ang dalawa sabay kibitz balikat. Itinuloy nalang ni Tristan ang pagsusuot ng shorts na medyo masikip sakanya. Hindi tuloy sya komportable. Lumapit naman sya sa study table ng dalaga't kumuha ng kapirasong papel at ballpen. Napailing naman sya ng makita ang ballpen na hawak nya. Apoy ang desenyo nito at pulang pula ang tinta.

"Master?" pinat naman ni Tristan ang ulo ng aso.

"I need to go..." maikling wika nito at papaalis na sana sya ng humarang ang aso sa pintuan.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now