EPILOGO

441 19 1
                                    

Sa mga readers ko! Hello! Maraming maraming salamat sa pagsuporta ng THE IMMORTAL BOOK 1 AND BOOK 2

Sobra sobra po akong nahpapasamalamat dahil kung wala kayo... Hindi ko maisusulat to dahil kayo ay inspiration ko *hart* *hart*

Wish ko lang ay sana suportahan nyo rin ang iba ko pang story na ipupublished ko SOON gaya ng pagsuporta nyo sa THE IMMORTAL

Thank you rin sa mga readers jan na inaad nila BOOK 1 & 2 sa kanilang reading list and sobrang nafaflatter yung puso ko

Enjoy reading and sana wag kayong magsawang basahin ang mga magihing story ko SOON

Start: May 25, 2019 - "Re-published"
Ended: October 21, 2019 - "Completed"

EPILOGO

Pinagmamasdan lang ni Margaux ang sariling repleksyon sa loob ng hotel room na nirentahan ng asawa. Hindi nya aakalain na darating ang araw na ito para sakanya para bang… hindi na nya pinangarap pa magsuot ng traje de boda. Wala rin naman na kasing maghahatid sakanya sa altar at masasaksihan ang kasal nya sa taong lobong mahal na mahal nya.

“Whaaa~ napakaganda naman ng anak ko…” napangiti naman si Margaux nang makita nya ang mother-in-law nya.

“Siguradong matutulala ang anak ko nyan,” nakangiting wika ng father-in-law nya.

“Baliw na baliw na yun kakahintay sayo,” natatawang wika ng brother-in-law nya.

“Margaux…” napatingin naman silang lahat sa kapapasok lang na lalaki.

“Oh! Caiden…” bati ni Trisha at nakipagbeso-beso sakanya.

“Pinapatawag na po ang lahat sa ibaba… magsisimula narin daw po,” pagiinporma ni Caiden. Nakangiting nagpaalam angpamilyang Itsumi bago lumabas ng kwartong nilalagakan ngayon ni Margaux.

“You look so beautiful in white~” pagkakanta ni Caiden na ikinatawa lang ni Margaux. Niyakap naman ni Caiden si Margaux at hindi nya mapigilang umiyak na ikinatawa lang ng huli.

“Why are you crying?” natatawang tanong ni Margaux sa pinsan nyang umiiyak. Hindi lang iyak kung hindi hagulgol.

“I… I am so happy for you,” wika nito sa pagitan ng paghikbi nya. Natawa nalang si Margaux at niyakap ang pinsan. Sa katunayan ay dalawa nalang sila na natitira sa pamilya dahil sa nangyari.

“Alam kong kahit hindi masaksihan nila Tita at Tito o kahit nila Dad and Mom ito sigurado akong masayang masaya sila para sayo,” tumango naman si Margaux habang nanggigilid ang kanyang luha.

“Let’s go! Naghihintay na ang mapapangasa mo,” nagtawanan naman silang dalawa. Hindi mapakali si Tristan sa kinatatayuan nya na ikinatawa lang ng mga kaibigan nya. Sa totoo lang ay kakaiba ang pakiramdam nya dahil para syang masususka na matatae na… basta! Hindi nya mapaliwanag ang nararamdaman nya hanggang sa makita nya ang kanyang ina na nakangiti sakanya. Para syang nakahinga ng maluwag nang makita nya ang ina ngunit biglang sumikdo ang kaba sa dibdib nya nang maalala nyang walang kasama ang asawa.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon