KABANATA 15

320 14 0
                                    

KABANATA 15

3RD PERSON’s POV

Pagkarating sa eskwelahan ay makikita agad ang mga napakagarang mga desenyo na halata mong ito ay pinaghandaan ng matagal. Marami nang mga tao ang nasa programa nang dumating silang tatlo. Nakapila ang mga papasok pa lamang upang makuhanan ng picture bago pumasok sa loob.

Pagkababa nilang tatlo ay agaw atensyon na agad sila. Hindi nila alam kung bakit pero pinagtitinginan sila ng lahat. Binalewala lamang ni Marguax iyon ng dati na nyang kinaugalian sa eskwela. Pagkatapos makunan ng litrato ay pumasok na sa sila sa loob kung ano ang ikinaganda sa labas ay mas doble pa sa loob. Hindi nya alam kung nasa eskwelahan parin sya o nasa ibang bansa dahil sa desenyo nito. agad silang dumeretcho sa upuan na nakaassign sakanila at agad silang binate ng mga taong na nandoroon.

Agad na nakapalagayan ng loob ni Merlin ang mga taong nandoroon at si Margaux naman ay tahimik na pinaglalaruan ang kanilang kamay and Tristan finds it cute.

“Hyung! Buti nakapunta ka!” napabitaw agad si Margaux sa kamay ng asawa dahil sa gulat ng biglang may sumigaw. Mahinang natawa si Tristan sa reaksyon ng asawa. Tumayo naman sya at minan hug si Sebastian.

“Hi! Noona! Napakaganda mo talaga!” ngumiti lang si Margaux sa lalaki. Umupo na si Sebastian sa katabing upuan ni Tristan at nagusap na sila. Wala namang magawa si Margaux kaya nagpaalam na muna syang kukuha ng drinks.

“Ako na ang k—”

“No need… I can handle… tsaka may kausap ka…” wala nang nagawa pa si Tristan kung hindi tumango nalang sa asawa at umalis na nga si Margaux upang kumuha ng kanyang maiinom.

“Hyung… sya ba talaga si Noona?”

“Yeah… hindi pwedeng magkamali ang puso ko… unang kita ko palang sakanya… nakilala na agad sya ng puso ko…” napangiti naman s Sebastian dahil kita nya ang kislap sa mata ni Tristan at ang saya nito na bumalik na ang kabiyak nito na kay tagal nyang hinintay.

“Masaya ka ba Hyung sa kung anong meron kayo?” tanong ni Sebastian sakanya. Tumango lang si Tristan.

“Nung araw na dumating sya sa ospital… yun din yung araw na susuko na ako…” nakangiting wika ni Tristan. Napangiti naman si Sebastian ngunit napawi rin ito at napalitan ng malungkot na ngiti.

“May balak ka na palang iwan kami… kung hindi lang dumating si Noona…” natahimik naman si Tristan.

“Good evening everyone… tonight is the night for our all graduates four to five years ago…” panimula ng host ng programa. Nagsitahimik naman ang mga bisita at ang iba’y nakatayo at ang iba’y nakaupo.

“Palakpakan natin ang ating tagapamahala ng eskwelahan na si Mrs. Miyasaki Hydra at ang ating Alpha King na si Alpha King Mitsuo Kiyoshi…” pumasok naman yung dalawa at naupo sa upuan na nasa stage.

“Sa gabing ito ay may mahalagang sasabihin ang ating Alpha King,” tumayo naman ang Alpha King at pumunta sa pwesto ng host kung nasan ang pulpito.

“Magandang gabi mga minamahal na estudyante ng Lycothrophy Academy… sa gabing ito ay ikalawang kabilugan ng buwan kaya ang ating mga kalahi na lumihis ng landas ay nagiging malakas katulad natin… sa ilang taon naming paghahanap sa susi ng kaharian ng dyosa ay umaasa kami sa lugar na ito ay makita namin sya at maprotektahan laban sa mga gustong gumamit sakanya sa kasamaan,” sobrang tahimik ng lahat at nakikinig lang si Margaux sa di kalayuan.

“Lahat ng mga estudyanteng grumaduate ay pumunta sa gitna upang masuri ng matandang puting mangkukulam…” lahat ng mga naging estudyante ay pumunta na sa gitna at ganon din si Margaux. Hinahanap agad ni Tristan si Margaux kung nasan ito sa kumpulan ng mga tao sa gitna.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon