KABANATA 7

396 13 0
                                    

Happy 95 reads! ❤

KABANATA 7

3RD PERSON'S POV

Halos mag dadalawang oras na syang naglalakad sa passageway na pinasukan nya pero hindi parin nya natatagpuan ang kabilang dulo nito. Purong deretcho lamang ang daan. Sobrang tahimik at rinig na rinig nya ang kanyang paghinga't mga yapak. Although pamilyar ang amoy na kanyang naamoy, para bang napuntahan na nya ito ngunit sa katunayan ay hindi pa. ganoon ang kanyang nararamdaman ngayon. Natigil ang kanyang pagmumuni muni nang may maaninag syang lumawanag hindi kalayuan sakanya. Mabilis naman nya iyong tinakbo.

Napapikit nalamang sya nang tuluyan na syang makalabas sa madil na lagusang iyon. Unti unti na nyang dinilat ang kanyang mata't sobra syang namangha sa kanyang nakita. Puro mga bulaklak na namumukadkad ang agad na bumungad sa kanyang mga mata. Sobrang ganda ng paligid, napakapayapang pagmasdan at manatili roon.

Ngunit sa isang iglap ay naglaho nalang bigla ang lahat. Ang kaninang payapang hardin ang kanyang nakikita, ngayon naman ay nagtatalsikang mga lupa't puno ang kanyang nakikita. Tila siya'y isang bato roon at bingi dahil hindi man lang nya naririnig ang maingay na pagsabog na hindi nya alam kung saan nangaling.

"Hmmmm~ napakabango mo~," natutuwang wika ng isang lalaking tila kasing taas ng punong acacia. Wala nang nagawa pa si Margaux nang kunin sya nito't hinagis nalang bigla. Sigaw lang sya ng sigaw hanggang may sumambot sakanya. Pasasalamatan na sana nya kaso lang ay katulad din ito ng una nyang nakita. Napatili nalang sya nang ihagis sya nito hanggang sa nasambot na naman sya ng katulad din nang nanunang dalawa. Pero sa tingin nya ito ay ang pinaka pinuno sa lahat.

"Mru? Ki byunhero?" ("Ano? Ito ba ang hinahanap nyo?") napakunot naman ang noo nya nang maintindihan nya ang sinasbi ng lalaking amoy imburnal.

"Hyunsa nuy, Yema!" ("Ibaba mo sya, Rema!") sigaw ni Mitsuo. Napatingin naman sya doon at lalong kumunot ang noo nya. Nakapatiwarik kasi si Margaux dahil hawak ng higanteng iyon ang kaliwang binti nya at para lang ba syang isang karne na wala nang buhay. Hawak nya ang kanyang buhok baka kasi malaglag dahil mahigpit na aalala ng kanyang ina ay huwag ipapakita ang kanyang buhok lalo na ang kanyang mata.

"E puga seuya? Xi gekon sa? Ha?" ("E kapag ayaw ko? Anong gagawin mo? Hah? Bansot?" marahas naman napatingin si Margaux sa lalaki na amoy imburnal. She wanted to break every bone this man that holding her. At hindi alam pero nabastos sya nang tawagin ng lalaking ito ang kapatid ni Miya na bansot. She wanted to kill this man infront of him. She wanted his blood shedding in every part of her body. Gross but that what she feels right now?

"What did you said?" tanong nito na mas malamig pa sa North Pole. Itinaas naman sya ng lalaking nagngangalang Rema sa tapat ng mukha nito at tumawa ng pagkalakaslakas. Nagdilim naman ang mukha ni Margaux na ikinatawa pa lalo ng higante. Mas lalong nagdilim ang mukha ni Margaux at lalong naghangad na mapaslang ang buong angan ng hinaganteng nasa harapan nya ngayon.

"De ma u zee ru. De ma u fru men sholi yure sheda. De ma euru helah sofromte shum she. De ma euru fehi solo en solo ute eurha ye drhehika." wika nito na nagpatawa naman sa higante kahit hindi nya naiintindihan.—May tatlong lenguahe ang mayron sa Lilamila Macrenon. Ang una ay Ishalya, ang pangalawa ay Bashil at ang panghuli naman ay Nakum. Ang ginagamit ng karamihan ay ang Ishalya o mabababaw na medyo palalim palang ang mga salita. Ang Bashil naman ay wikang ginagamit ng mga probinsya ng Lilamila Mcrenon. At ang Nakum naman ay sinaunang salita na tanging ang matatandang nilalang lamang ang nakakaintindi at bilang na lamang sa kamay kung sino sino ang mga nakakintindi ng lenguaheng Nakum o ang mga gods and goddesses lang din.—At sa puntong ito ay Nakum ang ginamit na salita ni Margaux.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora