KABANATA 8

361 16 0
                                    

KABANATA 8

3RD PERSON'S POV

Nakatulala lamang si Tristan sa kanyang silid. Wala itong mababakasan ng kahit anong emosyon sa kanyang mukha. Ngunit ang kanyang mata ay sumisigaw ng kalungkutan at batid nya na ano mang oras ay mararamdaman nya na may kakawala na namang enerhiya sa kanya.

Oo... makailang beses na nyang nararamdaman ito sa loob ng limang daan taon ngunit ni minsan ay hindi sya namatay. Hindi totoo ang sinabi ng isang doctor na komunsulta sakanya na sa pangalawang pagkakataon na may kakawalang enerhiya sakanya ay mamamatay sya? Wala itong kabuluhan, wala itong patunay dahil hindi agad sya namatay bagkus ay unti unti sya nitong pinanghihina at pinapatay. Yun ang totoo na unti unti syang pinapatay.

"Anak..." napatingin sya sa pintuan ng kanyang silid ngunit bumaling rin sa bintana ang tingin ng binata.

"Hindi ka ba mamasyal? Hindi ka ba nabuburyo dito?" nagaalalang tanong ni Trisha. Umiling naman ang binata. Napangiti naman si Trisha ngunit isa itong ngiting malungkot. Naupo sya sa tabi ng anak at patagilid na niyakap nya ito ng walang salita na nagmumula sa kanyang bibig.

"Anak... bagit ganoon na lamang ang reaksyon mo ng makita mo si Margaux na isang pamangkin ng mangagaso?" tanong nito. Yumakap naman pabalik ang anak ngunit hindi sya ito sinagot.

"Bakit ganon na lamang ang pagiyak mo noong nakita mo ang bangkay nya na nakahiga sa kabaong? Bigla ka nalang nawala sa sarili mo," wika ni Trisha. Napangiti nalamang si Trisha at iniharap sakanya ang anak.

"Anak... sabihin mo lang kay Mama ang nararamdaman mo... ha?" tumango nalang si Tristan bilang sagot. Hinalikan naman sya ng ina sa kanyang noo tsaka nagpaalam na lalabas na ng kanyang silid.

Nanghihina man ay nagtungo sya sa banyo upang maligo at gawin ang dapat gawin. Pagkalabas ng sa loob ng banyo makalipas ang ilang minuto ay nagbihis lamang sya ng simpleng white longsleeves na itinauck in nya sa kanyang suot na black slacks. Nagrubber shoes din sya na kulay puti na may halong itim na lining.

Pagkababa nya ng hagdan ay nagulat pa ang ilang mga kaibigan nya na makita syang nakaayos. Madalas kasi nilang makita ang kaibigan na nakasuot lang ng pantulog. Ngayon na lamang nila nakitang nagayos ito na syang ikinagwapo pa nya lalo.

"Saan ang punta natin? Hyung?" nakangising tanong ni Sebastian. Ngunit wala rin syang nakuhang sagot kung hindi isang malamig na tingin lamang. Natatawang napakamot nalang si Sebastian sa itinutinuran ng kaibigan.

"Mamamasyal ka ba anak? Heto ang susi ng pulang sasakyang lagi mong nakikita sa garahe. Magiingat ka ha?" kinuha naman ni Tristan ang susi ng sasakyan at tsaka hinalikan sa noo ang ina na madalas nyang gawin noon nang hindi pa nila nakikilala ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso simula noon at ngayon. Tulalang sinundan ng tingin ng magkakaibigan lalo na ng kanyang Ina at Ama ang bulto ng kanyang kawatan na papaalis papuntang garahe.

Nakapagpark na si Tristan sa parking lot ng mall pero hindi parin sya bumababa ng sasakyan. Hindi nya alam kung bakit sya pumunta dito dahil ang gusto lamang nya ay mapagisa at mailabas muli ang kanyang tinatagong sakit, pangungulila at lungkot. Nagulat sya ng biglang may kumatok sa bintana ng kanyang sasakyan. Napalingon naman sya sa kaliwa nya at laking gulat nya na ang babaeng kanina lamang ang dahilan ng pagkakaulila nya sa pagmamahal nito ang kumatok sa kanyang bintana.

Wala sa wisyong binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. Pansin nya ang bahagyang pagkagulat nito nang makita sya. Pinagmasdan lamang ni Tristan ang babaeng nasa kanyang harapan. Nakasuot ito ngayon ng simpleng puting bestida na may mga desenyong mga bulaklak rin na kulay pilak. Meron rin itong puting bulaklaking korona. Napunta ang tingin ni Tristan sa mata ng dalaga na ganoon rin pala ang dalaga sakanya. Matagal nyang pinagmasdan ito at pati narin ang ilong, pisngi, mukha at mas lalo na ang labi nito na natural na natural ang pagkapula.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now