Chapter 14

7 0 0
                                    

Realizations

Lahat ng sinabi ni Olivia ay totoo narealize ko na mali itong desisyon ko. Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal, para naman akong ewan non.

Pero kasi wala na akong maisip kung sino pa tutulong sa amin sa operation ni Jaime. Hindi naman ako pwede humingi ng tulong kay Heaven kasi parehas lang naman kami.

May biglang tumawag sa akin diko kilala kung sino. Sinagot ko naman ito

["hello sino to?"]
["hey Sky! Long time no talk!"] teka familiar boses niya ah? Nagkakilala ba kami nito noon? Classmate ko ba to?

["hi! Paano mo ako nakilala?"] tumawa siya ng malakas, hala siya baliw lang?

["hoy Sky di mo na talaga ako kilala?ako to si Lorraine"] hala! Seryoso? Si Lorraine pala to grabe di ako makapaniwala

["ikaw si Lorraine? Yung ex ko nung highschool?"]

["yes Sky ako nga! Ikaw talaga kinalimutan mo na ako! Anyways I wanted to meet you this past few weeks! Kailan ba tayo magkikita?"] 

umuwi na pala si Lorraine? Kailan pa? Paano? Ang alam ko famous model si Lorraine sa ibang bansa

["uhm Lorraine, pwede ngayon na tayo magkita?"]

Sana magkita kami ngayon at pumayag siya. Baka makatulong siya sa akin na makawala sa pesteng deal na ito. Labag ito sa kalooban ko na magpakasal sa babaeng hindi ko naman lubusang kilala at diko naman mahal

["okay sure! Will meet at the coffee shop, just message me if parating kana! Okay?"] ayun! Pumayag na rin siya sa wakas

["okay sige"]

Binaba niya na ang tawag. Natuwa ako na naalala parin ako ni Lorraine kahit na hindi maganda ang paghihiwalay namin noon. Nagkita na kami ni Lorraine.

Grabe ang laki ng pinagbago niya, iba talaga pag sikat, iba talaga pag famous kana, ang daming nangyayari sayo at syempre gamit ang pera

"Hey Sky! Kumusta na!" Nagbeso beso kami. Ang classy ng datingan niya

"Grabe Lorraine ikaw naba talaga to? Nagiba kana talaga, ang hitsura mo pati kilos mo. Nag America ka lang ganyan na!"

"Well what can I do? I don't have lovelife and syempre inuna ko muna career ko, anways, umorder ka naba?"

Nag order na rin siya ng coffee para sa akin. Nahihiya na ako sa kanya sobrang yaman na niya tapos tinitingala na ng maraming tao

"Lorraine may gusto ako sabihin sayo"
bigla nawala attention niya sa phone niya na parang may kausap siya

"Yes? Ano yun?"

"Sorry sa nangyari noon, alam ko matagal na yun pero di pa ako pormal na naghingi ng sorry sayo, sobra kitang sinaktan at...

bigla niya akong pinahinto sa pagsalita dahil may gusto siyang sasabihin

"Enough Sky! I'm okay now, ilang taon na rin nakalipas yun, and besides Sky maganda naging impact ng hiwalayan natin nakamit ko ang pangarap ko ganon ka rin" unimo naman siya ng tea

Buti nga siya eh umasenso eh ako? Ano nangyari sa akin?

"Lorraine may problema kasi ako"

"Oh? What is it?"

"Kasi dahil may sakit si Jaime naisip ko na mangutang sa bangko para sa operasyon niya, diko alam paano ako makakabayad ng operasyon niyapara maligtas lang ang buhay niya at sa sakit niya sa brain. Kaya naisip ko na tanggapin ang offer ni Mr.J"

"Sino si Mr.J? I mean he is famous pr something?"

"Well sikat sila sa business world and mga Shiro sila, malaki ang ambag nila specially sa VIPS and kilala sila ng mga celebrities"

Nagulat si Lorraine sa mga narinig niya. Di kaya magkakilala sila? para kasing interesado siya kina Danica

"Wait? Are you preferring to Tita Amanda and Danica Shiro family? Kasi kung sila, I really know them. Well nakatrabaho ko na yang si Danica because of the events in USA and isa ako sa model dun"

Sabi ko na nga ba, hindi malayong magkakilala sila. Hindi talaga malabong maging close sila.

"Close ba kayo?"

"No, I mean no way, hindi ko pinapangarap na maging close kami ng Danica na yun" hala? Bakit parang may galit siya kay Danica? Curious lang ako? May kakaiba kasi.

"Bakit naman?"

"Well Sky if sa kanya ka man magpakasal, advice ko sayo mag-ingat ka sa pamilya nila dahil hindi mo pa sila kilala. Sa una lang yan sila interesado sayo, pero pag napakinabangan kana nila? aayawan kana ng mga yun" totoo lahat ng sinabi ni Lorraine, kung pwede lang umatras ako sa kasal na yan gagawin ko. May kinuha siya sa bag niya at tseke, para saan kaya yan? binigay niya iyon sa akin.

"Here! 500,000 yan. Bayaran mo na para yan sa operasyon ni Jaime." Hala nakakahiya naman

"Hindi na huy wag na sayo na to"

"Sky I insist, gamitin mo to para sa operasyon ng kapatid mo, besides napamahal na rin yun sa akin. Sky kung gusto mo mabuhay at makasama ang kapatid mo tanggapin mo to. May pagasa pa Sky habang maaga pa umatras kana sa kasal ninyo" hinawakan naman ni Lorraine ang kamay ko habang sinasabi niya yun sa akin lahat.

Tama siya,may pag-asa pa na umatras ako besides hindi ko naman siya mahal si Heaven naman

"Sky bumalik ka kay Heaven, kawawa siya pag tinuloy mo yan. Sky, she needs you and kailangan mo siyang puntahan." Tama siya pupuntahan ko na si Heaven

It's time na unahin ko naman ang puso ko. Wala akong pakialam kung ano sasabihin nila Mr.J, basta ngayon may pambayad na ako at galing kay Lorraine yun.

"Lorraine salamat dahil sayo maoperahan ko na ulit kapatid ko, mabuting kaibigan ka talaga"

"Anything for you Sky, anyways here's my calling card kung may kailangan ka sabihin mo lang, puntahan kaagad kita. Anyways, Thankyou for this day Sky!" Nagbeso naman siya sa akin

This time pupunta ako sa hospital at kay Heaven itatama ko na mga mali ko. Ang tagal ko di nagpakita.

Pumunta na ako sa hospital hanggang sa dumating ako sakto na andon si yaya Ester.

"Ya? Ano nangyari? Kumusta si Jaime?"

"Sky, nagising si Jaime kanina pero bigla siyang nag seizure, may bloodclot naman daw sa utak niya kailangan daw yun matanggal sa lalo madaling panahon baka yun pa ikamatay ng kapatid mo" sakto may pera na ako buti naman

"Sakto Ya, may pera ako dito ibigay mo nalang to sa doctor 500,000 to"

"Saan galing to nak?" Tanong niya na may halong pagtataka

"Kilala mo ba si Lorraine?"

"Yung ex mo nung highschool? Oo naman sino naman makakalimot dun." Ngumiti siya sabi ko na nga ba eh noon pa boto na yan kay Lorraine eh

"Bigay niya po yan nagkita kami kanina, sige po puntahan ko na si Heaven"

Bigla nalungkot mukha niya bakit naman? Bakit nalungkot siya banggitin ko si Heaven sa kanya

"Nak, mukhang hindi mo na siya maabutan, umalis na siya eh."

"Bakit saan siya nagpunta?"

"Babalik siya sa probinsya, mukhang dun na siya titira"

Umalis ako di pwede to kailangan ko bumalik at makita si Heaven, di ako papayag na aalis siya ng ganon nalang

Now I realize mahal ko si Heaven at ipaglalaban ko siya habang buhay.

Itutuloy....

Aking SintaOn viuen les histories. Descobreix ara