Chapter 12

6 0 0
                                    

Church

Nasa simbahan ako at nagdadasal para magpasalamat sa lahat ng biyaya binigay ng diyos. Pinagdasal ko din ang kalagayan ng kapatid ni Sky.

ilang minuto lang lumabas ako sa simbahan.

"ija? Parang pamilyar ka sa akin" may babaeng matanda na lumapit sa akin. Oo nga parang pamilyar din siya sa akin parang nagkita na kami noon.

"Manang nagkita na po ba tayo noon?

"Oo ija, bata kapa, diba ikaw ang anak ni Lourdes?" Nagiba timpla ko ng mabanggit niya pangalan ni mama.

"Opo manang"

Kinuha niya ang palad ko at hinulaan niya diko alam kung bakit niya ito ginawa sa akin. Pero naniniwala ako sa mga hula.

"Bakit po manang?"

"May nakikita ako na kakaiba sayo ija" bigla akong kinabahan, bakit kaya? Ano kaya mangyayari. Nakakaba talaga.

"Ija ingatan mo ang puso mo dahil masasaktan ka sa mga mangyayari" kinakabahan naman ako sa mga sinabi niya, ano kaya mangyayari pag nangyari yun.

"Manang sigurado po ba diyan sa nakita mo?"

"Oo ija! Ang payo ko lang sayo magingat ka dahil hindi permanente ang mundo." Agad na siyang umalis at kinuha ang bag

Lahat ng sinabi ni manang may pahiwatig. Hindi ako mapakali sa mga sinabi niya. Tama siya hindi kaya dahil kay Sky ito? Masyado akong kinakabahan sa kanya.

Agad ako umalis at inalam ko lahat, di pwede na maging kampante ako syempre hindi agad ako naniniwala.

Pag dating ko sa kanilang bahay si Yaya Ester lang ang andon, teka asan si Sky?

"Ate Ester?" Nagulat siya at niyakap niya ako

"Heaven buti dumaan ka dito sobrang nag-alala na ako kay Sky hindi na siya nagpakita eh, alam mo ba kung nasaan siya?"

"Ano ho? Si Sky nawawala? Paano po nangyari yun? Teka paano po siya nawala?" Ano ba nangyayari at bakit diko man lang alam na nawawala na pala si Sky? Ano tila ngayon pa nangyari to. Lumapit si Olivia sa akin

"Kasi si Kuya di na namin nakita o nakausap simula naoperahan si Jaime, di na namin siya nahagilap, kaya please ate Heaven kung may alam ka kung saan siya pumupunta sabihin mo sa amin" bigla akong kinabahan, mukhang lahat ng hula sa akin ni manang kanina tama lahat.

umalis na ako at hinanap si Sky isang lugar lang pinupuntahan niya kundi dito sa lumang bahay nila kung saan nilalabas niya lahat ng sama ng loob. Dito ko din siya naging kaibigan.

Pumasok na ako dito sa lumang bahay nila. Kumatok ako baka kasi andito siya.

"Tao po?" Walang sumasagot
"Tao po?" Wala paring tao at walang sumasagot. Mukhang wala si Sky dito, kung wala siya asan siya ngayon? Dito lang alam ko na pinupuntahan niya lagi eh.

May biglang nagtext sa akin yung Harold

From: Harold
Heaven, may dapat kang malaman tungkol kay Sky. And I think karapatan mo malaman to

Agad ako nakipagkita sa kanya. Wala na kong choice kailangan ko malaman kung nasaan siya.

"Heaven? Sorry na late ako anyways pasensya kana, ngayon ko lang sinabi to sayo. Bilin ni Sky sa akin na wag to sabihin sayo kasi ayaw niya magalala ka" ano? Ayaw niya mag-alala? Ang unfair naman niya. Para naman akong walang kwenta sa buhay niya.

"Ano ba kasi yun? Lahat kami nag-alala pati yaya at kapatid niya"

"Actually Heaven kasi di mo na makikita si Sky dahil aalis na siya" ano? Aalis na siya? bakit? Kailan?

"Ha? Paano? Kailan? Bakit siya aalis?" Hinawakan ni Harold ang kamay ko

"Sorry Heaven pero hayaan mong siya nalang magsabi. Mas nararapat pag siya na magsabi. Balang araw malalaman mo rin ang totoo" agad siya tumayo at umalis. Hindi ko maintindihan kong ano ang nangyayari.

May biglang lumapit na lalaki sa akin, parang milyonaryo may body guard siya. Sino kaya siya? Lumapit siya sa akin.

"Ikaw si Heaven diba?"

"Yes po sir bakit po? Sino po kayo?"

"Ako si Mr.J"

Itutuloy....

Aking SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon