Chapter 8

3 0 0
                                    

Buntis

Mga ilang linggo napapansin ni Heaven na lagi siyang naduduwal at nahihilo. Hindi niya lang sinasabi sa kanyang kapatid na si Erica dahil ayaw niya ito magalala. Pero napansin na ito ng kanyang kapatid.

"Ate napapadalas na yang condition mo, magpa check up kana kaya?" Sabi naman ni Erica na may halong pag-aalala.

"Hindi wala to baka gutom lang to or pagod kasi buong hapon ako nag aaral tapos nagtrabaho pa ako" sabi naman ni Heaven sa kanyang minamahal na kapatid

Tumabi si Erica kay Heaven at agad ito inalalayan.

"Ate hindi pwede ganyan, halika magpacheck up tayo ilang linggo kanang ganyan, hindi ka pwede magkasakit"

"Hindi na Erica kaya ko sarili ko"

"Hindi ate! Magalit ka man sa akin pero kailangan mo tong gawin. Ayaw ko mawalan ng kapatid. Natatakot lang ako na baka mangyari sayo ang nangyari kay Jaime" agad niyang hinila si Heaven sa pagtayo para sila ay unalis.

No choice naman si Heaven at sinundan niya ang kanyang kapatid. Nagpunta sila sa doctor para malaman ano ang condition niya.

"Ms. Paraiso, I have important to say to you since andito kana" biglang kinabahan si Heaven napatingin na lamang siya sa kanyang kapatid

"You are 3 months pregnant! Congratulations" nabigla siya nung nalaman niyang buntis siya. Hindi makapaniwala na buntis si Heaven

"Ha? Talaga? Ate buntis ka? Paano nangyari yun?" nagulat si Ericca sa kanyang nalaman.

"Ganon din ako, ngayon ko lang nalaman na buntis ako, pero gayunpaman, tatanggapin ko buong-buo ang anak ko" ngumiti ng abot hanggang langit si Heaven

Umuwi na agad sila Heaven at inalala niya ang rason bakit siya nabuntis. At walang ibang lalaki sa buhay niya kundi si Sky lamang

"Ate, sabihin mo nga sa akin, si kuya Sky ba ang ama niyang dinadala mo?"

Nagpalakad lakad si Heaven ng marning niya ito tila hindi siya makapaniwala.

"Wala akong maalala na may nangyari sa amin, pero kung siya man ang ama ng anak ko sasabihin ko ito kay Sky" agad siyang umalis dala niya ang envelop

——————————————————————————————————————-

dinala si Sky sa mga kasamahan ni Mr.J sa isang pribado na room at kinausap siya nito.

"Nabalitaan ko na inalok ka ni Amanda bilang assistant pero tinanggihan mo ito" sabi ni Mr.J

"Opo tinanggihan ko dahil may isang sinabi siya dun na hindi ko nagustuhan" mahigpit parin ang pagkakahawak sa kanya

"Ano ba kailangan ninyo sa akin! Bitiwan ninyo ako!" Sigaw ni Sky

Hinarap naman siya ni Mr.J at kinausap ng masinsinan

"Sige papakawalan kita pero kailangan mo sundin ang condition ko kung gusto mo pang mabuhay!"

"Ano iyon"

Nagpalakad-lakad si Mr.J habang nagyoyosi. Kinuha niya ang files at pinabasa kay Sky ang tungkol sa condition ng kanyang kapatid.

"Batid ko ang kondisyon ng kapatid mo, malala na ang sakit niya at alam ko naghahanap ka ng trabaho, pero kung tatanggapin mo itong alok ko, hindi ka magdadalawang isip na tanggapin ito dahil ito nalang paraan para tulungan mo ang kapatid mo"

Yumuko si Sky at inisip ang mga sinabi ni Mr. J

"Ang gusto ko, kapalit lahat ng gagastusin namin sa operasyon ng kapatid mo, gusto ko sumama ka sa akin at tumira sa aming bahay"

"Sige po papayag ako na tumira sa inyo" biglang naputol ang usapan nila ng ipakita ni Mr.J ang larawan ng anak niya na si Danica

"Iyan ang anak kong si Danica. Ang gusto ko hindi ka lang tumira sa bahay namin, kundi pakasalan mo siya. Pag nangyari yan, sasagutin ko ang gastusin namin sa kapatid mo"

Biglang nagiba ang timpla ni Sky at pinakawalan niya ang sarili niya sa mga tauhan ni Mr.J

"Ano?? ipapakasal mo ako sa anak kong hindi ko naman kilala at hindi ko mahal? Hindi ako papayag sa gusto mo. Hindi ko iiwan si Heaven para lang diyan" tumalikod siya pero pinigilan ni Mr. J

"Sige, kung yan ang desisyon mo pero wag ko akong sisihin pag ikaw ay magipit sa pera at magutom kakahanap ng paraan para mapagamot ang kapatid mo. Pwede pa magbago ang desisyon mo, tawagan mo ako kung magbabago ang desisyon mo" ibinilin niya ang kanyang calling card sa mesa

"Bago ako umalis, sana hindi ka magsisi sa landaa na pinili mo, kung ako ang kapatid ko, mas pipiliin ko ang kaligtasan ko kaysa sa pagibig na kailanman hindi ako matutulungan na pagalingin ako" tsaka siya umalis

Umalis na rin si Sky biglang nagtext ang kapatid ni Heaven

From: Erica
Kuya may nangyari kay ate pumunta kana dito sa bahay

Itutuloy...

Aking SintaDär berättelser lever. Upptäck nu