Chapter 20

32 0 0
                                    

Heaven Pleaded

Heaven's POV

Binigay ni Olivia sa akin ang address kung nasaan nakatira si Sky ngayon. Mukhang wala na siya kina Yaya Ester nakatira.

"Ate Heaven puntahan mo na si Kuya please kailangan mo mapaalis si Kuya dun, isa pa ikaw naman mahal niya hindi naman yung Danica na yun" naluluha ako sa nga binanggit ni Olivia.

Tama siya, kailangan ko puntahan si Sky at ipaglaban siya hindi pwede na pakasalan niya yung Danica. Ako ang girlfriend ako ang may karapatan.

Pinuntahan ko na agad yung tinitirahan dun pero wala akong nakitang Sky, asan ba siya? Tama ba tong address na binigay ni Olivia? Baka mali din to?

Pero may mga maids sa labas ng bahay, tanungin ko nga sila baka alam nila kung nasaan si Sky. Lumapit na ako sa kanila.

"Hi po ate, andiyan po ba si Sky Fuego?"

"Nako ma'am nahuli na po kayo kanina pa po sila umalis" umalis? Saan kaya pupunta sila Sky? Tsaka sino kasama niya.

"Ah ate bakit po sila aalis ano po meron?" Curious ko na tanong

"Hindi niyo po ba alam? Aalis na po sila papuntang America, kasi si ma'am Danica ikakasal na po kay sir Sky" no! hindi, hindi pwede to hindi niya ako iiwan. Maluha-luha kong sabi

"Sorry po ma'am pero maski kami po wala na po kami magawa, sige kay marami pa kaming gagawin"

Hindi ko pinakinggan ang yaya tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa natumba ako na maiyak-iyak. Agad ako inalalayan ni Erica.

"Ate tama na!" Pagpipigil niya sa akin pero diko siya pinakinggan hinahabol ko parin sila Sky.

Bakit ganon? Bakit pinaghiwalay kami ng tadhana? Akala ko ba mahal niya ako? Bakit siya aalis ng walang paalam? Nagtatampo ba siya sa akin? Hindi ko maintindihan kung bakit eh! Bakit!

Sumigaw ako ng napakalakas na parang di ako makapaniwala na iniwan niya ako.

"BAKIITTTT!! SKY BAKIT! Paano na tayo!!! Paano na magiging anak natin! Bakit mo ako iniwan!!

Paguwi ko sa bahay hindi ako nakatulog, di ako nakakain, di rin ako masaya. Puro luha lang ang pinapakinggan ko at dumadaloy sa mga mata ko ay kalungkutan dahil sa pagiwan ni Sky sa akin.

Hindi ko alam ano magiging reaction ko pag magkita ulit kami ni Sky. Hindi parin ako makapaniwala na nangyari ito sa amin.

——————————————————————————————————————————————————————

6 months after....
Pagkatapos ng anim na buwan wala parin pinagbago si Heaven lagi siyang nakatulala at umiiyak at malapit na siyang manganak sa anak nila ni Sky. Lagi daw ito walang ganang kumain at walang gana sa lahat ng bagay pero tanging nagpapasaya nalang sa kanya ay ang kanyang baby nalang.

"Erica kumusta na ang ate mo?" tanong ni Lorraine na nagasikaso kay Heaven sa kanyang pag bubuntis.

"Ayun ate, malungkot parin siya, ilang buwan na nakalipas pero ganyan parin si ate walang pinagbago, mas matindi yung depression niya nung bigla ng nawala si Sky" napakunot ng noo si Lorraine

"Hindi ko maintindihan si Sky tignan mo anim na buwan na ang nakalipas, manganganak na si Heaven hindi man lang nagpakita or tumawag man lang kay Heaven ano yun? Ghost? Hindi nga sila formal na naghiwalay. Hindi ako makapaniwala na sasaktan niya ng ganyan si Sky" galit na saad ni Lorraine.

Bigla may nilabas na envelop si Lorraine at binigay kay Erica mukhang gulat na gulat siya sa mga nangyari.

"Sumama kayo sa akin, aalis tayo lumayo tayo dito and make sure na hindi kayo mahahanap ni Sky"

Itutuloy....

Aking SintaWhere stories live. Discover now