Chapter 10

5 1 0
                                    

The Offer

Pumunta si Sky sa bahay nila Mr.J at nakipag usap siya nito. Hindi parin makapaniwala si Mr.J sa sinabi ni Sky.

"Sky! Mabuti at nagbago ang isip mo, ano naman nakapag bago nito?" Nagpalakad-lakad siya at nagsindi ng yosi.

"Ito nalang paraan ko para maoperahan ang kapatid ko, ilang linggo na akong naghahanap ng paraan para maoperahan ang kapatid ko nakapag ipon na ako pero di pa sapat ang lahat"

Natawa si Mr.J sa mga sinabi ni Sky at parang di makapaniwala

"Mabuti at natauhan kana, yan ang sinasabi ko sayo wala kang mapapala kung pag-ibig lang papairalin mo."

Yumuko si Sky at tila napilitan lang siya sa kanyang desisyon.

"Papayag na akong magpakasal sa anak ninyo" pumalakpak si Mr.J

Kinuha agad ni Mr.J ang kontrata at binigay agad kay Sky .

"Basahin mo nasa kontrata, at wag na wag kang magkakamali Sky na may ilabag ka diyan sa kontrata. Pagka pirma mo ng kontrata mo ngayon kakausapin ko na ang doctor ng kapatid mo para ako na magbayad sa operasyon ng kapatid mo" binasa ni Sky lahat ng nasa kontrata at napatulo ang luha niya dito.

Kinuha na niya ang ballpen at pinirmahan na ang kontrata. Natuwa ng todo si Mr.J dahil nasunod ang kanyang gusto.

"Isa lang sana pakiusap ko sa inyo"

"Ano iyon?" Talas na tanong ni Mr.J

"Kung pwede wag mo na guluhin si Heaven at kung pwede wag mo sabihin sa pamilya ko ang desisyon ko na ito ayaw ko malaman nila na kinasal na ako" . Lumapit si Mr.J si Sky at hinawakan niya ang balikat nito

"Makakaasa ka wala akong pagsasabihan. Wag ka mag-alala tumutupad ako sa usapan, pag tunupad ka rin sa kasunduan natin. Sky remember madali lang akong kausap at pag ako ginagago mo pasensyahan tayo" tumango naman si Sky. Agad naman dinala si Sky sa sala nila at pinakilala na ito kay Danica.

"Danica, ito na ang sinasabi ko sayo, siya ang mapapangasawa mo" natuwa ng todo si Danica at niyakap niya ng sobrang higpit yung Daddy niya

"Dad thankyou so much! Isa ito sa napaka gandang gift ninyo sa akin  salamat talaga" niyakap ng todo ang daddy niya at kiniss sa cheek

Tinignan ni Danica si Sky ng todo todo at nilapitan niya.

"Ikaw pala si Sky" nilapitan niya si Sky hanggang sa matumba sila sa sofa. Tinayo naman agad siya ni Sky.

"Hindi pa tayo kasal so please, get off me, baka magbago ang desisyon ko at hindi ko na ituloy ulit"

"I'm sorry natuwa lang ako na andito ka, hindi ako makapaniwala na pumayag kang pakasalan ako" nagiba ang pagtingin ni Sky na para bang nanlilisik ang mata niya kay Danica.

"Wag ka munang mag celebrate dahil hindi ko pa napipirmahan ang kontrata ko sa daddy mo. Wag kang makampante" umalis si Sky at lumayo kay Danica

Nakatayo lang si Sky at tila ang layo ng iniisip niya. Hindi parin siya masaya sa naging desisyon niya.

Biglang nagtext si Olivia sa kanya

From: Olivia
Kuya, si Jaime magsesezuire kailangan na niyang maoperahan bago pa ito ikamatay niya! Nasaan kana ba?

Tila nabahala na si Sky dahil sa text ni Olivia sa kanya. Hindi na siya mapakali kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid.

"Sir! Pipirmahan ko na ang kontrata, at pinapangako ko sa inyo kung ano ang nakasaad sa kontrata susundin ko" binigay naman ito ni Mr.J sa kanya. Binasa ni Sky lahat ng laman ng kontrata habang naiiyak dahil kahit ayaw niya sa nakasulat gagawin niya para sa kanyang kapatid.

Sinimulan na ni Sky pagpirma ng kontrata. At binigay na niya ito kay Mr.J. Kita naman sa mukha niya na sobrang saya niya

"May isa lang akong kondisyon" tipid na sagot ni Sky

"Ano yun?"

"Ipangako mo sa akin na hindi mo guguluhin ang buhay ni Heaven at kailanman wag mo sabihin sa kanya na ginawa ko ito"

"Katulad ng sinabi ko Sky, tumutupad ako sa usapan kaya makakaasa ka hindi ko guguluhin ng mahal mo. Since tinupad mo ang kasunduan natin, ngayon palang tatawagan ko na ang hospital ng kapatid mo at ipapa opera nanamin siya. Basta kailangan niyo ng ikasal ni Danica sa lalong madaling panahon para hindi masayang ang kontrata na binigay ko sayo" binigyan naman ni Mr.J ng tseke si Sky

"Ayan para sayo yan" Nagulat si Sky ng bigyan siya nito ng tseke na nagkakahalaga ng 1M

"Para saan to?"

"Gusto ko lumayo kayo ni Danica after ng kasal ninyo" biglang tinapon ni Sky ang tseke sa harap niya

"Ano ba ang purpose ng kontrata? Hindi paba yun sapat? bibigyan mo pa ako ng 1M? Ano ba tingin mo sa akin opportunista? Hindi mo mabibili pagkatao ko. Sapat na yung hinihingi mo sa akin yun lang ang tatanggapin ko. Hindi ko kailangan lumayo dito" umalis na si Sky dala ang kanyang mga gamit

Tila nagalit si Mr.J sa ginawa ni Sky kaya naisip niyang utusan si Brando para sa gagawin niya

"Sir bakit po?"

"Samahan mo ako may pupuntahan tayo"

"Saan po ba sir?" Gulat na gulat si Brando ng ipakita ni Mr.J ang litrato ng isang babae

"Puntahan natin si Heaven, ibigay mo sa akin ang address niya, hindi ko hahayaan na siya ang dahilan para sirain niya mga plano ko, kailangan ko siya makausap para malinawan si Sky na ang anak ko lang ang kailangan niyang pakasalan at hindi ang babaeng yun" nagsindi naman siya ng yosi at kasabay nito uminom siya ng alak

"Sir ano po ang susunod nating gagawin?"

"Ano paba kundi ang usual kong ginagawa, kung ayaw ni Sky na presyohan siya ng malaki pwes kay Heaven ko ibigay yun, for sure walang mahirap ang makakatanggi sa presyo na ibibigay ko sa kanya basta hindi siya hadlang sa plano ko at kay Sky. Siya lang ang susi ko para makuha ko loob ni Sky at para pakasalan nya ang anak ko. Kaya halika na magmadali na tayo bago pa mahuli ang lahat" tumayo si Mr.J at dala niya ang bag niya

"Sir pano pag hindi siya papayag?"

"Kung ayaw niya tanggapin ang utos ko sa kanya, kailangan niyang matuto ng leksyon"

Itutuloy....

Aking SintaWhere stories live. Discover now