Chapter 13

7 1 0
                                    

The Company

Bumisita si Sky sa dati niyang tinatrabahuan ang kompanya ni Amanda Shiro. Mas gusto ni Sky ang magtrabaho pa dun kaysa magpakasal sa anak nilang si Danica. Pero wala siyang magawa dahil nakapirma na siya ng kontrata.

"Dito kana magtrabaho pagkatapos ng kasal niyo ng anak ko, just make sure bago ka pumunta dito maayos na lahat sa inyo ng anak ko" kinuha niya ang bag niya at umalis at iniwan si Sky mag Isa.

Hindi niya alam na narinig ni Olivia lahat ng pinagusapan nila. Tila gulat na gulat ang kapatid niya sa narinig nito. Biglang pumasok si Olivia.

"Kuya Tama ba narinig ko? Magpapakasal ka? kanino?"

"Ano ginagawa mo dito Lyvia? Hindi ka pwede dito baka makita ka nila" pag-aalala ni Sky na makita ang kapatid niya baka mapahamak  at malaman ni Mr.J

Pinalabas agad ni Sky si Olivia sa labas ng company ni Amanda dahil delikado ang lagay nito pag nahuli at nalaman ng kapatid ni Sky ang Plano nitong magpakasal kay Danica

"Olivia please wag kana bumalik dito, ayaw kita mapamak" hinawakan ni Sky ang balikat ni Olivia.

"Teka nga Kuya! Bakit ba ayaw mo sa akin dito? Natatakot kaba na malaman yang sikreto mo? Kuya naman bakit mo naman itinago sa akin ang lahat? Pwede mo naman sabihin eh"

"Olivia hindi mo maiintindihan pag sinabi ko sayo, kaya please kung pwede wag mo na sabihin sa iba ang mga nalaman mo lalong lalo na kay Heaven" pagmamakaawa ni Sky ni Olivia. Mukhang naintindihan naman ni Olivia ang Kuya niya kaya nirespeto niya nalang ang decision ng kanyang Kuya.

"Sige Kuya makakaasa ka na walang makakaalam ang iba dito pero hindi ako mangangako na maitatago ko ito habang buhay. Kuya kung ginagawa mo ito para kay Jaime hindi mo kailangan magpakasal kasi gagawan natin ito ng paraan diba? Kaya naman natin operahan si Jaime" umiyak na pagdadabog ni Jaime pinipigilan naman siya ni Sky.

"Olivia please Tama na! Hindi mo alam ang sinasabi mo at hindi mo alam kung ano amg sakripisyo ang ginawa ko mabuhay lang ang kapatid mo kaya please walang makakaalam ng iba dito liban sayo at kay Yaya Ester kung ayaw mo maging delikado ang buhay mo" sigaw ni Sky , lahat ng pinagusapan nila narinig ni Mr.J biglang lumapit ito sa kanila

"Sky? Sino siya? At ano ang kailangan niya sayo?"

"Wala po sir, kapatid ko po siya nangungusmusta lang po, sige na Olivia umalis kana" tinulak ni Sky si Olivia palayo sa kanya para hindi mapahamak ang kanyang kapatid. Sinakripisyo niya ang kanyang kaligayahan para kay Jaime.

Sumama na si Sky kay Mr.J dahil sa utos nito, para daw paghandaan na ang kasal nila ni Danica.

"hali na kayo dito, at pagusapan na natin ang tungkol sa wedding plans niyo" umupo naman si Sky sa tabi ni Danica na mukhang di parin siya comfortable.

"Dad hindi pa po kami nakakapag usap, I mean ako palang nagpaplano" kwento ni Danica habang sinusuklay niya ang buhok niya

"Ikaw Sky?"

"Uhm sir ganon din po, di pa namin napaguusapan kasi busy ako may trabaho din pero kung ano man po plano ni Danica, yun din po sa akin"

"What? Di mo ako tutulungan? Ano ito? ako lang nag invest tapos ikaw hindi? Ang unfair naman non" pagsigaw ni Danica ng malakas at ayaw niya parin maniwala.

"Danica please, respect my decision hindi lang naman ikaw naiipit sa ganitong sitwasyon so please!"

Umalis na si Sky na parang may sama ng loob. Umiyak naman ng malakas si Danica ng parang nararamdaman niyang hindi siya pinapahalagahan ni Sky. Dahil dun umalis siya at naglasing

Third Person POV

"Make sure na maayos ang wedding nila at dapat walang mangugulo pag may isa na mangulo, idala mo siya sa akin"

"Yes boss"

Itutuloy.....

Aking SintaWhere stories live. Discover now