Chapter 3

9 2 0
                                    

Kapatid

Naiiyak ako habang nakikita ko na nasa critical ang kapatid ko ngayon

Biglang lumapit si Mark sa akin at kinapkap ang balikat ko

"Bro bakit hindi mo nalang tanggapin ang alok ni Miss Shiro? I'm sure malaki din ang offer non, sige ka baka di pa magamot ang kapatid mo"

Tama si Mark dapat tanggapin ko ang offer ni Mrs.  Shiro, opportunity ko na yun

Agad ako umalis pumunta ako dito sa office ni Mrs. Shiro

"The Pyramid Hotel" pumasok na ako

Wow ang ganda naman dito, ang laki ng hotel

"Sir ano po kailangan niyo?" Tanong sa akin nung babae nasa Hotel

"Uhm hinahanap ko po si Mrs. Shiro baka alam niyo po kung saan ko siya makikita?" Tanong ko sa kanya

"Ah yes Sir akyat ka sa Second Floor and lumiko ka pa Left dun mo siya mahahanap"

Agad ko sinunod si ate. Lumakad lakad ako hanggang sa makaabot ako sa kanyang opisina

"Mrs. Shiro?" Agad siyang lumingon. Inikot ikot niya pa ang kanyang upuan

"Hi! Buti at tinupad mo ang usapan natin! Have a sit"

"Mrs. Shiro ano po ba ioffer niyo sa akin?"

Tumayo siya at nagpalakad lakad at nagsalita na siya

"Nung una kitang na meet sabi ko you have a potential and nakikita ko na matalino kang bata and kaya mo lahat ng trabaho. So naisip ko na offeran kita ng trabaho dito sa Hotel"

Nabigla ako sa kanyang sinabi, wow di ako makapaniwala sa sinabi niya. Dito talaga sa Hotel? Eh grabe ang laki nito ah

"Ano po ba magiging trabaho ko?"

"Be my personal assistant, don't worry, mas malaki ang sweldo mo kaysa sa ibang hotel staff dito"

Binigay niya na sa akin ang tseke, ang laki naman nito mukhang sapat na ito para kay Jaime bakit ba ako tatanggi? Andiyan na ang grasya tatalikuran ko paba?

"Yes Mrs. Shiro tinatanggap ko ang offer mo" bigla siyang natuwa at nakipag shake hands siya sa akin

Agad akong umalis pero bago ako magsimula magtrabaho kailangan ko muna maka usap si Heaven

Kailangan bago ako mawala at magtrabaho eh masabi ko na to sa kanya, masabi ko na mahal ko siya noon pa. Ang kaso di ako nabibigyan ng pagkakataon sabihin yun sa kanya

Tinawagan ko si Heaven para sabihin sa kanya na magkita kami. Ito na ang tamang panahon

["Hello Heaven?"]

["Uy? Bat ka napatawag?"]

["Pwede ba tayong magkita?"]

——————————————————————————————————————

Heaven's POV

Binilisan ko ang aking trabaho dito sa bahay dahil malalate na ako sa school

"Erica?" Sigaw ko

Aba ang tagal naman nitong batang to maligo

"Hoy Erica bilisan mo na diyan at maliligo na ako malalate ako sa school!!"

"Yes po ate"

Hay nako kung di ko lang mahal tong kapatid ko may kinalalagyan to sa akin buti nalang at mahal na mahal ko to. Habang naliligon siya ay tinitignan ko ang aming picture frame na magpamilya

Sayang at nawasak ang pamilya namin. Sayang na nasira na ang lahat masaya na sana kami ngayon kung hindi namatay si Mama at si Papa

Kahit ganon maswerte parin ako sa kapatid ko. Eh si Sky ang kawawa, wala na nga paki mga magulang niya sa kanila, lumala pa sakit ni Jaime

Minsan gusto ko nalang saluhin ang problema ni Sky para mawala na ang bigat na nararamdaman niya ngayon. Oo baliw na kung baliw pero kung sa taong mahal ko lang naman to gagawin ko na

Bigla nagtext sila Lorraine, may group study daw para sa exam

Oo nga pala exam na pala next week, pero pano si Sky? Ano gagawin ko sa kanya? Mukhang wala siyang balak pa pumasok sa GreenHills

"Ate tapos na akong maligo!" Sigaw ni Erica

"Oh sige sige salamat at ako na ang maliligo, magbihis kana at malalate na tayo"

Natapos na akong maligo nagbihis na ako at nagpunta na sa Greenhills

"Uy alam niyo naba ang chismis?" Sabi ni Lorraine

"Hindi pa Lorraine ano ba yun?" sabi ni Gwen

"Ang narinig ko mga sis si Sky daw titigil na sa pagaaral" nabigla silang lahat

"Talaga?" Pagtataka nila Gwen, Amber at Bubbles

"Oo nga maniwala kayo sa akin"

Nagulat ako sa sinabi at kwinento ni Lorraine bakit naman naisip ni Sky na hindi na magaral? Ano ganon ganon nalang yun? Mag give up nalang siya sa pagaaral niya? Wag naman ang dami niyang pangarap tapos ganon ganon lang yun? Hindi pwede to

Agad ko siya pinuntahan, as usual dun parin siya sa mga batuhan nag stand by pag malungkot siya

"Sky?" Lumingon siya sa akin

"Heaven andito ka pala"

"May problema ka ano?" Sabi ko sa kanya

"Wala, wala to" aysus nagsinungaling pa

"Sky lokohin mo na ang lahat wag ako, sige ano yun"

Tumabi siya sa akin at nagkwento

"Heaven kasi titigil na ako sa pagaaral para makapagtrabaho ako para kay Olivia na rin" nalungkot ako sa mga sinabi niya

"Sky, susuportahan kita sa gusto mo pero sayang naman Sky kung hihinto ka sa pagaaral, pwede mo naman pag sabayin ang trabaho at pag-aaral"

"Heaven buo na desisyon ko, para to sa kapatid ko, sana maintindihan mo" at umalis na siya

Sana hindi magkamali si Sky sa desisyon niya. Sana talaga pinag isipan niya itong desisyon niya paea di niya pagsisihan sa huli

Bilang kaibigan niya andito ako nakasupporta sa kanya, andito ako para mahalin siya at supportahan siya ng todo todo kaya lang parang mali na ito eh

Ayaw ko sa lahat ang isuko ang kanilang pangarap

Third Person POV

Nagpalakad lakad ang magandang babae sa may park at pasilip silip lang kay Sky

"Anak, tell me gusto mo siya?" Tanong ng ama niya

"Dad when I first meet him don ko na realize na gusto ko siya and gusto ko maging akin siya"

"Ano ang magagawa ko para maging masaya ka?" tanong ng ama ng babae

"Gumawa ka ng paraan para mag meet kami, gumawa ka ng way na makapag usap kami"

Nagdadalawang isip ang ama niya na gawin iyon

"Dad please for me"

"I'll see what I can do anak" niyakap siya ng babae

"Thankyou dad"

Agad namang umalis ang mag ama

Sa kalayuan ay biglang bumalik si Sky at parang may hinihintay siya, Sino kaya iyon?

Itutuloy....

Aking SintaWhere stories live. Discover now