Chapter 19

4 0 0
                                    

Sacrifice

SKY'S POV

Wala na akong choice kundi gawin ito total magaling naman si Jaime na. Kailangan mo sundin ang nasa kontrata baka ipakulong pa nila ako paano na ang kapatid ko na kakagaling lang sa hospital. Buti nalang at inuwi na siya ni Nanay Ester.

Tinignan ko ang picture ni Heaven na nasa bag ko. Walang araw na iniisip ko siya, sobrang sakit na kailangan ko tong gawin para sa kaligtasan niya at para na rin matahimik siya.

"Patawarin mo ako mahal ko ngunit kailangan ko to gawin para sayo, handa ako magsakripisyo para sa kaligtasan mo na hindi ka mapahamak at masaktan ang pamilya mo. May takdang panahon din malalaman mo itong desisyon ko. Sana mapatawad mo pa ako sa kasalanan ko, sobrang mali ito pero wala akong magagawa kailangan ko tong gawin para sa aking kapatid. Always remember na proud ako sayo palagi at mahal na mahal kita."

-Sky

Inilagay ko itong letter na ito sa isang malaking kahon at dun ko hinulog. May takdang panahon mababasa din ito ni Heaven at sana hindi pa huli ang lahat, hindi pa huli ang lahat para sa amin.

Tinawag naman ako ng maid dahil pinapatawag daw ako ni Mr.J dahil may kailangan siyang sabihin sa akin and this time kasama na si Danica. Alam ko na ito tungkol to sa kasal.

Pumunta kaagad ako sa sofa nila katabi ko si Danica na masayang masaya oh pwes ako hindi masaya napilitan lang ako sa desisyon ko na ito.

"Mabuti at andito na kayong dalawa dahil natutuwa ako kay Sky at matutuloy na sa wakas ang kasal ninyo" ngumiti ako ng wala lang na hindi masaya, nakikita ni Mr.J yun

"Ang plano ko po sana sir na pakasalan kaagad si Danica sa lalo madaling panahon para wala ng masabi ang ibang tao." Natuwa naman si Mr.J sa sinabi ko at tila ngumiti ito

"Kung ganon gagawin na natin ang kasal sa lalo madaling panahon pwede nga ngayong linggo na" nagmamadali siya talaga. Ano yan? May traffic sa EDSA ganon? Kaya ko to pinapadali dahil ayaw ko ng gulo. Ayaw ko na madamay sila Heaven at mga kapatid ko sa laban ko na ito.

Umalis kaagad ako sa sofa at hinanda ko ang sarili ko. Sana mapagbigyan nila ako kahit sa huling pagkakataon ng buhay ko. Mapatawad pa sana ako ni Heaven.

Agad ko pinuntahan ang bahay nila pero walang tao eh pero may dumating na babae na mayaman, at hindi ako pwede magkamali si Lorraine ito.

Nakita ako ni Lorraine nag smile siya sa akin at lumapit naman ako sa kanya, niyakap ko siya ng todo at kwinento ko na lahat.

"Bakit hindi mo to sasabihin kay Heaven?"

"Ayaw ko lang, Lorraine baka mapahamak pa siya pag sinabi ko tong plano ko. Kung pwede Lorraine wag mo sabihin kay Heaven na ikakasal na ako baka kasi ano gawin ng pamilyang Shiro sa kanya, ayaw ko pa naman baka may mangyari sa kanya" iyak ko na sabi kay Lorraine, mukhang naawa naman siya sa akin kita ko naman sa mata niya yun

"Makakaasa ka Sky na hindi ko sasabihin to kay Heaven, pero sana hindi mo pagsisihan itong decision mo, baka kasi sa huli magsisi ka. Sky bilang kaibigan mo pinapayuhan kita na wag ka magpagamit kina Danica dahil gahaman sa pera ang pamilyang yan, wala silang sinasanto kahit kamag-anak kapa nila ipapahamak ka nila."

Ramdam ko ang pag-alala sa akin ni Lorraine ganon din ako ayaw ko may madamay na iba at sa kanya, mahalaga silang lahat sa akin si Jaime, Olivia, Nanay Ester, Heaven, Erica at si Lorraine. Sana sa decision ko na ito makatulong ito sa pagpagamot kay Jaime.

"Makakaasa ka Lorraine panghahawakan ko lahat ng sinabi mo"

"Susuportahan kita Sky, basta ipangako mo sa akin walang magbabago" tumango naman ako

Niyakap ko siya ng sobrang higpit after non umalis na ako at nagsuot ng shades at nag hoodie narin. Hindi pwede makita ako ni Heaven malapit na kasal namin.

Magiging asawa ko na si Danica at magiging asawa narin niya ako.

Itutuloy....

Aking SintaWhere stories live. Discover now