Chapter 7

2 0 0
                                    

The Promise Place

Dumaan si Sky sa hospital dahil mas lalong lumalala ang sitwasyon ng kapatid niya. Bungad niya ang malungkot na mukha ni Olivia.

"Olivia? Okay ka lang ba?" Umupo si Sky sa tabi niya

"Kuya palaisipan parin sa akin hanggang ngayon yung nangyari kay Jamie!" Yumuko si Olivia na tila naiiyak siya

"Maski ako napapaisip kung bakit nangyayari ito sa atin at kay Jamie, ang bata niya pa, napakarami niyang pangarap" pinahid ni Sky ang mga luha sa mata niya.

"Kuya napaisip nga ako na sana ako nalang nagka ganyan at hindi nalang si Jamie" pinatahimik naman siya ni Sky.

"Wag kang magsalita ng ganyan Olive, ni minsan hindi ko inisip na magkaganyan kayo maski isa sa inyo. Mahal na mahal ko kayong mga kapatid ko, tahan na Olivia" niyakap niya ng mahigpit ang kanyang kapatid

Tumayo kaagad si Sky dahil dumating na ang doctor ni Jamie.

"Dok kumusta" malungkot ang mukha ng doctor ng kaharap niya si Sky

"Tatapatin na kita Sky, hindi na maganda ang kondisyon ng kapatid mo kaya dapat sa lalo madaling panahon kailangan niyang maoperahan para hindi na lumala na ito. Base sa x-ray kumakalat na ang infected cells sa utak niya, maari niya itong ikamatay pag hindi ito maagapan" naiyak sila Sky ng maranig nila ang sinabi ng doctor.

"Dok gawin niyo po ang lahat para gumaling ang kapatid ko"

"We will do our best! Excuse me" umalis na ang doctor kasama ang nurse niya.

Napaupo nalang si Sky at kinamot na niya ang kanyang ulo, wala na siyang idea kanino siya hihiling ng tulong dahil wala na siyang pampa opera sa kanyang kapatid.

Umalis si Sky at pumunta sa malayong lugar. Pumunta siya sa gubat.

"This is my promise place to you Heaven, pero dito rin matatapos ang lahat, I'm sorry Heaven kung gagawin ko to sayo, hindi ko gusto to pero kailangan ko tong gawin para sa kapatid ko dahil sa pampa opera niya" iyak ng hagulhol ni Sky na humarap siya  sa malaking puno

"Siguro it's about time na tanggapin ko ang offer ni Mrs. Shiro at pirmahan ko na ang kontrata, ginagawa ko to para sa kapatid ko. Sana tama ako sana tama tong desisyon ko"

May biglang dumating na mga lalaki at kinablit si Sky. Nakakatakot ang kanilang awra dahil napaka pormal nila.

"Ikaw ba si Sky Fuego?" Tanong nung maamgas na lalaki

"Bakit ano kailangan niyo sa akin? Sino kayo?" Takot na tanong ni Sky

"Sumama ka sa amin, may gustong kumausap sayo"

"Sino?" Pagtataka ni Sky habang kinakamot niya ang kanyang ulo

"Si Mr. J"

Itutuloy.....

Aking SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon