Kabanata 13 (5/3/15)

5.6K 112 2
                                    












I slowly open my eyes. Ngunit lalong sumidhi ang nsraramdaman kong sakit ng ulo. It really damn hurts. Mistulang binibiyak ang ulo ko. Akma akong tatayo ng muli akong mapahiga sa kama.





"Damn" sumandal ako sa headboard at pumikit muli. Hinilot -hilot ko ang aking sintido. Wala halos akong maalala. Ang alam ko lamang ay iniwan ako ni Ivo sa daan. Lalo kong naramdaman ang pagkirot ng aking ulo. " it really hurts"





Sobra ba ang nainom ko kagabi at ganito kasakit ang ulo ko. Sabagay aminado naman ako na marami akong nainom. Ang hindi ko lang maintindihan kung ano ang nangyari matapos akong iwan ni Ivo.






Muli akong nahiga at ibinaon ang ulo ko sa unan. And it smells really good. Its a man's perfume. Ibang-iba sa amoy ng kwarto ko.







Shit. Iniangat ko ang ulo ko mula roon. At dahan-dahan umupo. I roomed around at napagtanto ko ang isang bagay. I am not in my room right now. Kung kaninong kwarto ito ay hindi ko alam.







I was really shocked ng iba ang suot kong damit. Im wearing a oversized white shirt. At naka boxer short lamang ang suot ko pang-ibaba.






May kumatok sa pintuan at dahan-dahan itong bumukas, isang matandang babae na puti na halos ang buhok ang pumasok roon, nakangiti ito sa akin habang may dala-dalang pagkain.





"Good morning po!" Sabi ko rito. Shit nakakahiya! Baka kung anong isipin nito. Baka sabihin niya isang mababang klaseng babae ako. Baka akalain niya bayaran ako, shit! I dont want that to happen.







"Magandang umaga hija" inilapag nito sa kama ang pagkain at saka may kinuha sa drawer. Saka muling lumapit sa akin at iniabot ang isang gamot.






"Siguradong masakit yang ulo mo. Kumain kana muna para mainom muna iyan."






Inilagay nito sa ibabaw ang gamot ko at akmang aalis ng muli akong magsalita. "Ano... hmmm. Nasaan po ako?" Bumaling naman ito sa akin at nginitian ako.






"Nasa mansyon po kayo ng del rosario. Dinala ka kasi ni senyorito dito."








"Ho?" Mansyon ng del rosario? Hindi ako gaanong pamilyar sa pamilyang ito. Ngunit nabalitaan ko na ang Del Rosario clan kay papa. Tanyag kasi sila sa business world.







"Lasing na lasing ka kagabi hija, akay-akay ka ni senyorito ng dalhin ka niya rito."









"Ganoon po ba?.. nasaan po ang senyoritong tinutukoy niyo para makapagpasalamat lang naman ako" nahihiya kong sabi. Alam kong nakakahiya ang pinag-gagawa ko kagabi bagamat hindi ko alam ang mga nangyari ay alam kong isang malaking katangahan na naman ang possible kong nagawa. For pete sake, paano ko nagawang maging kabaliw ng ganito. At ang malala ay nakatulog pa ako sa ibang bahay. Kung malalaman ito ni papa at mama ay tiyak na kakastiguhin ako ng mga iyon.








Bumaling ang tingin ko sa may pinto ng may kumatok roon at pumasok ang isang babae. Nakangiti ito sa akin habang akay-akay ang isang batang lalake na sa palagay ko ay nasa lima hanggang anim na taong gulang pa lamang.








Maganda ito, mahaba ang buhok na kulot sa dulo. Maamo ang mukha at makinis ang maputing balat. Maganda rin ang pangangatawan niya, may palagay akong kasing edad lamang siya ni ate yalaine. Lumapit ito sa akin at ibinigay ang isang paper bag.






"Im sorry kung iyan lang ang nahanap kong damit na kakasya sayo. " inabot niya sa akin iyon. Habang ang batang lalake na nakahawak sa kanya ay kumuwala at lumapit sa higaan ko.






"She looks like a goddess mom" sabi nito. Nakatingin lamang siya at mataman akong tinitigan. Umakyat pa ito sa kama at humarap sa akin.






"Miguel! You behave" sabi ng babae. "Pagpasensyahan muna ang anak ko. Sadyang ganyan iyan. Mahilig sa magaganda."








"Tito teach me." Lumabi ito. Kaya naman napacute niya.









"Can i know your name, dinala ka kasi ng pangit kong kapatid rito kagabi. Ang akala ko ay may kalokohan na naman siyang ginawa"










"Tito is such a jerk. Nagdadala siya ng girls sa pad niya. I know that..."








"Miguel!!!"







"Totoo naman mom, tito told me that. Pangit nga yung mga girls. This lady.." turo niya sa akin. " you po ang pinaka maganda, you look like a dyosa" nagulat pa ako ng nag wink siya sa akin.








Susmaryosep, may ganito na bang bata ngayong panahon na ito. May hinala akong kagagawan ito ng tito niya. Ito kasi ang laging bukambibig.










"Manang, dalhin mo muna si miguel sa kwarto nito" tumalima naman agad saka inakay ang bata.








"But mom, i want to talk to her, she seems so nice" pagmamaktol nito.








"You talk to her later, but now me and her will talk first. Its a girls talk, miguel so you better go off with yaya miding" kinuha nito sa kama ang anak at binigay kay manang miding. Ng makalabas na ang mga ito ay muling bumaling sa akin ang babae.












"Pasensyahan muna ang anak ko, ganoon talaga iyon, sorry if i did not yet introduce my self to you, im Kailie Del Rosario. And that was my son Miguel. And you are?"









"Angela Montehano.."








"Are you related to Judge Victoria Montehano?" Nagulat ako sa sinabi nito. Kilala niya si mama.








"She is my mom" lalong lumawak ang ngiti ni Kailie sa sinabi ko.








"I see. Kaya pala may pagkakahawig kayo, Legal adviser kasi siya ni papa noon"









"Pagpasensyahan muna kung dito ka inuwi ng gago kong kapatid he dont know who are you, kaya di niya alam kung saan ka niya dadalhin, but im gald na dito ka niya dinala at hindi sa pad niya, isang malaking gago kasi iyon."









"Ako nga dapat ang humingi ng paumanhin. Im a burden to him. Nasaan ba siya. Para makapagpasalamat man lamang ako."nagkibit balikat lamang ito sa akin.









"I dont know kung saan lumalop na naman ang lalakeng iyon, naku sakit siya sa ulo. Kumain kana, o you want to join us sa baba, para makilala mo naman si papa at mama, tiyak na matutuwa sila once na malaman na ikaw ang anak ni tita victoria,"







Bagamat nahihiya ay pumayag na lamang ako.








"Ano... sino ang nagpalit ng suot ko?" Nahihiyang sabi ko. Hindi kasi ako mapanatag lalo na at isang lalake ang nagdala sa akin rito.








Kita ko ang pagsilay ng ngiti niya sa labi " dont worry, i did not allow my jerk brother to change your clothes kahit gustong-gusto niya, " nakaramdam ako ng pamumula ng pisngi sa sinabi nito.






















"MASAYA akong makilala ka hija, give my regards to your mother then" masayang sabi ni tito carlito sa akin.









"And please sabihin mo naman kay victoria na dalawin niya ako, i want to make a chitchat to her" si tita pannie naman ang nagsalita at kasabay ng paghalik niya sa akin sa pisngi. Talaga palang malapit si mama sa magulang ni kailie.









"Tita goddess..." tawag sa akin ni miguel at yumakap sa binti ko, naging malapit na ito sa akin. Ng kumain kami ay hindi muna nila ako pinauwi. Miguel wants to talk to me first, kaya pinagbigyan ko kuna hindi ko naman aakalain na aabot pa ako ng gabi rito. Ang masama ay hindi ko natawagan sina mama at papa, maging si mariflor ay walang alam kung nasaan ako kaya tiyak na nag-aalala na ang mga iyon. "Bisitahin mo ulit ako, tita goddess, please"






"Oo naman, maglalaro pa tayo ng buong araw," sabi ko at pumantay sa kanya. Niyakap
naman niya ako at kinintalan ng halik sa pisngi. Mamimiss ko ang batang ito. Masarap sigurong magkaroon ng anak na kagaya niya.







"Miguel. Aalis na si tita angela mo." Sabi naman ni Kailie kaya tutol man ay humiwalay ng yakap sa akin si miguel.







"You take care." Sabi ko kay miguel. Tumango naman ito at yumakap kay Kailie, i mouted thank you to her.






"Pakisabi sa kapatid mo salamat!" Binuksan ko na ang sasakyan. At akmang sasakay roon,







"Makakarating kay Von iyan, you take care angela. And thank you for trusting me" sabi nito, Nagkwentuhan kaming dalawa. Tungkol kay ivo, sinabi ko rito ang lahat. I dont know ngunit nakaramdam ako ng paggaan ng kalooban sa sinabi nito, alam kong hindi tama dahil kakakilala pa lamang namin ngunit hindi ko mapigilan. Ngunit alam kong tama ang ginawa ko. And because of that i gain a new friend,








Sumakay na ako sa loob ng sasakyan ng mga ito, they insist to gave me a ride. Pinahatid na lamang nila ako, ayoko sana dahil masyado na akong nakakaabala ngunit nagpumilit sila. Mas mapapanatag daw ang mga ito kung ipapahatid ako kaya hindi na ako tumanggi pa, isinandal ko ang sarili ko sa upuan at pumikit.






Sa tuwing nag-iisa ako ay tuluyan lamang bumabalik lahat ng sakit. Naaalala ko lamang lalo si Ivo.








Paglipas ng ilang miuto ay nasa harap na ako ng condong tinutuluyan ako, hindi kuna ako uuwi sa bahay. Tatawagan ko nalang si mama at papa na dito muna ako pagsamantala.







"Thank you, manong" lumabas ako ng sasakyan at tinungo ang unit ko. I was about to open my door's unit ng may biglang humablot sa akin at isinandal ako sa pader.









"Where the hell did you go, angel" rinig ko ang galit sa boses ni Ivo, he is damn mad. Akma ko siyang itutulak ngunit masyado itong malakas, "tell me, angel, where the hell did you sleep last night????"








Hindi ko alam ngunit bumangon ang kakaibang saya sa puso ko. Dahil nagsusumiksik ang isang katotohanan.





He still cares for me.

The Bride's Man Series: Second Last ChanceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt