Kabanata 15 (4/9/15)

5.7K 94 4
                                    









"Angela naman! Nagtatangahan ka lang ba o sadyang tanga ka talaga?"frustrated na tanong sa akin ni Mariflor. Mukha itong problemado. Hindi maipinta ang mukha at kanina pa hindi mapakali. Paikot-ikot ito sa loob ng kwarto ko "why did you gave him a second chance?" Sa halip na sagutin ay binalewala ko na lamang ang tanong nito.







Sinabi ko sa kanya ang namagitan sa amin ni Ivo kagabi. And she is truely against it. Hindi daw tama ang ginawa naming dalawa. Hindi tama na hinayaan kong ulit may mamagitan sa aming dalawa lalo na at pamilyado na raw itong tao. Ngunit nangatwiran ako. Hindi pa sila kasal. Anak lamang ang pinanghahawakan ni winry kay Ivo at kay Ivo na rin nanggaling na ako ang mahal niya. Akin pa rin ang nasa puso nito.







"Angela naman, gumising ka nga sa kahibangan mo. Nababaliw kana ba?"








"Mahal ko siya" sabi ko na lamang at saka yumuko. I don't know ngunit sadyang ganito ako. I love him at wala akong pakialam kung sinaktan niya ako. O kung may anak na ito sa ibang babae ang mahalaga ay ako ang mahal niya.







"Jusko naman! He doesn't deserve you. Ano ba ang hindi mo maintindihan. Niloko ka niya, pinagmukha ka niyang tanga sa loob ng isang taon. Tapos ano.. ganoon na lang papatawarin mo? Tanga ka talaga. How stupid you are, angela. Gusto mo bang maloko ulit ng parehong tao.?" Galit ito. Halata sa boses niya. Hindi ko naman siya masisisi. Hindi ako nagsalita at yumuko na lamang.







Alam kong wala naman akong sasabihin kundi mahal ko si Ivo. Iyon naman ang tanging dahilan ko kung bakit ko ulit binigyan siya ng pagkakataon. Kabaliwan na kung kabaliwan. Ngunit mas mababaliw ako kung hindi ko bibigyan ang sarili ko na maging masaya at alam kong sa piling lang ni Ivo ako sasaya. Wala ng iba.






Maramdaman ko ang paglapit sa akin ni Mariflor at umupo ito sa tabi ko. I heard her sighed. Nag-angat ako ng tingin ng hawakan niya ako sa kamay. "Sorry i didnt mean to say those words to you" sabi nito. "Nag-aalala ako para sayo, angela"








"I know. But I already made my decisions, Ivo and I will try once more. Nangako siya..."







"Ilang ulit na siyang nangako sayo,? angela. Ilang ulit din bang nasira ang mga pangako niya.?" May pangungutya sa boses nito. "He lied to you. He hurted you like hell"







"Mariflor, that was before. Okay na kami ngayon, im giving him a chance and this time alam kong mapapanindigan na ang pangako niya." Mistulan itong nag-iisip. Animo may gustong sabihin ngunit pinipigilan nito ang sarili. "I love Ivo at iyon ang mahalaga" sabi ko. She is just looking at me.








"What about the kid. Matatanggap mo ba ang anak niya?" Saglit akong natigilan. Hindi namin pinag-usapan ni Ivo ang tungkol sa bata. Hindi ko pa ito nakikita at lalong hindi ko pa nakakausap si Winry. Wala naman kaming pag-uusapan ngunit gusto kong maging malinaw ang relasyon niya kay Ivo. Responsibilidad lang sa anak niya rito ang meron sa kanila. Siya ang ina ng anak ni Ivo, hanggang doon na lamang iyon,









"Handa akong magpaka-ina sa bata" siya naman ang natigilan sa sinabi ko.








"Binalaan kita, angela." Sabi niya. Humarap ito sa akin at hinawakan ako sa kamay, " I'm always here for you. Kapag sinaktan ka ulit ng sira-ulong Ivo na iyan ay ipapalapa ko na siya sa mga leon ni kuya"










"Eon will not agree on that"










"I know..." matabang na sabi ni Mariflor. Tumawa lamang ito. At kasabay noon ay ang pagtawa ko. I think everything is moving on right places now.






Maiintindihan rin naman ni mama at papa ang desisyon ko. Mahal nila ako at sinusuportahan nila ako sa lahat ng bagay.












The Bride's Man Series: Second Last ChanceWhere stories live. Discover now