Kabanata 19 (5/23/15)

5K 106 3
                                    




"Where you planning to go?" Napataas ako ng tingin ng makita ang mapanuring mata ni ate yalaine na nakatitig sa akin, kasalukuyan akong nag-eempake ng damit ko. Naisipan ko kasing magrelax.


Shit! No. Hindi makapag-relax ang hanap, gusto kong makalimot. I want to forget the pain that ivo brought to me. Tangna! Masakit pa rin pala talaga. Masakit na gawing kang tanga, masakit na maloko ka ng taong pinagkakatiwalan mo. Masakit na ipagpalit ka sa babaeng mas mababa sayo. At mas masakit na makita siyang kasama ang pamilya nito.


It's been fucking three days and two nights simula ng maikasal si ivo at winry. And those are my worst days of my life. I heard a lot of stories. But i really try to ignore it. Pero sadyang mahirap talaga. Para kasing mga multo ang mga ito na pilit kong tinatakasan. Mistulan ngang hindi nababawasan ang sakit at para bang nararagdagan pa. Hindi rin nawala ang pagmamahal ko sa kanya. At sa palagay ko ay lalo pang lumalala ang kabaliwan ko kay ivo.


I want to see him. I want to touch every inch of his skin. I want to feel his love. Gusto kong muli siyang makausap at magmakaawa but. I can't do that dahil kung gagawin ko iyon ay ipapamukha ko lang sa sarili ko kung gaano ako katanga sa kanya.


I always dream of having a family with him. Ako ang nanay at si ivo ang magiging tatay ng mga anak ko. Ngunit hanggang sa panaginip na lamang iyon o marahil hanggang sa panaginip ay hindi pwede. Dahil si Ivo na mismo ang nagsabi. He is happy now with his family.


Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha ko sa mga mata. Still now im crying because of him at hindi ko alam kung kailan mauubos ang luha ko sa kanya. Minsan nga ay gusto ko nalang dukutin ang mga mata ko at nagbabakasakaling matapos ang pagiyak ko. Ngunit kahit na gawin ko iyon ay hindi pa rin mababago kung gaano ko kamahal si Ivo.

Ganito naman talaga ang nagmamahal. Masasaktan at masasaktan ka. Pero darn! No one told me na ganito pala kasakit. Iyong tipong buhay ka nga ngunit mistulan ka namang pinapatay. That's what im feeling right now.

Buhay ngunit mistulang patay.

I never thought myself being miserable. Like i am now.

Lumapit si ate yalaine sa akin at umupo sa kama. Hindi ako nagsalita at pinagpatuloy lamang ang ginagawa ko.


"Angela" mahina niyang tawag sa pangalan ko. "Saan...."

"Somewhere.. i dont know," sagot ko rito. Alam ko kung ano ang pinagdadaanan ni ate. I know about her and marcus. Alam ko kung paano siya iwan ng lalakeng iyon. Putangina nila. Akala nila hindi kami nasasaktan, damn them. Anong akala nila immune kami sa sakit dulot ng tangnang pagibig.

"Kailangan mo ba talaga umalis. What about the business. Si papa, si mama. We need you, sis" makahulugan nitong sabi,

"Im sorry.. i need to fix myself first. Im lost, ate. Hindi ko alam kung sino na ba ako, kung ako pa ba yung angela na kilala mo, because right now. All i know is im damn broken." Alam ko naman sa sarili ko na ang daming nagbago. Kung dati wala akong insecurities. Ngayon feeling ko kinakain ako ng buong-buo. Wala na yung dating angela, at kailangan ko maibalik yung dating ako. Tumingin ako sa kanya. "Ikaw, paano mo nagagawang maging ganyan, maging okay kahit paulit-ulit kang nasasaktan.?"

"Love... just learn.." hindi pa nito naitutuloy ang sasabihin ng bigla akong tumayo.


"Love??" May panunuyang tanong ko. "Putanginang pagmamahal yan" nanlaki ang mata ni ate yalaine. Kita ko ang gulat sa mukha nito. Animo hindi ito makapaniwal sa naging asal ko. But i dont care. Masyado na akong nasaktan ng pag-ibig na iyan. "Love makes people worst. It kills."

The Bride's Man Series: Second Last ChanceWhere stories live. Discover now