Chapter 7

41 4 0
                                    

"Friends na kayo?! Parang kahapon lang nagviral saglit ang photo niyo ah?"

Napangiwi ako. Malinis na ang pangalan ko and I'm done with that, wala na akong dapat ikabahala because I know...hindi pa rin ako nahahanap nila mama. Mag-iisang buwan na rin ako rito and still I'm missing. Iyon ang sabi sa balita sa akin ni Moana. Ipinakita rin sa akin ni Moana ang picture. Lito man dahil ang picture na 'yon ay ang picture noong hindi ako halos makilala because of my make up, that was when I debuted, malabo rin dahil gabi na noon. May mga litrato ako na recent lang at hindi ko alam bakit hindi iyon ang ibinigay nila para madali akong mahanap. Bakit hindi 'yong walang make up para makilala agad ako? Bakit hindi binigay ni mama? Marami akong picture na naiwan sa laptop ko. Marami akong picture na nasa phone ni mama.

Napakurap-kurap ako. "A-ano nga palang balita roon sa babaeng hinahanap, Moana?"

Tiningnan niya ako na para bang baliw na ako. Well, I jumped into another topic.

"Kailangan mo ba ng pera? I have an extra, Prim. Hindi mo na kailangang hanapin ang babae, hayaan mo na ang iba roon. I'm sure, nagrerebelde 'yong babaeng 'yon, ayaw maikasal sa mayamang lalaki. At for sure, tinatakbuhan niya talaga ang sitwasyong 'yon dahil ayaw niyang matali. Hindi natin mahahanap 'yon, sigurado ako. Kahit siguro bahay ng umang susuungin niyon, makapagtago lang."

Napatikhim ako. Grabe naman 'to magsalita. But she has a point though. Iyon naman ang ginagawa ko ngayon. Nagrebelde, nagtago at ayaw magpatali sa taong hindi ko kilala.

"Wala na bang ibang picture maliban sa malabong picture na pinakita mo?"

She shook her head and looked at me suspiciously. Kinabahan ako nang konti, baka mamukhaan niya ako.

"May balak ka talagang hanapin?! Bibigyan kita ng pera! Huwag mo nang pagurin ang sarili mo because that girl is hiding expertly!"

Napabuga ako ng hangin. Muntik na ako roon.

"Hindi sa ganoon, curious lang dahil hindi man lang nilapag ng mga naghahanap ang pangalan ng babae. Paano nila mahahanap nang mabilisan?"

Napakamot siya sa pisngi niya. "Oo nga 'no? Bakit hindi na lang pati name ng babae? Mas mabilis nilang mahahanap kapag ganoon."

That's the question I wanted to be answer, I want to know why they didn't include my name. Is it because they don't want to spoil the people in the business world that the heir of Rivera's Corporation will get marry soon? Dahil ayaw nilang malaman nang iba na ikakasal ako?

"Or are they letting the girl hide? Pero what is the use of the ransom, right? Ang laki na ng ransom, be! Grabe, if gipit na gipit ako ngayon, ako na mismo ang hahanap sa babaeng 'yon. The only problem is that they didn't give the name...not even her nickname. Para lang silang nagpapalaro. Nakakaloka."

Pikit-mata kong tiningnan ang naka-airplane mode kong cellphone. It has been in its airplane mode when I left Manila. Takot sa maaaring mangyari once na in-open ko ang data ko. I know my mom's worried about me and I'm afraid she'll contact me anytime soon if I'll open this. I sighed and clicked it. It's now or never, I'll just ask her about the things that been confusing me. Hindi ako makakatulog nito hangga't hindi nasasagot ang mga tanong sa isipan ko.

Nanginginig ang mga kamay at kabang-kaba sa maaaring kalabasan kapag sinagot ni mama ang tawag ko.

"A-anak?" She whispered and I gasped. I missed her...

"M-mama ko..." Hindi ko mapigilang maging emosyonal, matagal na rin kaming hindi nagkita at nangungulila na ako sa kanya. Pigil ang hikbi habang nakaumang sa tainga ang cellphone.

"Anak! Kumusta ka na anak ko? Nasaan ka ngayon? Okay ka lang ba anak? S-sorry...sorry anak ko, hindi ko ginustong pilitin ka at nagresulta pa sa pag-alis mo. Mahal na mahal kita at akala ko'y makakabuti sa 'yo ang ginagawa ko. Pasensiya ka na..."

Humihikbi ako habang nakatakip ang kamay sa bibig. Gusto kong magsalita pero nanghihina ako. Para akong kandila na unti-unting nauupos.

"U-umuwi ka na please, sweetheart. Miss ka na ni mama. Nasaan ka ba? Nasa maayos ka bang kalagayan? Miss na kita, anak ko. Umuwi ka na..."

"M-mama...ayaw ko pa pong magpakasal mama..."

Namutawi ang katahimikan sa kabilang linya. Tiningnan ko pa ito kung nasa kabila pa ba si mama pero hindi pa naman binababa.

"G-gagawa ako ng paraan, mama! Promise!"

"A-anak...umuwi ka na, dito natin pag-usapan 'yan. They a-are looking for you..."

"Ma...hindi naman ako agad mahahanap! Hindi nila sinali ang pangalan ko--"

"Pero h-hindi ibig sabihin n'on ay hindi ka na mahahanap anak! Paano kung may makakilala sa 'yo riyan sa pinagtataguan mo?"

I stop myself from crying and sobbing.
I wiped my tears and slammed myself on the couch, I massage my forehead and groaned.

"Mama...sabihin mo munang i-uurong niyo na ang kasal na 'yon, uuwi ako."

"A-anak...malaki ang utang natin sa mga Salazar 'nak. Hindi sila papayag na hindi kayo makasa--"

Nag-init na naman ang mga mata ko. Gusto kong magwala, gusto kong humagulgol, pero alam kong hindi makakatulong 'yon sa sitwasyon ko.

"Babayaran ko sila Mama! Magtatrabaho ako para mabayaran natin ang utang natin! Hindi lang naman ang pagpapakasal ko sa lalaking 'yon ang solusyon mama! Marami riyan, ayaw niyo lang akong hayaang dumiskarte!"

"A-anak, ito na ang pinakamadaling solusyon anak. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho at magpakapagod dahil isang 'oo' mo lang, bayad na ang utang natin..."

I groaned and gritted my teeth.

"Hindi ganoon kadali 'yon mama! I will be living with that guy for the rest of my life! Ni hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon! Ayoko pang makasal mama! Mag-aaral pa ako! Marami pa akong pangarap sa buhay! Please..."

Sinambunutan ko ang buhok ko, frustrated sa naging resulta nang pag-uusap namin. I expected this...but not in a way na mas lalo akong maguguluhan at mafu-frustrate. Ang bata ko pa pero mukhang kailangan ko nang magpahinga nang maaga.

"I turned down the ransom they offered to find you, anak. Dahil alam kong nasa mabuti kang kalagayan. I even forced them to not drag your name out. I didn't give them the proper picture to use for the ransom thing...ganoon ako katiwala na nasa mabuti kang kalagayan anak. Na hindi na nila kailangan pang hanapin ka dahil nasa mabuti ka. I even told me to not rush thing and pressure you...ayokong madaliin ka sa bagay na ito dahil panghabang buhay 'to. Gusto ko mang itigil ito ngunit ayaw nila anak...nadumihan ang pangalan ng panganay nilang anak at kailangang malinis sa pamamagitan nang pagpapakasal sa 'yo. He has a bad reputation and you have a good one. Ang sabi nila baka raw iyon ang maging dahilan para malinis ang pangalan ng anak nila, kapalit ng utang natin. Believe me or not, I negotiated with them too, na kung pwede palugitan tayo ng taon para makabayad at hindi ka maikasal...but they don't want to...gusto nilang makasal kayo anak. Wala na akong laban, ayoko rin naman...madungisan pa ang pangalan natin sa industriya."

I sobbed...how ruthless they can be?! Kaya kong magtrabaho at bayaran sila! At isa pa, ngayong nawawala ako hindi naman agad kami maikakasal ah? Kung maaari nga ay nagtrabaho na ako at makapag-ipon na para naman makabayad nang paunti-unti kahit paano eh!

Kaso I'm just 20...without experience. Ang taas pa naman ng standards dito sa Pilipinas. Imagine, in order to be accepted as a worker, you need to have an experience! Eh paano nga kung beginner? Walang experience and willing naman magwork? Willing matuto? Willing magkaroon ng kaalaman? Can they lower their standards? Kasi hindi naman ganoon kalaki ang pasahod, that's why a lot of Filipinos are working abroad. Mga nagtitiyaga na lang ang natitira rito sa Pilipinas.

"I'll think about it mama...g-give me a month...before enrollment babalik ako riyan. Ingat ka palagi, mahal na mahal kita mama. Tell them to not find me anymore, babalik ako..."

We bid our goodbyes, I also assured her na I'm in good hands. Nagkwentuhan pa kami saglit at nag-iyakan bago ko siya sinabihan na matulog na dahil baka may gagawin pa siya bukas nang maaga.

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingWhere stories live. Discover now