Chapter 11

34 4 0
                                    

Nakasalampak at hinahaplos-haplos ko ang lapida ni mama habang nakatitig doon. Animo'y isang panaginip lang ang nangyari ilang buwan na ang nakalilipas. Parang kahapon lang...sariwang-sariwa pa rin ang sakit at sugat na iniwan ni mama sa akin. Alam kong kailangan kong bitawan at tanggapin na wala na talaga siya pero sa ngayon sobrang hirap pa. Hindi ko pa tanggap. Marami mang mga pangarap ko ang kailangan kong abutin na hindi siya kasama ay dapat kong kayanin, kailangan kong tatagan pa, kailangan kong pagsikapan nang mag-isa.

"Ma, alam mo bang sobrang bait ng mga naging kaibigan ko? Mula noong nawala ka, lagi nila akong kinukumusta. Sina Troy at Moana, mama, sayang at hindi mo sila nakilala. Sobrang bait nila...lalo na si Troy. Imagine ma, laging busy 'yon but he always asked how my days went and how's me. Hindi nawawala ang pagpapaalala niya na andito lang siya always for me. And..." I looked around and when I saw no one, I smiled sadly at my mom's grave. "This will be a little secret between us mama, huwag mong i-chika kina Lola riyan ha. S-so this Troy I've been talking about...is really nice ma, gwapo at matalino. I think I have a crush on him na mama. Pero--crush lang naman po, we're friends. At gusto kong manatili kami sa ganoong relasyon dahil gaya nga ng sabi nila, it can ruin a friendship, ayoko n'on mama. Masyado nang napalapit ang loob ko kay Troy bilang kaibigan and I don't like to ruin what we have right now. We're cool."

I sighed. On that day, when I watched their performance, doon ko napagtanto na I have a crush on him. And I even googled it! It says, I have a crush on him nga. Noong kumalabog ang dibdib ko because of his hug...alam kong delikado na. It was even far from what we had when we were in La Isla Prinsesa! We kissed twice and I didn't felt electrified! Pero noong niyakap ako ni Troy sa gymnasium na iyon...sobrang kalabog ng dibdib ko at parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Alam ko masyadong cringe pakinggan but that's how I felt! Totoong may ganoon. Akala ko nga eksaherado lang talaga ang mga nababasa kong libro noon, pero totoo pala talaga.

"Alam kong lalalim pa ito mama, pero kaya ko namang pigilan 'to. Kaya kong huwag pang mahulog sa kanya and besides, crush ko pa lang naman siya. Hindi na siguro ito lalalim pa."

Napangiti ako nang lumakas ang hangin, wari'y sumagot si mama sa sinabi ko.

"Mama naman eh..." Naiiyak ko na sambit at hinaplos ang pangalan niya sa lapida. "I miss you...wala na akong kakwentuhan--" I was cut off by my phone, someone's calling.

Kumunot ang noo ko nang makitang si Troy iyon.

"Why?" I asked when I answered the phone.

"Where are you?"

I looked around. "Hmm? Why?"

"I'll pick you up, kain tayo sa labas."

"May ano?"

Bakit nag-aaya na naman itong kumain sa labas? Kadalasan kasi kapag lumalabas kami ay may okasyon or may gusto siyang i-celebrate. Lagi kasi kaming kumakain sa bahay or minsan sa condo niya. Walang malisya dahil magkaibigan naman kami. And nasanay na rin naman.

"Wala. I just want to treat you tonight. Ano? Where are you?"

I smiled and pinched my finger. "Wait mo na lang ako sa bahay. Uuwi na me."

I stood up and fixed my bag.

"Nasaan ka ba? Sunduin na kita." Pagpupumilit nito.

"'Wag na, uuwi na ako."

"Don't end the call, I'm near at your house."

"Sayang sa load." Reklamo ko, ang dami talaga nitong arte.

"Papasahan kita, wait. Don't end this."

Napakamot ako sa kilay ko. "Troy, what's wrong with you ba? Uuwi na nga ako. And huwag mo na akong pasahan ng load, meron pa ako---ang kulit mo!" Reklamo ko dahil pinasahan niya ako ng 500 balance! "Fine! I won't end this, stay at our house."

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingWhere stories live. Discover now