Chapter 21

46 4 0
                                    

I am silent beside him and I can feel his bad aura while he's driving. Hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko ba siya or hahayaan ang ganitong ambiance. Pasulyap-sulyap ang ginagawa ko habang nakahawak nang mabuti sa seat belt ko dahil baka bigla siyang tinopak at ibangga ang sasakyan niya dahil sa emosyon niyang basang-basa ko.

"Stop looking at me, Primrose." He said with his cold voice.

I swallowed hard and forced myself not to look at him again. Ang sungit ah! Ano namang pinuputok ng butsi niya riyan? Wala naman akong kinalaman sa dalawang bugok na 'yon. Rowan did that on purpose I swear! Hindi naman niya ako sinusundo sa trabaho ko! At ano namang pumasok sa kukote niya at pinasundo niya ako kay Jiro?! At ito naman si Troy akala mo'y naagawan ng kendi kung makabusangot! Hindi ko naman siya in-indian! Hindi naman ako sumama kay Jiro.

"Why are you mad?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil may kutob akong hanggang sa makarating siguro kami sa bahay ay nakasalubong pa rin ang dalawa niyang kilay at tikom pa rin ang mga labi.

He didn't even glance at me! He continue driving and ignored me, like he didn't hear me.

"Why are you galit ba?!" Naiinis ko na na tanong because he seems won't really open his mouth until we can reach my house. Ang isang 'to talaga ay akala mo'y tuod!

Pabagsak akong sumandal sa upuan at nakita ko sa peripheral vision ko ang pagsulyap niya pero nakabusangot na ang mukha ko habang nakahalukipkip. If he don't want to talk to me then fine! Uuwi akong huwag na kaming mag-usap pa!

I heard him sigh but I didn't look at him na. Ayaw niya akong kausap and I'll respect him. Hindi kaya ayaw niya akong sunduin ngayon? Or baka may importante siyang pupuntahan but because he promised to me na susunduin niya ako hindi siya nakapunta and ended up being this grumpy?

Nagtataka ko siyang nilingon nang ihinto niya sa gilid ang sasakyan niya. Nakahalukipkip pa rin ako habang nalilito ang mukhang tumingin sa kanya.

"Why did we stop?"

He looked at me and stares like he wanted to memorize every little detail of my face.

"Who is that guy?" He asked while his hand is still on the steering wheel, his veins are bulging.

I raised my brow at him and licked my lower lip. His eyes went to my lips and his gaze darkened as he look again in my eyes.

"H-he's Jiro, kaibigan siya ni Rowan..." I wanted to tell him na iyon ang dapat sana ay magiging ka-fixed marriage ko but he's out of that. Ayoko namang ikalat iyon dahil hindi pa ako sigurado sa magiging sagot ko matapos ang isang linggo.

He nodded slowly but his face still hard, like he isn't convinced to what I've said.

"He ain't courting you, right?"

Napasinghap ako at iniwas ng tingin sa kanya. He is not! Pero...

Umiling ako. "H-he's just a f-friend of Rowan..."

I can feel his heavy stares at me but I didn't look at him. I looked outside and wait for him to start the engine again. Malayo-layo pa kami sa bahay and sobrang dilim na. Pagod din ako sa trabaho and I wanted to rest na.

"What about the flower?"

I bit my lower lip. Why are we in this topic again?! This is not even worth to talk about.

"I don't know either. He just went there and gave me that, I thought...t-that was from you so I-i accepted it..."

"If I'll give you flowers, ako mismo ang mag-aabot sa 'yo, Primrose."

Napalingon ako sa kanya. Nasalubong ko ang salubong nitong mga kilay at nakatiim na labi. Animo'y may gustong patunayan habang nakikipagligsahan ng titigan sa akin.

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingWhere stories live. Discover now