Chapter 14

26 4 0
                                    

Nakarating kami sa bar kung saan kami magkikita-kita. Ang sabi nila ay naroon na raw si Trey at Brent, together with their girlfriends. I haven't met Brent's girlfriend...sadly it is not Yuna. I don't know what happened to them but...Brent didn't do anything to pursue Yuna. I'm thinking maybe he has a reason behind that...reason to not pursue Yuna even if he likes her. I won't let him speak and spill but I want them to be happy, clearly they like each other but Brent is in denial.

I shook my head. Forget about that, Primrose. Bahala na. Kung sila man talaga ay magiging sila rin naman, siguro this is not the right time pa.

"Wala si Moana ha, baka kaya ka sumama ay akala mo pupunta si Moana." Pang-aasar ko kay Rowan.

He didn't look at me. "How's you and Troy anyway? Mukhang mauudlot ang kung anong meron kayo ah." He rebut.

I pinched his bicep. "Idiot, magkaibigan lang kami. Huwag ka nga'ng malisyoso! And besides...walang mauudlot because before he went there walang namamagitan sa amin. We're only friends."

"Sabi mo eh." he said, still not convinced.

"Malisyoso." Bulong ko at iniirap na lang sa ere ang irita sa kanya.

Though I like what he's saying...hehe, but I should act like I don't, malakas pa naman ang radar ng isang 'to. Konting pagkakamali ko ay malalaman niyang crush ko si Troy. At hindi pwedeng mangyari 'yon, mamatay na lahat ng impakto, huwag lang malaman ni Troy...what we have will put in waste.

"Oh here they are!"

Kumaway ako sa kanila Trey at agad naman itong sumenyas na lumapit sa table nila. Hindi pa ganoon kaingay, because we are too early for the bar's opening, I heard there's a local band who'll perform tonight kaya medyo late ang pagbubukas nila. Apparently, the owner of this bar is the former band members' friend, kaya naman kahit maaga kami ay inaasikaso na ng mga waiter.

"I'm glad you came, Prim. Hindi ko bet  'tong babae ni Brent." Lumapit sa akin si Sunshine at tumabi. Agad namang umalis sa tabi ko si Rowan at sumali na sa ibang lalaki.

Tiningnan ko ang girlfriend ni Brent, mukha namang mabait and tahimik...

"Where's Chandria nga pala?"

She shrugged. "Ewan ko roon, LQ na naman sila ni River. Feeling ko nga magbibreak na sila eh."

Natigilan ako. "Ha? Hindi 'yon, baka misunderstanding lang."

Kasi ang tagal na nila eh. Malabong maghiwalay ang dalawang 'yon. Kung may kutob akong maghihiwalay ay si Brent at ang girlfriend niya ngayon.

"Pustahan oh?" Panghahamon nito.

Tumawa ako. "I don't do bet, Sunshine."

"Ay wala, panis ka kay Haina. Naturuan ko na 'yon eh. Sayang nga at wala siya ngayon..."

Nasa La Isla Prinsesa si Haina, iyon ang kwento sa akin ni Sunshine. Iyon ay dahil gusto raw ng mama ni Akihiro na alagaan ni Haina ang mga property na iniwan ng kanyang Lolo. Sa tulong na rin ni Akihiro. Iyon nga lang ay umalis si Akihiro sa bansa, pero hindi naman niya pinapabayaan si Haina at ang mga negosyo nila, lalo na ang negosyo ng namayapang Lolo ni Haina, si Akihiro rin mula't sapol noong namatay ang papa ni Haina ang namahala sa lahat.

"How's she na pala? Is she okay na ba mula nang malaman niya 'yong tungkol sa magulang niya?"

"She's okay naman sa ngayon...but not until Akihiro left. You know, she likes him...tapos mababalitaan niyang magkapatid sila."

I sighed. I heard of the news and it's really heart breaking for Haina, to think that she likes Akihiro.

Iyon ang naging topic ni Sunshine buong oras na nasa bar kami. Maingay na ang buong lugar dahil na rin sa tugtog at mga nagkakasiyahang mga tao. Some are drunks, some are not but they are having fun.

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingWhere stories live. Discover now