Chapter 30

44 3 0
                                    

Hindi ko alam paano nangyari na nasa hotel niya kami. Yes, sumama ako sa kanya. Intrusive decision eka nga. Siguro dala na rin ng alak, hindi ko na alam ang ginagawa ko sa buhay ko. Namalayan ko na lang na inaalagaan ko ang impaktong 'to.

Umungol siya nang pabagsak kong nilapag ang towel na may maligamgam na tubig sa noo niya. He can't open his eyes dahil siguro sa masakit ang ulo niya. Wow, ngayon niya pa ininda ang lagnat niya kung kailan napuna ko? It's past 2am, bakit hindi siya umuwi nang maaga at nagpahinga na lang sana rito?

"Ouch—" reklamo niya nang padabog kong hinablot ang braso niya at pinunasan.

"Ouch? Ouch mo mukha mo. Hindi ka lalagnatin nang sobra kung pinagpahinga mo ang sarili mo. May balak ka bang mamatay? Eh 'di sana nagpasagasa ka na lang kaysa dahan-dahan mong pinapatay ang sarili mo. Shunga ka rin eh, 'no!"

"My head—" reklamo niya at hinilot ang noo niya. Pambabalewala niya sa sermon ko. "Aray—"

Hindi ko pinansin ang pag-iinarte niya at tinuloy ang pagpupunas. Nakita kong dinilat niya ang isang mata, nahuli ko iyon kaya naman nag-inarte itong nakapikit.

"My head, it's throbbing." Sabi nito, ngumuso pa habang hinihilot pa rin ang noo.

Hinawi ko ang kamay niya at kinuha ang towel na naroon, hinilot ko ang sentido niya habang galit pa rin ang titig dito.

"Talagang pipintig-pintig 'yan dahil sa tigas ng ulo mo! Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo? Sa bato—sa bakal?"

He groaned and pouted even more. Wow, this brute has the guts to give me that kind of look while he's freaking in front of me!

"Sa susunod kapag inaapoy ka ng lagnat, dapat mag-gym ka. In that case, isusugod ka sa hospital at walang manenermon sa 'yo roon!"

Para akong binalik sa nakaraan. Kung saan ganitong-ganito rin ako sa kanya tuwing nilalagnat siya. Pinapagalitan ko siya pero inaalagaan pa rin naman.

Tahimik lang ito habang nakahiga. Tinitigan ko ang mapayapa niyang mukha, ang gwapo pa rin kahit na may lagnat at namumula-mula ang mukha. Naririnig ko na rin ang mahihina niyang pagbuga ng hangin, nakatulog ito habang minamasahe ko ang sentido niya.

"Ang kulit-kulit—akala mo nama'y tatakbuhan ng party. Pwede namang magpahinga na lang dito eh." Bubulong-bulong ko at tinapos na ang pagmasahe sa sentido niya.

"Kung 'di lang kita—nevermind—" natigilan ako sa kakasermon, sumimangot ako. "Nakakainis ka kahit kailan." Hinaplos ko ang pisngi niya.

Nag-init ang gilid ng mga mata ko. I felt so guilty for what I did before, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko na sisiguradong maayos ang lagay niya kapag iniwan ko ulit siya. Wala na dapat akong karapatang magpakita pa sa kanya. I left him...

I wiped my tears and caressed his cheek softly. Like I am afraid he'll break—gusto ko ring maramdaman ang balat niya, kagaya noon. Gusto kong mahawakan siya nang matagal. Selfish man pakinggan pero—sana siya 'yong nasa likod ng dummy account. Siya lang ang tumatawag sa aking Rosas. Siya lang—kaya malakas ang pinanghahawakan kong siya nga 'yon.

"I missed you," I whispered. Suminghap ako at pinunasan ang lahat ng luha bago ngumiti, nasisiyahan sa nakikita. "Ingatan mo naman ang sarili mo, hindi naman kita laging maalagaan dahil kailangan kong idistansiya ang sarili ko sa 'yo. Hindi rin lagi akong nasa tabi mo at lalong hindi na tayo tulad ng dati. Kaya please, hangga't maaari iwasan mong pabayaan ang sarili mo."

Tumayo ako at inayos ang kumot niya, nilalamig kasi siya. Hininaan ko naman ang aircon niya kaya pwede ko na siyang iwan. Kailangan ko na ring umuwi sa bahay nila Rowan.

Isang sulyap pa ang ginawad ko bago umalis sa hotel room niya. Medyo sumasakit pa rin ang ulo ko pero kaya ko naman. Ang mahirap lang nito ay ang pagtulog, lalo na sa nangyari kanina.

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingWhere stories live. Discover now