Chapter 13

32 4 0
                                    

"That's why she got a high grade from Doc Morlen because she's sipsip..." She laughed sarcastically and looked at me. "O baka kaya naman...kapalit ang katawan sa mataas na grade? That's not impossible, she got Troy because she's using her body...kaya nga dikit nang dikit sa kanya si Troy noon eh." She's talking to her friend na rito rin sa hospital na ito.

I still can bear her bitterness but for her assumption about me using my body to get someone is below the belt.

"What did you say?" I said and put my ballpen inside my pocket.

"You're a whore."

Napantig ang tainga ko. Agad akong hinawakan ni Melissa sa braso but no, she can't stop me now.

"Are you talking to yourself, Bella? Because that's scary, maybe this field isn't for you in an aspect that you will cure people but rather you are the one need to be treated?" I smiled sweetly when her smirk slowly fading.

"H-how dare you?!" Akma itong susugod but her friends stop her.

"You started this Bella. Tahimik lang ako nitong mga nakaraan kahit sinisiraan mo ako sa ibang mga intern and that's fine, wala akong balak itama ang mga pinagkakalat mo, pero makapal ba talaga ang pagmumukha mo at nakaya mong sa mismong harapan ko pa sabihin ang mga pinagkakalat mo? You're such a shame in this field, Bella. Nurse should be trust worthy not a gossiper who spread words that aren't even true. Kasi alam mo, sobrang laki ng tiwala ng mga tao sa atin lalo na ang mga pasyente, nasa kamay natin nakasalalay ang mga kalagayan nila."

Natahimik siya. I'm not saying this to open up her eyes but let her realize that this is not all about me but also herself and people.

"And about me using my body to get someone? Nah, I don't need to use my body to get someone. Dahil isang kalabit lang Bella, nasa akin na ang buong atensyon ng tao. Look at you, I didn't even touch you pero buong atensyon mo nasa akin na. Ano pa kaya kung hinawakan kita at sinakal? Baka lagi ka ring nakabuntot sa akin, laging bantay ang mga galaw ko?" I smirked and slowly winked at her.

Tinalikuran ko na sila at napapailing na tinungo ang office ni Doc Morlen. This is our last day here and balita nga na mataas ang grade ko and I'm thankful...at sa tingin ko deserve ko ito. I did my best to have that. Sobrang pressure at nakakastress pero kinaya ko. Laging puyat, pero kinaya kong pumasok nang maaga because punctuality is a must nga raw bilang nurse.

"Congratulations Miss Fernandez for completing your OJT here and you did a great job. I'm hoping to work with you in the future, fly high and soar high."

Yumuko ako. "Thank you so much, Doc Morlen. It's a pleasure to work with you po, sobrang laki po nang naitulong niyo sa akin. And punctuality is a must." I joked.

He chuckled. "Indeed, so don't be late in every kind of meeting, especially at your work. Nakasalalay ang buhay ng pasyente sa atin, we really must be on time."

Inabot ni Doctor Morlen ang portfolio ko at agad akong nagpasalamat ulit and nagpaalam. Andito pa rin si Travin at magpapaalam ako sa kanya. We became close dahil na rin lagi kaming magkasama at lagi ko siyang binabantayan.

"Hi Travin!" Bati ko sa bata. Naabutan ko itong naglalaro sa kama.

"Hello po, Ate Nurse!" Agad itong tumakbo sa akin at yumakap.

Ginulo ko ang buhok niya at nakaakbay ako sa kanya, tumungo kami sa kama niya. Tinabi niya ang mga laruan niya at nakangiting tumitig sa akin.

"Kailan po magvivisit si mama?"

Natigilan ako at napatitig sa bata. His mother died because of his step father. Hindi niya alam 'yon sabi ng mga pulis dahil nahuli raw na pagsasaksakin ang mama nito bago ang bata.

"Travin, have you heard the story of a brave mother and her son?"

Kumunot ang noo ng bata pero agad itong kuryusong tumitig sa akin at aktibong umayos ng upo, buong atensyon ay nasa akin.

"Bagong story po ba 'yan? Pero...hindi pa po ako matutulog."

Napangiti ako at hinaplos-haplos ang buhok niya. Just like me, he lost his mother because it was killed...it was stabbed...it was murdered. At alam ko ang mararamdaman ni Travin kapag naipaliwanag ko na sa kanya nang maayos ang kinahinatnan ng mama niya. Sobrang sakit...maiisip mo na lang ang mga bagay na pwedeng ikatapos nito...at hindi makatutulong 'yon sa pagtanggap. Manunuot sa kailaliman ng puso ang sakit at wala kang magagawa kundi ang iiyak iyon. Gaya nang pag-iyak at pagmamakaawa ng biktimang humihingi ng tulong, pagmamakaawang huwag siyang patayin...

"Hayaan mo na. Saglit lang ito....are you ready?"

He nodded innocently. Nangilid ang luha ko. He's too innocent...

Pero he needs to know...lalo na at hindi na ako maglalagi rito, oo, I can still visit him naman pero he needs to be taken care of, kaya sa DSWD ang bagsak niya.

"Once upon a time, may isang pamilyang puno ng pagmamahalan na naninirahan sa isang palasyo. A mother, a father and a son who lovingly lives like there is no one who can ruin their family. But...tragic happened, the father died. The mother and her son was left in the palace. They continue to live without the father...pero hindi na kagaya noon na sobrang saya nila."

Tumigil ako. Seryosong nakatitig pa rin sa akin si Travin.

"Isang araw, may ipinakilala ang ina sa kanyang anak, iyon daw ay kanyang kasintahan."

"Kasinghan po?"

"Kasintahan, Travin. Nobyo or boyfriend..."

Tumango siya pero alam kong hindi niya naintindihan 'yon.

"Doon nagbago ang buhay nila. Nagkakaroon ng away ang mga magulang ng batang lalaki. Hanggang sa..." Lumunok ako, kinakabahan sa maaaring reaksyon ng bata. "Gumawa ng masama ang kasintahan ng ina ng bata, pinatay niya ang ina ng bata..."

"B-bakit po? Bad guy po ang kasinghan ng ina po?"

Umiwas ko ng tingin at tumango. "Oo, sobrang sama na pati ang walang muwang na batang lalaki ay sinali, sinaksak sa tagiliran."

"Really po? We have the same scar po pala kapag gumaling na rin po ang sugat niya!! I want to meet him..."

"You will meet him in the right time, but for now...be a good boy and be strong. Ate Nurse will leave na, hindi na ako rito mananatili..."

Natigilan siya at napatingala sa akin. Ang kaninang maamong mukha ay napalitan ng lamukot. Nangilid ang luha nito at mahigpit akong niyakap.

"W-why po, a-ate Nurse?? P-pati po ikaw iiwan ako..."

Napasinghap ako, bumabara ang kung anong bagay sa lalamunan ko at gusto ko na lang na ilabas iyon ngunit sa mata dadaan.

"N-no baby, I'll visit you from time to time. And you will have a new house! T-that house has a lot of friends...you will meet a lot of it there. Gusto mo 'yon 'di ba??"

Tumingala ito sa akin habang nakayakap pa rin. Kumikinang ang mga mata at wari'y nakakita ng laruan na gustong-gusto niya. Napangiti ako.

Travin is good kid. Kaya naman nang maihatid siya sa orphanage ay sumama ako. Nanghingi na rin ako ng numero ng isang Sister at iyon na lamang ang tatawagan kung sakaling may gusto akong ipasabi kay Travin. Travin got a special space in my heart.

Habang nagmamaneho pauwi ng bahay ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Trey. Minsan lang siya tumawag at iyon ay kapag inaaya nila akong gumimik. Hindi ako nakakasama gawa na rin nang sobra kong busy sa OJT sa hospital. And...now, parang gusto kong sumama. Wala naman akong gagawin bukas, I just finished my On-Job Training.

Pumayag ako at agad niya akong sinabihan na susunduin but I refused. Kasama rin pala si Rowan so sa kanya na lang ako sasabay. That's not a biggie naman para kay Rowan, sapukin ko pa siya kapag nagreklamo siya. Or kaya ay isumbong ko kay Moana.

Escape (La Isla Prinsesa Series #2) On-goingWhere stories live. Discover now